Chapter- 39.2

3.8K 74 7
                                    

Chapter- 39

.2

Nanlulumo ako habang pauwi ng bahay.wala na si papa,wala na sya.hindi ko inaasahan ang nalaman ko.parang dinaganan ng napakalaking bato ang puso ko at durugin ito ng pinong-pino,wala akong maramdaman kundi ang sakit sa puso ko,hindi ako makahinga,parang nahati ang katawan ko at namatay ang hati nito.

Hindi ako nakahingi ng sorry kay papa,hindi na nya nalaman ang totoo,hindi ko na sya makikita pa at higit sa lahat.hindi na nya nakita pa ang kaisa-isang apo nya,kung gaano ito kalikot sa kama,kung paano ito tumawa,hindi na nya ito maikakandong at hindi na nya ito matatawag na apo.

Humagulgol ako habang nasa bus pauwi,bukas na bukas pupuntahan ko ang puntod ni papa,medyo malayo nga lang kasi nasa probinsya namin sa Bulacan pero hindi ako matatahimik ng hindi ako makakahingi ng sorry sa kanya kahit man lang sa puntod man lang.

pinunasan ko ang mga luha ko na nag-uunahang tumulo na naman,ang lamig lamig na pero bakit hindi ko ito maramdaman?manhid na siguro ang puso ko.

"Miss?"

"miss?"

"a-ah?"napatingin ako kay manong na nasa harap ko.

"san po kayo bababa?"tanung nya sa akin.

"ah sa**** po"pilit kong sagut.

"Lumagpas na po tayo ng tatlong kanto."lumagapas?bigla akong napatingin sa labas at oo nga.lumagpas na nga ako sa kanto namin.

"sige po,bababa na lang ako dito,lalakarin ko nalang pabalik tutal hindi pa naman malayo."tumayo na ako,inayus ang sarili.

"sige po miss."sabi ni manong bagu ako iwan,bumaba na nga ako sa bus at nagsimulang maglakad pabalik sa kanto namin.

lakad lang ako ng lakad habang umiiyak.naiisip ko na naman si papa,yung mga masayang moment naming magkasama.yung ipinaghahanda ko sya ng pagkain nya,pinaiinum ko sya ng gamot,yung lalambingin ko sya kasi may kailangan ako,kung paano nya akong tawaging anak,ngingitian nya ako at yayakapin.lahat ng iyon ay parang sariwa pa sa mga ala-ala ko.

Parang piniga na naman ang puso ko,para ko nakikita yung mukha ni papa ng malamang buntis ako.nakita ko sa mga mata nya ang disapointment,kung paano sya nasaktan at paano nya ako itakwil,lahat ng iyon ay parang sariwa pa sa mga ala-ala ko.

Parang may bigla akong nabangga.

"aray miss!tumingin ka naman sa dinadaanan mu!"tiningnan ko ito.

"sorry.."tinulak nya ako ng bahagya tapos iniwan din.

Naglakad nalang ako ulit ng parang zombie hanggang sa namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng bahay namin.tinungo ko muna ang bahay ni nay linda pero ang sabi nito ay may lalake raw na kumuha na dito.

O.O "s-sino pong lalake nanay?"bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"hindi ko alam ang pangalan anak pero lagi ko rin nakikitang kasama mo."

"k-kasama ko po?"sino naman kaya yun?"pero bakit nyo po ibinigay dun!baka po manloloko yun!"kinakabahan parin ako.

"kasama mo nga sya palagi kaya binigay ko sa kanya si jolan,mukhang harmless naman yung lalake at gwapo pa..diko nga lang matandaan kung anu yung pangalan nya.basta matangkad sya,maputi at yan.."parang may tinitingnan sya sa bakuran ko.

"oh yan naman pala yung kotse nya oh!"tinuro nya yun sa harap ng bahay ko.

Tumingin ako dito at sino pa nga ba ang pumupunta dito ng mga ganitong oras?

-___- "ok po,kilala ko na po sya.."sabi ko nalang."sige po aalis na po---"bigla akong hinawakan

ni 'nay lordes sa braso para pigilan.

"teka lang anak,umiiyak ka ba?"

"ah?"tinitigan nya ako.

"ang laki ng eye bag mu sa mata at parang namumula pa ang mga ito.sabihin mu anak bakit ka umiyak?"puno ng pag-aalalang tanung nya.

Bigla akong napabaling sa ibang direksyun."ah 'nay,h-hindi po ako umiyak.masyado lang malamig sa labas kaya heto po tsaka po mahangin sa bus kanina kaya namumula ito.h-hindi po ako umiyak."sagut ko habang ngumingiti ng pilit.

Tinitigan lang nya ako ng tinitigan parang iniexamine kung nagsisinungaling ba ako hindi.ayokong sabihin ang nangyari kay papa dahil..

Hindi ko rin alam,hindi ko alam..wala akong lakas ng loob na sabihin ito.hindi ko alam kong anun ang nasa isip ko ngayun.nababaliw na siguro ako.

Napatungo bigla ako at napabaling ulit sa ibang direksyun.kinakagat ko yung pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang gusto kumawa dito.

Narinig ko nalang biglang bumuntong hininga ito at hinawakan bigla ang kamay ko.napatingin tuloy ako dito.

"h-hindi ko alam kung bakit napakalumbay mo ngayun,alam kong may iniisip kang mga bagay na nagpapalungkot sayo."ngumiti ito sa akin bigla."pero anak,andito ako para damayan ka,sana wag mung isiping naiiba ako sayo.tinuring na kitang parang anak ko na rin."

dahil sa sinabi nya bigla nalang tumulo ang mga luhang gusto kong pigilan..niyakap ko sya.

"salamat po 'nay..salamat."hinagud nya ang likod ko habang humahagulgol.

"ok lang yan anak..ok lang."

"salamat po talaga nanay.."kinalas nya ang pagkakayakap sa akin at tiningnan ako.

"walang anuman yun anak..sige na pumasok ka na ay malamig na sa labas.magkasakit ka pa."

"opo 'nay linda.salamat po talaga sa lahat,hindi ko alam ang gagawin ko pagwala ka."niyakap ko sya ulit at nagpaalam na rin bagu pumunta sa loob ng bahay.

Sino naman kaya ang kumuha kay jolan?hay,sino pa nga ba?sya lang naman ang pumupunta lagi sa bahay aside sa mga kaibigan nya.

Imposible namang si Monic,kasi hindi ko naman sya nakasama,kanina lang naman.

naka on na ang mga lights,

Pumasok na lang ako sa bahay at pagbukas ko palang ng pinto ay napabungad na sa akin ang isang malaking bag.

O.O

Anu 'to?

"hi.."napatingin ako at si Olah nga ito.

"anu yan?"turo ko sa bag.

Ngumiti sya.

"im going to live her with you."he winked at me.

What?

A Wonderful momentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon