Chapter 26: Great Escape part 1

102 4 0
                                    

"Are we complete na ba?" Tanong ni Ella habang may kinakalkal sa bag niya.

"Not yet, wala pa sila Yen" agad na sagot ni Ia habang palinga linga. Walang kasiguraduhan na dadating sila pero sa pinakitang approach ni Yen sakanya nung niyaya niya ito ay sa tingin niya may posibilidad naman kahit papaano na mapaunlakan ng kabilang grupo ang imbitasyon niya.

"Those bitches, gusto pa ata mag pa VIP. baka gumawa pa sila ng grand entrance ah." Bulalas ni Julia. Hindi pa din kasi niya ( actually karamihan sa kanila) matanggap na invited ang grupo ni Yen at mismong si Ia pa ang nagbigay ng idea na isama sila.

"Julia," tawag ni Ia "Girls, guys, diba napag usapan na natin to? Behave ok? Were doing this for because we  deserve a break."

"Sorry, hindi ko pa din kasi tanggap. And don't expect me na ngitian ko sila mamaya coz you know im not good on what they called pakitang tao" nag quote siya pa ito ng banggitin ang huling salita.

"I understand, but please, itry niyo din." Nag shrug lang si Julia sa sinabi  ni Ia.

"I know you're trying your best para maend na ang world war III niyo, and im very proud of you" bulong ng lalaki sa tabi niya. Nilingon niya ito at ngumiti.

"Here they are." Boring na sabi ni Miles.

Walang kakikitaan na expression sa mukha ng mga padating na mga babae maliban kay Yen.

"Sorry, we're late." Worry face na sabi ni Yen.

"It's okay. So I guess, complete na tayo?" Tanong ni Ia.

"I think so, sila nalang naman ang iniintay kanina pa diba?" Sabat ni Jane sabay irap. Napakamot nalang sa noo si Ia sa pinakitang attitude ni Jane.

Dalawang van ang gamit nila. Napagpasyahan nila na sa ibang lugar nalang sila mag unwind kaysa naman sa village clubhouse lang, mas malayo mas masaya. Yan ang paniniwala nila. Magkakasama sa isang van ang grupo ni Yen plus Marlo, Marco and Ivan. sa kabila naman ang grupo ni Ia, plus Dj and Quen.

Sa unahan nakaupo si Quen, katabi ng driver. Magkatabi sa likod na driver si Jane at Julia. Sa likod naman nila si Ia at Dj. At sa pinakadulong bahagi ng van si Ella at Miles.

Habang nasa byahe nakaheadset lang si Ia at nakapwestong relax na relax. Nagulat siya ng biglang kunin ni Dj ang isang earphone niya at inilagay sa sariling tenga.

"What are you doing?" Tanong ni Ia.

"Listening on what you are listening" Nakapikit na sagot nito. Napailing nalang si Ia at bumalik sa pagkakasandal sa upuan. Medyo umusog palapit sa kanya si Dj. Magkadikit na ngayon ang mga braso  nila kumpara kanina na may ilang inches pa ang pagitan nila. Napadilat siya at napalingon sa katabi.

"Chansing" pabulong na sabi nito. At pumikit nalang ulit.

"It's not chansing. Let me show you the real definition of chansing" in a snap of a finger. Naka-intertwined na ang kamay nila at nakasandal na sa balikat niya ang lalaki.

*cough cough*

*cough cough*

Sabay na pag ubo ni Miles at Ella. Aware si Ia na fake ang ubo na yun at alam niyang nakikita ng dalawa ang pinaggagagawa ni Dj dahil nasa likod nila ang mga ito.

"Grabe Miles, sobrang SWEET kasi ng chocolate na kinakain naten kaya nasasamid tayo eh" inemphasize niya pa talaga ang salitang sweet. Again parang bingi lang si Ia kunwari di siya aware. Pa inosente kumbaga.

"Oo nga eh, tinitignan ko palang kinikilig ay este nasasamid na ako kasi mukha talagang ang sweet nila, i mean ng chocolates." Medyo shout out ang pagkasabi niya nun.

"May maalat bang chocolate? Pwede ba kayong dalawa diyan sa dulo manahimik kayo, di kami makatulog eh." Iritang sabi ni Julia. Napangiti nalang si Ia. Hindi niya na kasi kailangan sawayin ang dalawa dahil may mas nauna pang mapikon sa kaingayan ng dalawa sa likod.

"Is it your monthly period? Ang init ng ulo mo, kanina pa." Pang aasar pa ni Ella.

"Shut up Janella." Hindi na sumagot si Ella dahil baka kung saan pa mauwi ang asaran nila ni Julia, alam niya kasing kapag tinawag na siya sa full name ni Julia, alam niyang seryoso na ito. Umidlip nalang din sila ni Miles. Si Dj naman ay may pabulong na sinabi kay Ia.

"Tayo ba tinutukoy nung dalawa sa likod?" Nakapikit pa din natanong nito pero nanatili itong nakahawak sa kamay ni Ia at nakasandal sa balikat nito.

"Isa ka din eh, matulog ka nalang kung ayaw mong pababain kita ng van." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Ia at mas lalo pang lumapit kay Ia. Mukhang mahihiya ang salitang space sa sobrang dikit niya kay Ia.

-- end for now. sorry kung maiksi ang update. sa phone lang ako nag uupdate para anywhere everywhere na may maisip akong idadagdag, mailagay ko kaagad. Wait for Great Escape part 2 .  Thank You. 

SPREAD THE WORD.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon