Chapter 13: The True Identity

184 3 1
                                    

Chapter 13: The True Identity

Ia’s POV

“Dj.” Bati sakanya nung babaeng nasa sala. Teka nga, sino ba sila? Mga business partner ba sila nila Dad?

“Kathryn right?” tumayo yung babae at bumeso saken. At lumapit siya kay Dj at niyakap ng mahigpit. “namiss kita anak.” O__O

“anak?” gulat na gulat kong sabi.

“ah..  Ia anak,” panimula ni Mommy. “i know it’s not the right time, the right place and right situation.” Huh? Naguguluhan talaga ako. Ano bang nagyayari? Ito na ba yung inaantay ko na katanungan? Kung sino ba talaga si Dj sa buhay namin?

“mom, just... say it. Ano ba talagang meron?” papalit-palit ang tingin ko kila mommy, Dj at sa mag-asawa sa harap ko.

“ahm... tita ako nalang po ang magsasabi.” Tumango lang sila mommy at daddy. Pumunta kami sa pool area ni Dj.

Ilang minuto ng katahimikan. Walang nagsasalita samen.

“sige na, magtanong ka na kung anong gusto mong malaman at sasagutin ko.” Mahinahon niyang sabi. Umupo ako sa table malapit sa pool. Humunga ng malalim...

“sino ka ba talaga?” nakatingin ako sakanya. Siya naman nakatingin lang sa tubig.

“ako si Daniel John Padilla. Anak ako nila Albert Padilla at Lira Padilla.” Kumunot yung noo ko. Ano to lokohan? Oo malamang anak siya ng magulang niya. Anong tingin niya saken shunga? Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita… “kila Papa ang 26% ng East Academy.” O__O ano? As in yung EA, yung school namin? It can’t be.

“what? As in kayo?” hindi pa din ako makapaniwala sa mga nadinig ko.

“you heard it right.”

“pero, bakit parang big deal sayo, sainyo na malaman na isa kayo sa mga may ari ng EA?” bakit kailangan pa nilang itago ang lahat? May threat ba sakanila kaya hindi nila sinasabi sa public na isa sila sa may ari ng EA? All this time wala akong alam sa profile ng owner ng 26% ng EA, pero ngayon nasa harap ko na ang anak nila.

“hayy,,” ang lalim ng hugot niya, grabe siya mag sigh.. “ganito kasi yun.” Umupo siya malapit saken, as in malapit yunng walang space. Magkadikit yung kanang braso ko at kaliwang braso niya. “una, dahil sa desisyon kong sa West mag-aral. Simula palang ayoko ko na talaga dito sa East kasi nga hindi ako makakagalaw ng malaya. Hindi ako ituturing na normal na estudyante, laging may prevelage.” Ayaw niyang tinitreat na special? Ang saya nga nun eh. “at syempre alam naman natin na may gap between East and West diba? Kaya hindi ko pwede isiwalat ang pagkatao ko dhil hindi ako tatanggapin sa West.” Sabagay may point siya dun. “another thing is…” lumingon siya saken at nagka eye to eye contact kami, umiwas siya kaagad dahil na nga sa walang space ang namamagitan samen ngayon. *sigh* “natakot kasi ako na kapag nalaman mo na ako yunng anak ng nila papa, baka ituring mo din akong kaaway” kumunot yung noo ko sa sinabi niya at parang hindi ko tanggap na sinabi niya yun. “alam ko kasi yung naging away niyo ni Yen, kaya kung maaari hindi na ako dadagdag sa tensyon na meron sa inyong dalawa.” Napatayo ako sa kinauupuan ko.

“so you are trying to say na, war freak ako? Na kapag nalaman ko na isa ka samen, aawayin din kita? Na makikipagkumpitensya din ako sayo? Dj ganyan ba ang tingin mo saken?” sabi ko sa medyo mahinahon na paraan pero deep inside me, nasaktan ako.

“Kath, its not what I mean.” He brushes his hair with his hand. “look.. im sorry kung ganun ang dating sayo. Pero sige aaminin ko, nung hindi pa kita namimeet ganun nga ang imression ko sayo. Pero nung unang araw na nakita kita, tapos nginitian mo ako, hindi ka naman pala ganun.” Wow.. ang dami palang nakakarating na balita sa kanya.

“o-ok.” Halos walang expression yung mukha ko nun. Hindi ko kasi talaga lubos na maisip na ganun pala ako para sakanya dati. Tinignan ko ang wrist watch ko. “ah, its getting late na. I need to sleep na din” no smile at all, pati siya hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya.

 

A/N: sorry ang iksi at ang pangit ng chap na to.. 

 sa next chapter, may kilig moments :) pambawi lang :)

ps: pasensya sa typo.. ieedit ko nalang kung may time :) 

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon