Chapter 11: Nalilito!!!

192 2 0
                                    

A/n: inaantay ko lang talaga na may mag comment eh.. kaya ito na :) sorry for waiting :) 

Chapter 11:

Daniel’s POV

“Ano ba yang pinagsasabi mo? Alam mo naman kung sinong mahal ko diba?” Bigla siyang tumawa ng bahagya. “Anong nakakatawa ha?”

“Wala, napaka defensive mo kasi eh.” Umiling lang ako. “Oo mahal mo siya, NOON. Pero wag kang magpakatanga sa nararamdaman mo NGAYON.” Talagang inemphasize niya talaga yung noon at ngayon.

Pero anong gusto niyang iparating saken? Na mahal ko si Zharm noon? At iba na ngayon? Ano yun?  mas marunong pa sila sa nararamdaman ko. Dalawa na silang nagpapagulo ng utak ko ngayon ah. Una si Jane, na hanggang ngayon talaga di ko pa din gets yung sinabi niya, tapos naman ngayon si Quen? Haist, sarap nilang pagbuhuling dalawa.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko naman sila sa sala. Nakita ko si Kath na iba na naman yung suot? Yung totoo? Nakakailang palit ba siya ng damit sa isang araw? Pero hindi gusto ng mata ko yung suot niya ngayon. Naka short kasi siya, as in literal na short ah, super iksi talaga then naka fitted sando. Makaagaw pansin yung napaka kinis niyang legs. Ay ang manyak ng dating ko. Pero infairness sa mga tropa kong lalaki, hindi sila nasisilaw, parang normal lang. siguro kasi sanay na sila nakikita siyang naka ganyan. Pasensya naman ah, mas conservative pa kasi ako sa babae eh. Kung may karapatan nga lang ako sakanya eh, kanina ko pa to pinagpalit ng pants.

“Hoy Dj, ano tulaley?” Sita saken  ni Miles.

“San ka galing bro?” tanong naman saken ni Ivan.

“Nagpahangin lang.” umupo ako sa isang single couch. Si Ia naman nasa sofa, naka earphone at take note, kashare niya pa si Quen. Eh ano namang pakialam ko sa kanila diba? Haiiiii.. ewan. Sumasakit lang puso ko, este ulo pala.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Maya-maya sumalampak si Miles sa tabi ko, kasya kasi dalawang tao sa laki ng single couch nila Ia.

“Selos ka no?” haist.. pati ba naman siya? Lahat ata sila guguluhin ako eh.

“What are you saying?!!” Iniwas ko nalang tingin ko kila Ia.

“Weh? Di nga?” Tapos bigla siyang umalis. So, yun lang pala ang inupo niya sa tabi ko, ang guluhin din ang utak ko. Sino kaya ang next na manggugulo saken? Nakakabaliw na to ah.

Ia’s POV

Nakikinig lang ako sa Ipod ko nung tumabi saken si Quen. Hinablot niya yung isa at nilagay sa isang tenga niya. Bastusan eh no? maya-maya pumasok na si Dj. San kaya siya galing? Napansin kong nakatingin siya saken. May nagawa ba ako sakanya? After kasi nung sample namin ni Quen, umalis siya. Ang gulo naman. Wala akong ideya sa mga nangyayari.

Tinanggal ko yung isang earphone ko at kinabit sa isang tenga ni Quen.

Bakit? Umiling lang ako.

Wala, sayo muna. Pupunta lang akong kitchen. Nagkibit balikat lang siya at nag scroll sa ipod ko.

Pumunta ako ng kitchen para uminom, nakaka stress kasi mag-isip ng mga bagay na wala kang kaide-ideya eh. Nakita ko namang busy si manang na magluto at parang andami niyang niluluto.

“ah, manang, bakit parang andami niyo atang niluluto diyan? Fiesta ba?” tumabi ako sakanya at inusisa ang mga ingredients na gagamitin niya.

“sabi po kasi ni sir magluto daw ng madami.” Si daddy? So it means...

“uuwi siya ng maaga?” gulat na gulat kong tanong kay manang. Once in a blue moon lang kasi umuwi si daddy ng maaga. Kaya ganun nalang ako maka react.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon