Chapter 4: Awkward!!!!!!!

266 2 0
                                    

Chapter 4

 

Quen's POV’

1 week na din ang nakalipas. Pero parang ganun pa din ang mood ni DJ. Parang hindi nakatulong sakanya ang paglipat dito sa EA. Hmm.. ano kayang magandang gawin? Hindi ko naman siya pwede ireto sa mga kakilala ko, baka mabugbog lang ako nun. Ayoko siyang ipagpilitan kay Ia, baka kasi mamaya, bigla akong magka pag-asa sa kanya. Tama ang nabasa niyo, until now gusto ko pa din si Ia, pinipilit ko lang itatak sa utak ko na si Jane na ang gusto ko ngayon. Hindi naman siguro masamang magkagusto kay Ia, pero syempre hindi naman ako yung heating two birds in one stone kasi wala naman akong nililigawan sa kanila, bakit kasi ang ganda at ang bait niya. Si Ia lang ang first love ko, since grade school, matagal ko na siyang hinahangaan, thankful nga ako at naging magkaibigan kami. Tapos nung isang araw, nagkaroon pa kami ng alone moment, ang saya ko grabe. Kaso dumating si DJ at umalis si Ia, kaya nagbusy-busyhan ako sa phone ko, nainis kasi ako, moment na yun eh, nawala pa. Pero ito lang sinisigurado ko, yang sila Ivan, hindi ako naniniwala diyan na wala na din silang gusto kay Ia, dati nga umabot pa kami sa point na, nagsabihan na kami ng, “may the best man win”. Pero ayun, nganga, wala kasing gusto samin si Ia, mahirap naman ipilit ang sarili mo sa taong wala namang gusto sayo diba?  (A/N: anong oras matatapos yang nobela mo? Anong petsa na oh, madami pa akong itatype.) Ms.author panira ka din ng moment eh, o sige na tatapusin ko na. Last words, from now on, ibabaling ko na lahat ng atensyon ko kay Jane. (A/N: walanjo ang daming sinabi tapos mauuwi din sa ganun?. Non-sense!)

Daniel’s POV

Oy Pre, tinapik ko si Quen. Ang lalim ng iniisip mo ah. Emo?

Loko, ang tagal niyo kasing dumating, san na yung iba?

Aba malay ko, magulang ba nila ako para malaman kung nasaan sila palagi? Napailing lang si Quen, tapos narinig namin yung pinto na may pumasok, sila Ia pala. Umupo na sila sa kabilang row, si Quen nakatingin lang sa kanila, teka sino ba tinitignan nito, hindi ko malaman kung si Jane ba o si Ia.

Good morning! Bati samen ni Julia. Mukhang good mood siya ah, siguro kasi wala pa si Ivan. Lagi kasing mainit ulo niya kay Ivan.

Good morning din. Nginitian ko siya at napatingin ako kay Ia, tumingin ka naman saken.hoy! nakita kong lumingon siya, nabasa niya ata nasa utak ko.

Tahimik ka ata Quen? Basag!! Gunaw mundo ko dun ah, si Quen talaga napansin niya. Hello, ako ang nakatingin sayo!!andito ako oh. Big deal talaga saken ang pansinin niya ako? Ano bang nangyayari sayo DJ.

Huh? Masama lang pakiramdam ko. Weh? Parang hindi naman yan ang sinabi mo saken kanina. Ngumiti si Ia saken, yown sa wakas. Napansin niya rin ako.

Just go to clinic kaya hindi yung para kang kawawa diyan na nageemote. Sabi ni Ella.

Hindi na, makita ko lang si Jane at si Ia, ayos na ako! A-ano daw? Tama ba yung narinig ko. Ang lakas naman ng loob niyang sabihin yun.

Talagang dalawa sila ni Jane? Sabat ni Ella

Hindi ba pwedeng si Jane lang or si Ia lang, talagang dalawa sila? Dagdag ni Miles.

Oo nga. Biglang nagsalita si Jane. Napatingin kaming lahat sakanya. Napatingin pa siya sa paligid niya, mukhang naghahanap siya ng maidadag sa sinabi niya, iba kasi ang dating ng reaksyon niya. I mean, pinapahalata mo lang na babaero ka. Yuck!!  nagmake face si Jane, halatang nagpalusot lang siya.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon