Chapter 2: From West to East?

338 7 0
                                    

Hi Ia? Napatingin ako sa kabilang side nung may tumawag sa pangalan ko. Si Ivan lang pala. Nginitian ko lang sya. Tapos napatingin ako dun sa kasama nila, ngumiti sya saken kaya nginitian ko lang siya.

Ehem. Si Julia, umubo, alam ko na ang ibig sabihin nun.

Alam mo girl, hindi ko naman type yang si Ivan, kaya sayong sayo na yan. Bulong ko sa kanya.

Pano ba naman kasi, ako yung nasa aisl pero hindi ako yung binati, hello nag-eexist po ako. Mahinang sabi niya para hindi marinig ng iba.

Hay naku girl, alam naman natin na crush ng mga yan si Ia eh, pero dont loose hope, crush lang naman eh. May pataas taas pa ng kilay si Ella.

Me: Eh bakit nyo kasi sinusungitan pag binabati kayo?

Ano ka ba friend, syempre kailangan yun para, pakipot effect, alam mo naman na mataas ang tingin saten ng mga student dito. They admired us. Medyo nakayuko si Julia para marinig ko ang sasabihin niya.

Dumating na ang Adviser namin. Kaya lahat kami umayos na ng upo.

Okey class. Good morning sa inyo. I am pleasured to handle this class for whole school year. Sino ba naman ang hindi matutuwa eh nandito sa klase na to ang pinagtitilian ng school. Naghiyawan ang mga babae, at pumalakpak pa. Syempre andito din ang iniidolo ng mga estudyante, ang grupo ni Ms.Bernardo, which is the daughter of the major shareholder of this school. Nagpalakpakan sila, ngumiti lang ako pati tong mga katabi ko. Sa lahat pa naman ng ayoko yung laging binabanggit na anak ako ng major shareholder chuchu.. ayoko ko kasing isipin nila na binibigyan ako ng previlage ng school, which is not true, hindi naman sa lahat ng oras binibigay nila ang hiling ko. Im not a brat. oh I forgot something, Ms. Bernardo, and friends, pinapatawag pala kayo sa studio. Nagkatinginan kami ng mga girls with matching look na hindi-ko-to-alam.

For what? Tanong ko sa teacher.

For the school magazine. Kayo daw ang cover. Nagbulong-bulungan ang mga classmate namin. so you better live now para makabalik kayo agad.

Sabay-sabay kaming tumayo at umalis sa room. Dumiretso kami ng studio. They put make-up on us. Tapos inayusan yung buhok namin. Ito namang sila Miles natutuwa. Hindi naman kasi kami mahilig magmake-up. Powder lang tsaka lipgloss ang nilalagay namin. Pero syempre ang hair namin hindi din naman laging effort, natural hair or curl lang ayos na samin.

Grabe were so pretty pala kapag nakamake-up at nakaayos ng super ang hair. Ngiting ngiti si Ella habang nananalamin.

Julia: lam mo girl iba pa din ang natural beauty. Kaya nga hindi na tayo nagmimake up diba kasi were pretty na. Inaayos niya yung damit ni Miles.

Oh girls, be ready, kukuhanan na namin kayo. Sigaw nung baklang magpipicture samen. Pumunta agad kami couch na gagamitin for our photo shoot.

Picture dito picture dun, ngiti dito ngiti dun,. Nangangalay na nga mga panga ko kakangiti. Mas malala pa to sa teens magazine na kinover namin ni Julia. Tapos may solo-solo pa kaming mga photoshoot. Para daw yun sa every pages ng magazine. Kami ang topic sa school magazine. Pagpipyestahan na naman to ng mga estudyante. For sure du-drawingan ng kung ano-ano nila yen ang mga magazine na to.ayun pa eh inggeterang froggie yung mga yun. [A/N: looks nila during pictorial yung picture sa gilid]

Pagkabalik namin ng room, nagtinginan mga classmate namin samen. Yung totoo? Mga nakanganga kayo? Ano bang meron? Ngayon lang ba sila nakakita ng naka make up?

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon