Chapter 5: Getting Closer

242 4 0
                                    

Chapter 5

Daniel’s POV’

Grabe hindi ko naman inaasahan na magkakailangan kami ni Ia dahil dun sa nangyari. Nahiya na tuloy akong kausapin siya, baka kasi isipin niya na gusto ko yung nangyari. Pano na to. Bahala na, basta ako, hindi ko muna siya kakausapin, baka kasi bigla nalang niya akong sapakin.

Andito ako ngayon sa West Academy. Kukunin ko kasi yung form 137 ko mula nung grade school hanggang 2nd year high school. Kinakabahan ako, andito palang ako sa gate pero madami ng bumabati saken.

“hi DJ, kamusta naman?”

“dito ka na ba ulit mag-aaral?”

“sabi naman sayo, pangit dun sa EA eh”

Wow ah, kapag ba pumunta ako dito ibig sabihin babalik na agad ako. Nang malapit na ako sa registrar. May nakasalubong ako. Nagtitigan lang kami. Hanggang ako na mismo ang nagsalita.

Kamusta? Tanong ko sa kanya.ano ba tong nararamdaman ko, parang bumalik lahat ng saya at sakit.

Okey naman, ikaw? Ngumiti siya saken, pero ramdam kong pilit yung ngiti na yun.

Ito, trying to move on. Napayuko siya nung sinabi ko yun, tapos hindi na siya makatingin saken ng diretso.

Good for you. Ngumingiti pa din siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Zharm, ah—pwede bang. Kaya ko bang sabihin. Kaya ko bang hilingin sa kanya na kahit sa huling pagkakataon, sana mayakap ko siya.

Ano yun? Bahala na. Hinila ko siya at niyakap ko ng sobrang higpit. Hindi siya nag hug back, pero ayos lang basta yakap ko siya ngayon.

Mahal pa din kita, sobra. Pilit kong pinipigilan ang luha ko.

DJ, hindi ako makahinga. Kumalas ako sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang kamay niya. DJ, sana maintindihan mo na hindi na talaga pwede.

Zharm, hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako ulit. Ang gusto ko lang ikaw, yung kahit ako lang ang magmahal sayo, ayos lang saken, basta kasama lang kita. Hinaplos ko ang mukha niya.

DJ, magiging unfair ako sayo kapag pinagpilitan mo yang gusto mo. Kailangan ko ng umalis. May klase pa  ako. Hinawakan niya yung kaliwang pisngi ko. Alagaan mo ang sarili mo. Maglalakad na siya pero hawak ko pa din ang isang kamay niya. Pero siya na mismo ang nag-alis sa kamay ko para makaalis na siya.

Naiinis ako. pinagmukha ko lang tanga ang sarili ko. Alam ko namang wala na talaga, pero bakit kapag nakikita ko siya, parang tumitibok ulit ang puso ko kahit na siya rin mismo ang nagpatigil nito.

Ia’s POV’

Maaga akong umalis sa bahay kasi sumabay ako kay Daddy, nagpaalam ako sa barkada at pumayag naman sila, alam kasi nilang minsan lang kami magkasama ni Dad kahit araw-araw kaming nasa iisang lugar lang. Kumain muna kami ni Dad sa isang 24 hours resto. Sobrang saya ko kasi ngayon na lang ulit kami nagkasabay kumain ng sabay ni daddy, namiss ko siya ng sobra. Haist. Kailan kaya ulit to mauulit. Nang nasa school na kami ni Dad naghiwalay na kami, ako dumiretso sa room si dad naman nasa office na niya. Grabe wala pa gaanong tao. 9am kasi ang umpisa ng klase ngayon, may meeting kasi sila with dad. 8:10 am palang. Hay naku. Pagkapasok ko ng room nagulat ako nung makita ko si DJ. Ang aga naman niya, hindi ba niya alam na 9 pa ang start ng klase?

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon