Chapter 23: Something Sweet <3

153 3 0
                                    

Chapter 23: Something Sweet <3

Ia's POV: 

Habang pabalik kami ng room ng mga girls hindi ko mapigilan na mapaisip sa mangyayari bukas. Hindi naman ito yung unang beses na may pupuntang taga West dito, may mali lang talaga sa nararamdaman ko. Parang may ayaw akong makita bukas, hindi ko lang talaga matukoy kung sino. 

"Oh, anong plano? kailangan maaga daw tayo dito tomorrow kasi tutulong din daw tayo sa paglalagay ng decorations" tanong ni Ella habang papasok kami ng room. Nahagip naman ng mata ko sila Ivan na nagkukulitan pero nung nakita nila na pumasok kami, bigla silang napatingin lahat saken. Saken talaga? anong problema ng mga to'

"If you want, kila Ia nalang tayo matulog, atleast diba,  sabay-sabay tayong pupunta dito sa school." bad idea Miles.

"what if dito nalang tayo matulog sa school, oh diba mas exciting?" suggestion ni Julia.

"anong dito matutulog sa school?" biglang nagsilapitan sila Marc samen. Medyo may pagka chisimoso talaga tong mga to eh nuh?

"it's none of your business boys" sabay irap ni Ella sa kanila.

"grabe, wala bang araw na hindi ka magsusungit" tanong ni Quen kay Ella.

"shut up, Quen" tumalikod si Ella sa kanila bali yung kaninang naka side view siya sa amin eh nakaharap na siya samen ngayon.

"ano nga kasi yung overnight na yun?" pangungulit ni Marlo.

"eh kasi nga, may bisita bukas, at kami ang na assign na mag welcome sa kanila. Kuha mo?" pagtataray ni Julia.

"hay naku, grabe talaga kayong mga SSG." sabi ni Marlo. Anong SSG? 

"anong SSG?" tanong ko sa kanila.

"Super Sungit Girls" sabay-sabay pa nilang sabi. at nagtawanan pa talaga sila

"eh kung sinasapak ko kaya kayo isa-isa?" paghahamon ni Miles. 

pagkatapos niyang sabihin yun, siya naman pasok nito sa room ni Dj. Nung nakita ko siya automatic na napangiti ako. Ganun ko ba siya namiss? Feeling ko kasi matagal ko na siyang hindi nakakausap eh kung tutuusin kanina lang, kausap ko siya. Puro kasi gulo ang meron ngayon dito sa school, at dahil yun sa pagitan namin nila Yen.

"ang lapad ng ngiti naten ah?" bulong saken ni Jane. Nilingon ko siya at nakangiti na din siya.

"oh pre, saan ka ba galing, kanina ka pa MIA ah" ano na namang alien words ang pinagsasabi ni Marlo?

"galing ako sa OP." ano naman kaya pinag usapan nila ni Dad?

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon