Chapter 26: Great Escape part 2

56 1 0
                                    




All girls all boys ang bawat kwarto. 3 rooms. Or let's say by group ang rooms.

"Ia, sa tingin mo magiging Masaya to? mukha kasing hindi pa ganun ka-ok kila Julia na kasama natin sila Yen eh" pabulong na sabi ni Miles sa kausap habang inaayos nila nag mga gamit nila.

"i don't know, let's wish for the good one na lang. Ayoko na kasi ng away. Simula kasi nung nag school visit ang mga taga West sa school, ang dami kong nalaman." Malungkot na pahayag nito.

Nagkibit nalaikat nalang si Miles. Hanggang ngayon tumatakbo pa din sa isip ni Ia ang image na nabuo sa kanila ng mga taga West. Alam niya namang aware ang ibang mga taga outsider sa nangyayari sa loob ng school nila. Bullies here, cat fight there, at ang masama, minsan sila pa ang pasimuno, naturingang mga anak ng mga owners ng East, sila pa itong sumisira sa imahe ng school nila. Pero kahit na ganun, marami pa ding nag eenroll sa school nila, at kaya niya nasabing marami dahil by group ang mga nag i-enroll sa East. National motto na ata ng East ang "NO MAN IS AN ISLAND"

"Ia, may nakakamiss sayo sa labas. Ang kulit, kulang nalang pumasok dito sa loob eh." Iritang sabi ni Ella at dumiretso sa bed niya para mag ayos na din ng gamit.

"asus. If i know, may iba kang gustong mangulit sayo!" mapabirong tingin ang ipinukol ni Miles kay Ella. At syempre death glare naman ang natanggap niya pabalik. Nanahimik na lang sila pareho, pero ang mukha ni Ella, hindi mo pa din maipinta.

Ia went out 3 minutes after siyang sabihan ni Ella. Pagka bukas palang niya ng pagkabukas ng pinto. Niyakap agad siya ng nag aantay sakanya sa labas lang ng kwarto nila. She stunned, sobrang ikinagulat niya yun, sino ba naman kasi ang gagawa ng ganun kung halos minute palang ang pagitan simula nung naghiwalay sila kanina at pumasok ng kanya-kannyang kwarto.

"grabe, namiss kita agad!" sabi ni Dj at humiwalay na sa pagkakayakap niya kay Ia. Tinitigan niya ang mukha ni Ia. Napaatras pa nga si Ia nang mag lean ito sa kanya at parang kinikilatis ang mukha niya. Salubong ang kilay na tinignan niya pabalik si Dj. "grabe, ni hindi ka man lang kinilig?" lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ni Dj. "pero alam kong magaling ka lang talagang mag tago ng true feelings." Lumayo na siya dito at nakatayo na ng maayos. Pero nanatiling walang imik si Ia. "huy! Tulala?" medyo natauhan siya ng marinig niya yun. "ah, alam ko na, kinilig ka noh? Sabi na eh, hayaan mo dudoblehin ko ang sweetness ko" tumaas baba pa anag kilay na sabi nito.

"ang yabang" napalingon si Dj nang magsalita na siya.

"ouch, ang lupit mo, minsan ka nalang magsalita ayan pa talaga ang sinabi mo?" humawak pa dibdib na umarte.

"eh kasi naman, akala mo isang taon hindi nagkita." Inirapan niya ito.

"hmp. Sungit" nakasimangot na sabi nito.

"yabang!" balik nito. Naglakad na siya palabas ng hallway nang rooms nila. Alam niya namang nakasunod si Dj sakanya

"Sungit" pumantay ito kay Ia at talagang ibinulong niya pa sa tenga nito.

Papalit palit lang sila sa yabang at sungit na yun, hanggang sa mkarating sila sa cottage kung saan andun na ang iba nilang kasama. Including Yen and her group at ang tropa ni Dj.

"yun oh, ang OTP ko andito na!" nakipag apir pa si Marlo kay Dj ng nakalapit na ito.

"otp?" taking tanong ni Yen.

"Otp, one true pairing" proud na sabi ni Marlo.

"daming alam" sabi nalang ni Yen.

"ganun talaga pag matalino" may pakindat kindat pa to kay Yen.

"yuck!" napaismid nalang si Yen.

"Ia oh inaaway ako ni Yen" bigla siyang tumayo at lalapit sana kay Ia para magtago sa likod nito kaso.

"saan ka pupunta?" pinandilatan ni Dj si Marlo at wala namang nagawa ito kundi bumalik sa upuan niya habang kumakamot sa ulo.

"sabi ko nga eh, babalik ako sa upuan ko" sabi ni Marlon a napakamot pa sa noo niya at bago siya umupo napatingin siya kay Yen at dumila pa ito na may kasamang irap.

"isip bata" bulong ni Yen.

... kumain lang sila at nagkan-kanyang lakad na. Ang iba bumalik ng kwarto, ang iba piniling maglakad sa tabi ng dagat, ang iba pumunta sa pinakamalapit na shop para daw bumili ng kung anong makikita nilang magustuhan nila...

"it's nice to know na magkakasundo din pala tayo. Akalain mo yun noh? Kung kelan naman pa-graduaate kami" sabi ni Yen habang nakatingin sa dagat.

Magkasama sila ni Ia ngayon. Hindi nila alam kung paano pero nagkasundo silag maglakad sa tabing dagat.

"you're right. Siguro kung hindi pa nangyari yun, hindi pa tayo magkakasundo." Tinutukoy ni Ia ang incedent ng East at West.

"ahm.. i hate to say this thing but Ia, I.. I'm sorry" napalingon si Ia kay Yen. "I'm for being immature, ako tong mas matanda pero ako pa tong nangunguna sa pakikipag away. You know, nasaktan lang talaga ako noon nung nireject mo ako bilang friend mo." Napayuko si Ia sa sinabi niya. Huminga ng malalim bago siya nagsalita.

"I'm sorry too. Aaminin ko i have this feeling na ayoko talagang maging kaibigan ka. You know, first impressions, alam kong maling manghusga pero sadyang ganun lang talaga kakitid ang utak ko, mabilis maniwala sa mga naririnig, at siguro mali ako na hindi ka binigyann ng chance to show your true you! I'm really sorry for that" ngumiti si Yen sa narinig niya,

"i can't blame you, kasi after you rejected me, hinusgahan din kita agad." Natawa sila pareho.

Sa isip ni Ia, siguro kung in the first place she accepted Yen, everything will be perfect especially sa image ng East. Pero sabi nga nila "sa sobrang tangkad ni pagsisisi lagi siyang nasa huli"

"hi!" napalingon sila pareho sa nagsalita.

"Ivan" bati ni Ia.

"serious girl talk?" sabi niya at tumabi sa dalawa. Nagpagitna talaga siya.

"medyo" sagot ni Ia.

"what's up? How are you Ms. Clingy?" sabay tingin sa direksyon ni Yen, si Ia medyo kumunot ang noo. Hindi niya alam kung na-offense si Yen or what dahil di niya maintindihan ang nagging reaksyon nito. Sasagot n asana siya nung nagsalita si Yen.

"Clingy your face" sabay irap nito.

"woah! Do you have your period? Ang sungit mo ah!" ok, na-oop na si Ia sa dalawa, ngayon niya lang nalaman na close pala talaga ang dalawa, akala niya kasi sadyang nilalandi lang ni Yen si Ivan dati para inisin si Julia.

"uh.. excuse me, medyo nakakaistorbo ata ako." Tumayo si Ia at nagpaalam sa dalawa. Nagngitian lang sila ni Yen at umalis na ito pero bago siya tuluyang makalayo, lumingon siya ulit sa dalawa, naghahampasan na ito ngayon! Napangiti siya, hindi niya alam kung bakit, pero may part sakanya na nasaktan dahil alam niya na kung makikita to ni Julia, siguradong masasaktan yun.

At ng pagkabalik niya ng tingin niya sa nilalakadan niya nagulat siya sa nakita niya..

"Julia..." napatingin siya sa direksyon na tinitignan ni Julia, hindi niya alam kung anong gagawin, pero isa lang ang nasisigurado niya. Nasasaktan ang kaibigan niya sa nakikita niya ngayon!

--------

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon