Chapter 14: Manliligaw?

194 1 0
                                    

A/N: pasensya na po at ngayon lang ulit nag update :) bare with me.. Busy sa college life :) pero dahil sembreak.. here is my update :) ang tanong may nagbabasa pa ba?? .. pero kahit ganun pa man.. ipapagpatuloy ko pa din :) hanggang may isang nagbabasa pa ipapagpatuloy ko to :) okey tama na daldal.. ito na talaga..

dedicated to "alyssagoodenmendoza" kaya ako nag update dahil nagcomment ka na mag update na ako.. thank you.. mwuah.. :*

Daniel's POV'

6:00 am ng umaga. dumiretso na agad ako kila Ia, eh wala eh, hindi pa rin ako mapakali, para kasing galit siya saken dahil sa nangyari kagabi. hindi na nga siya nagpaalam saken ng maayos. feeling ko talaga may tampo saken yun. kung hindi ba naman kasi ako tanga na sabihin sakanya na ang pangit ng first impression ko sakanya. pero hindi ako papayag na magalit siya saken, ngayon pa ba na medyo close na kami.

nasa tapat na ako ngayon ng bahay nila. pero hindi ko alam kung magdodoor bell ba ako o hindi.

"psst" hmm? *lingon sa kaliwa, lingon sa kanan* sino yun? siguro naman hindi yun yung iniisip ko. sa ganito kaaga? wala naman sigurong multo diba? arrghh its sounds so gay..

"psst" weh? umulit? *lingon lingon* wala naman. "look up" look up? nasa Ryzza Mae show ba ako? ai jusme ang korni. "hoy Dj dito sa taas" pagkasabi nung sumisitsit saken kanina pa, lumingon ako sa likod ko saka tumingala.

"buti naman lumingon ka din" si Ella lang pala. oo nga no? magkatapat lang pala sila ng bahay nun ni Ia. medyo ulyanin na ako.

"ano palang ginagawa mo diyan? ang aga moo naman ata" tanong niya saken. sasgot na sana ako ng magsalita siya ulit. "don't tell me, nililigawan mo na si Ia" naka-cross arms pa siya at tinaas taas ang kilay. 

"ligaw?" *insert todo iling* "hindi ah. may kailangan lang talaga ako kay Ia" 

"weh? maniwala shunga" medyo masakit na leeg ko kakatingala sakanya ah.

"eh di wag kang maniwala. teka nga.. pwede bumaba ka diyan at nangangalay ako kakatingala sayo" 

"ai. sorry.. ahm.. ok, magdoorbell ka na at maghahanda na din ako para pumasok" nagwave siya saken at umalis na siya sa veranda nila. 

ako naman nagdoorbell na. hingang malalim.. 

pinagbuksan ako ng katulong nila at pinaupo ako sa sala. 

"tatawagin ko lang po si ma'am Ia" tumango lang ako. 

kaya mo yan Dj, eh di pag galit mag sorry ka. eh pano kung ayaw niya naman tanggapin ang sorry ko? aish.. bahala na nga.

"oh ba't ka andito?" bigla akong napatayo nung marinig ko yung boses niya. 

"ah. ano kasi" 

"manliligaw daw" bigla kaming napalingon sa nagsalita. 

"oh Ella, may kailangan ka?" bakit ba laging sumusulpot tong si Ella at ano nga yung sinabi niya? 

"I'll just get my book" Ella, tapos tumingin siya saken at ngumiti ng nakakaloko. ah, ganunan pala ah, pag ako napikon, lagot ka saken, aasarin din kita sa pinsan ko.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon