Chapter 21: Revenge part 2

159 2 0
                                    

=Yen=

Ang ganda ng gising ko ngayon, bukod sa kompleto ang tulog ko eh  nakakatawa ang nangyari sa tatlo sa limang enemies namin kahapon. Grabe laughtrip talaga yung itsura nila kahapon, sayang nga lang wala si Ia at Ella. Pero mukhang medyo nag aaway away sila ngayon. Double purpose pala ang revenge na ginawa ko bukod sa napahiya sila eh mukhang magkakawatak watak pa sila. Yeah i'm bad at matagal na akong aware dun. At ngayon, nakangiti akong papasok ng room kasama ang friends ko. 

"grabe, tuwing naalala ko yung mukha nila, natatawa talaga ako" panimula ko habang papasok ng room.

"lalo naman yung mukha ni Ella at Ia nung nakita nilang kawawang sisiw mga kaibigan nila" natatawang sabi ni Devon.

umupo na kami sa mga upuan namin ng... 

"oh my god" sabay-sabay naming sigaw nung pare-pareho kaming nahulog sa inuupuan namin at bumagsak kami sa ibaba na may hindi mo maipaliwanag na malagkit na bagay. 

"what the?" bigla akong bumangon at tinignan ang mga kaklase ko. "who fucking did this?" galit na tanong ko sa kanila.

"my god our uniform, its ruined." tinignan ko ang palda ko at ang dumi nga, pati coat ko nadumihan. kitang kita ang dumi sa palda namin dahil kulay light brown ito [A/N: nasa side yung picture ng uniform nila. Yung uniform sa The Heirs

"ano? walang magsasalita sa inyo?" nanlalaki na mga mata ko at lumalabas na din mga ugat ko leeg dahil sa sobrang galit.  Tapos hindi pa rin kumikibo mga classmates namin, pero bigla akong nagka hint. "I'll kill you Kathryn Chandria Bernardo" sigaw ko at lumabas ng room. sumugod ako sa 3rd floor..

=Ia=

Maaga akong pumasok para kausapin sila Ella, hindi kasi kami nakapag online chat, galit pa rin siguro sila saken, pagkapasok ko andun na sila lahat. 

"Can we talk" napatingin sila saken. Si Miles naman itiniklop ang binabasa niyang libro at lumapit din sa amin. Nakahiwalay kasi siya kanina dahil diba nga ayaw niya din dun sa plano nung tatlo na gumanti kila Yen. 

"what do you need?" expressionless na sagot ni Ella. 

"if this is about yesterday, i'm sorry to tell you Ia, hindi mo na kami mapipigilan" dugtong ni Jane.

"hindi ba natin pwedeng pag-usap muna to?" malumanay kong tanong sa kanila.

"ito na naman tayo" pabulong na sabi ni Julia.

"Ella, Jane, Julia, pwede bang pakinggan niyo muna si Ia? hindi sagot ang paghihiganti sa nangyari saten kahapon" napatingin si Jane kay Miles.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon