Chapter 17: His PAIN

182 4 0
                                    

=Ia=

"sure kang hindi kami nakakaabala sayo ah" di ko na alam kung pang ilang tanong na yan saken ni Dj, at ng mommy niya.

andito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa airport. kanina pa daw kasi nila inaantay si Dj pero late daw ito kaya nagutom daw sila. mukhang kasalan ko pa nga ata kung bakit natagalan si Dj sa pagsundo sa kanila. nahihiya tuloy ako ngayon.

"so hija, how's my son at your school?" tanong ng mommy ni Dj, kami naman ni Dj nagkatinginan. nakatinign ako sakanya with anong-sasabihin-ko-look at siya naman aba-ewan-ko-sayo look. oh diba, nagkaintindihan kami.

"ahh,.." papalit palit ang tingin ko kay Dj at sa mommy niya.

"hay naku honey, di ba nagugutom ka? mamaya ka na makipagkwentuhan, kumain ka muna" Dj's Dad interupt, at buti nalang talaga ganun ang nangyari kasi ano naman ang sasbihin ko? as if naman super close kami ni Dj diba? 

"so, anak, ikaw nalang tatanungin ko, at ako nalang ang magtatanong" pagpapatuloy ng daddy niya. "maganda sa East diba?" tumango lang si Dj. "at madaming magandang babae, madali kang makakahanap ng iba" bigla akong napatigil sa pagnguya ko sa narinig ko.

"dad" saway ni Dj sa daddy niya, tapos nakita kong napatingin yung daddy niya saken.

"oopss. sorry. sabi ko nga kakain muna bago kwento eh." ngumiti ito saken in a guilty way. tapos may binulong saken si Dj.

"don't mind them, just finish your food and we I'll take you to your home" I do as I told. isa to sa di ko maexplain eh, bakit pag siya na nag command madali niya akong mapasunod. ai ewan, imagination ko lang ata yun -__-

 ....

"Ah anak, samahan mo muna ako sa department store, may bibilhin lang ako" sabi ng daddy ni Dj nang matapos kaming kumain.

"ok." tumayo si Dj sa kinauupuan niya. "I'll be back" bulong niya saken. kaya tumango nalang ako.

"so Ia, pwede na siguro tayong magkwentuhan?" napalingn ako sa mommy ni Dj. omo, di ko naisip to ah, ano kayang tatanungin saken nito.

"kamusta ang anak ko sa school" paunang tanong niya.

"ahh, he's doing good naman po sa lessons, actually siya po lagi highest sa quizes and exams" uminom siya ng wine then tumango.

"how about other stuffs? may nililigawan na ba ang anak ko?" napalunok ako sa sinabi niya, parang interrogation lang ang nagaganap ngayon.

"wala naman po ata, hindi ko po sure kasi hindi pa po kami ganun ka-close ni Dj to the point na ishashare niya na saken about his private life" 

"oh i see, alam mo kasi yang anak ko, sobra yan kung magmahal, halos wala ng matira sa sarili niya kaya ganun nalang ang naging resulta. I witnessed the pain na naranasan niya sa ex niya. " if im not mistaken she is talking aboout that girl from west. "kaya we come up to the decision na ilipat na siya sa East, i know it's hard for him, pero madali naman siyang makakapag adjust kasi andun din naman ang pinsan niya, and syempre mas mapapadali ang paghilom ng sakit kung hindi niya na makikita yung babae. Im sorry for telling you this" nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko. "but I need someone na makakatulong sa anak ko na tuluyan ng makalimutan  yung mga nangyari. at sa nakikita ko ngayon, medyo nakakangiti na siya, hindi na rin siya madalas tulala, at higit sa lahat hindi na siya tumatawag saken para sabihin ang mga problema niya regarding that girl. " binitawan niya ang kamay ko. "im sorry, hindi ko dapat sinasabi to sayo, magagalit yung anak ko kapag nalaman niyang pinagsabi ko to"

"Tita i have to tell you something, alam ko po yung about sa ex niya, at kung bakit siya napunta sa East" her eyes widen.

"do you mean, sinabi na to sayo ng anak ko?" tumango ako. "so I can tell na alam ko na kung sino ang makakatulong saken para mas mapadali ang pagmomove on niya" kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"mukhang seryosong usapan to ah" bigla akong napalingon ng may magsalita sa likod ko.

"hon, ambilis niyo naman atang makabalik?" dumating na pala sila, at yung daddy ni Dj ang nagsalita kanina.

"wala yung hinahanap ko eh, sa ibang mall siguro meron" tumingin siya sa wrist watch niya. "I think it's time to go, may pasok pa tong mga to bukas" 

and with that, umalis na kami, at dahil isang kotse lang ang dala namin, nagtaxi nalang kami ni Dj pauwi.  habang nasa biyahe kami, napatingin ako sakanya. naalala ko yung mga sinabi ng mommy niya. 

"alam mo kasi yang anak ko, sobra yan kung magmahal, halos wala ng matira sa sarili niya kaya ganun nalang ang naging resulta. I witnessed the pain na naranasan niya sa ex niya."


Grabe ka pala magmahal, ang swerte ng babaeng minahal mo, kaso hindi niya pinahalagahan yun, kaya ito ang nangyari sayo, You don't deserve that pain Dj. Hindi ka dapat niya sinaktan, hindi ka dapat niya pinaasa na mamahalin ka din niya kahit alam niyang hindi niya talaga kaya.

"sobra na ba ang kagwapuhan ko kaya sobra kang makatitig saken?" alam niya palang nakatitig ako sakanya. kaya madali kong iniwas ang tingin ko. 

"ang yabang" pabulong kong sabi.

"narinig ko yun" tapos ngumiti lang siya. "hayyy, nakakapagod" tapos bigla niyang inihiga ang ulo niya sa balikat ko, na ikinagulat ko. at parang abnormal na nag skip ng beat ang puso ko. o imagination ko na naman yun?

"anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya pero di man lang ako pumapalag sa pagkadantay ng ulo niya niya saken.

"ano ba sa tingin mo? tsaka tinatago ko lang mukha ko para hindi mo na matitigan, baka kasi mag evaporate" at talagang, nakuha pang magyabang. eh kung ihulog ko kaya siya sa taxi na to.

"ah ganun ah, oi Dj" ginalaw ko yung balikat ko para makaalis siya. "hoy, lumayo ka nga saken" wala akong response na natanggap. sinilip ko mukha niya at nakita kong nakapikit siya. ano pa nga ba? hinayaan ko nalang siyang ganun.

Sa mga oras na to may isa akong nalinaw. Isang pakiramdam na ngayon ko lang naranasan....

---*---*---*---*---*

Comment & Vote :)

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon