Chapter 19: The Reason!

178 5 0
                                    

=Dj=

"San tayo pupunta" tanong saken ni Kath, 

"iuuwi na kita samen." 

"ano?" ganito yung mata niya O_O! "anong ibig mong sabihin.

"hahaha. grabe yung mata mo mas lalong lumaki oh" sabay turo ko sa mata niya. 

"nagbibiro ka lang diba?" worried face na siya. nakakatuwa naman to.

"grabe, talagang iniisip mo na seryoso ako? hahaha, pero seryoso, pupunta tayo sa bahay" 

"eh anong gagawinn naten dun?" yung mata niya medyo kumalma na.

"eh sila mommy kasi ang kulit, dun ka na daw mag dinner. ewan ko ba dun sa mga yun, mukhang mas mahal ka nila kesa sa sarili nilang anak" *pout*

"hindi bagay sayo" nakita ko siyang ngumiti.

"eh ba't ka ngumiti?" bigla siyang nag foker face.

"hindi kaya." umirap pa. Ambilis naman nito mag mood swings. "pero alam mo ganyan din ako"

"ang alin?"

"ganyan din nararamdaman ko, yung feeling na mas anak pa ang turing sayo nila Daddy kesa saken." 

"talaga? pano mo naman nasabi"

"basta, ramdam ko lang, eh ikaw ba't mo naman nasabi na mas mahal pa ako ng magulang mo" nagkatinginan kami pero agad siyang umiwas.

"hmmm. ramdam ko lang din. aish. ewan, ang weird. Pero hayaan mo na. ok na rin yun kesa naman ayaw nila saten diba?" tumango siya.

"sabagay, may point ka. teka, sabihin mo nga muna kung anong ikinatampo mo saken kanina at na blockmail mo ako ng di-oras" nagcross arm siya at nakasalubong ang kilay niya na tumingin saken. 

"hmm. yun ba. Ganito kasi yun, makinig ka ah." 

A while ago..

"sir, sigurado po ba kayong hindi na kayo magdodoor bell?" tanong saken nung driver ko.

"hindi na, sigurado naman akong palabas na yun" nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Ia, at inaantay siyang lumabas para sabay na kami pumasok.

10 minutes later.

"sir, 20 minutes nalang po, malelate na kayo" tinignan ko ang wrist watch ko.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon