Chapter 10: The Beginning 101

230 2 2
                                    

Chapter 10: The Beginning 101

Venue: WEST ACADEMY

Infairness ah.. may ibubuga naman pala. Patango tangong sabi ni Miles habang niilibot ang paningin sa loob ng campus ng West.

Napilitan akong sumama sa kanila dito, well di ba nga, hindi na ako pwedeng umatend sa CDA kasi naka attend na ako kahapon, at for sure nagtataka ngayon si CM kung bakit wala ako sa dance studio ngayon. Haist, I miss dancing.

May mga nakakasalubong kaming mga student na masama ang tingin sa amin. Sino ba naman ang hindi titingin sa amin ng masama eh mga taga Silangan kami na umapak sa teritoryo ng Kanluran. Oh diba parang Princess and I lang. Pero syempre kami bida dito kaya nga East Academy title nito eh. Meron namang kapag nakakasalubong kami ay ngumingiti. Tapos nagpipicure sa amin.

Umaabot pala ang kasikatan nyo dito? Asar samen ni Marc.

Hindi kami kaagad nakapasok sa loob dahil madaming nakaharang na estudyante ang nagpapa autograph at nagpapaicture sa amin. Ok na sana yung iniirapan kami kanina kaysa yung ganitong para kaming mga artista na pinagkakaguluhan, syempre di rin nakaligtas sila Ivan sa mga babae, halos kuyugin nga sila eh. Si Dj naman dumiretso na sa registrar para daw mabilis kasi alam niyang hindi kami tatantanan ng mga schoolmates niya dati. Alam niya pala na ganito ang mangyayari bakit pa siya pumayag na sumama kami dito. Haist, sarap din minsan pektusan nitong si Dj eh. Nung medyo kumalma na ang ilan at konti nalang ang nakapalibot sa amin may tinawag si Marlo na babae sa di kalayuan. Siguro friend niya.

Ui  Zharm. Lumapit naman yung babae sakanya. Bigla naman kaming napatingin sa babae na Zharm ata yung pangalan.

Ui, Marlo kamusta? Tanong nung babae nang makalapit na siya samen. Naligaw ata kayo? Napatingin naman siya sa amen.

Ah guys, this is Zharm, nginitian namin yung Zharm. Sila naman yung mga kaibigan ko. Nagwave lang siya sa amin ng nakangiti. Napaka amo ng mukha niya at halatang mabait siya.

So, bakit nga ba kayo naligaaw dito? Pag ulit na tanong niya kay Marlo.

Sinamahan lang namin si Dj. Nung narinig niya yung pangalan ni Dj bigla nagbago yung aura ng mukha ng mukha niya. Ewan ko lang ah, pero di ako sure basta parang nabawasan yung ngiti niya sa mukha. Hmmm.. i smell something not good.

Ah,, ganun ba? Marlo, una na ako sa inyo ah, may meeting pa kasi kami sa Student council eh.

Di mo man lang ba aantayin si Dj? Medyo tinusok pa ni Marlo sa tagiliran si Zharm, yung parang nang-asar. Napangiti naman sila Ivan.

Tigilan mo nga ako Marlo, nakakahiya sa mga kasama mo oh, baka kung ano pang isipin nila saken. Sige na, aalis na ako, nice meeting you guys, tumingin siya sa amin at nagkatinginan kami for few seconds at ngumiti siya saken, kaya ngumiti nalang din ako. Ano kayang meron si Marlo, Zharm at Dj? Matanong nga tong impakto na to mamaya.

Tumalikod na si Zharm at maglalakad na sana palayo ng bigla siyang tumigil. Nakita naman namin na palapit si Dj sa amin. Nanatiling nakatayo si zharm sa kinatatayuan niya.

Oh, Zharm parang nakakita ka ata ng multo? Pang bungad na bati ni Dj nung makalapit na siya sa amin.

Ah—hindi no, sige aalis na ako. Tumakbo palayo si Zharm sa amin. Tinitingnan ko naman siya habang tumatakbo hanggang sa makapasok na siya ng elevator.

Weird. Napalingon ako kay Ella nung nagsalita siya. Hindi ko na lang siya pinansin pero tama siya, ang weird nga nung babae kanina. Parang may iniiwasan siya.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon