Chapter 8: What's with them?

211 2 1
                                    

Chapter  8: What’s with them?

Daniel’s POV

Habang nalalakad kami ni Ia sa mall at naghahanap ng makakainan, di ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Ewan ko ba, kusa nalang tumitingin ang mga mata ko sakanya.

Hoy! Bigla akong natauhan nung tapikin niya ako sa balikat. Kanina pa ako nagsasalita dito, ikaw naman, nakatitig ka lang saken. Patay, ganun na ba ako katagal na nakatitig sakanya?

Ah.... tara, dun nalang tayo kumain.  Sabay iba ng direksyon ng lakad. Hindi ko na kasi kayang sagutin yung tanong niya. Sobrang nahiya na ako.

Kumain lang kami sa iceberg. Umorder kami ng special halo-halo nila. Si Kath, sobrang enjoy sa kinakain niya, parang bata pero ang cute niyang tignan.

Alam mo kung ganito ka lang lagi, matutuwa ako sayo.  Yun oh, akalain mo yun, natuwa siya saken.

Eh kung papayag kalang ba lagi eh. Why not diba? Napahinto siya sa pagsubo ng halo-halo sa sinabi ko. Tapos parang napaisip siya sa sinabi ko. Tumaas lang yung isang kilay niya a nagkibit balikat tapos kumain na ulit siya. Ano kayang ibig sabihin nun? Mga babae talaga di mo magets kung minsan eh.

After half hour, natapos na kaming kumain. Then niyaya ko siyang manuod ng movie. Pumayag naman siya. Akalain mong pareho pa ang gusto naming panuorin. Nanuod kami ng Step-4 revolution. Alam ko namang yun ang pipiliin niya kasi nga diba? She is a dancer na hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala.

Nung nag-umpisa na yung movie, nakita ko yung ngiti sa mga labi niya. Napatitig ako sakanya. Grabe, hindi ko alam pero, sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti niya, nakakalimutan ko na ang mga sakit na pinagdaanan ko. Ano ba yun, ang drama ko, parang ang bading pakinggan, kadiri.

Astig. Madalas niyang sabihin yan habang sumasayaw ang “The Mob”.  Halata mo talagang dancer siya kasi sobrang naaapreciate niya yung palabas.

Nung nasa kalagitnaan na ng palabas, bigla siyang nagsalita.

Yung babae, si Emily nakatingin pa din siya sa screen. Nakakarelate ako sakanya. Bgla akong napatingin sakanya.

Bakit? Kasi kagaya mo siyang contemporarian dancer? Umiling siya sa sinabi ko.

Hindi lang dun, yung buong pagkatao niya, parang ako.  I’ve locked of originality, pinapaniwala ko ang sarili ko na magaling ako, and most especially tutol ang magulang ko sa pagsasayaw ko. It can affect my studies daw. Biglang lumungkot ang mukha niya.

Nung pagkalabas namin ng sinehan, medyo malungkot pa din siya.

Gusto mo na bang umuwi? Medyo nakayuko siya at tumango sa sinabi ko. Ano ba naman to, kanina lang ang saya niya, pero ngayon. Ano bang magandang gawin? Kath, are you okey? She gave me a weak smile,

Hanggang sa sumakay kami sa kotse, walang imikan, walang nagsasalita. May nadaanan akong playground sa loob ng subdivision nila, huminto ako dun, at nagtaka si Kath kung bakit ako bumaba ng sasakyan.  Pinagbuksan ko siya ng pinto at nagtataka siyang bumaba.

Anong gagawin naten dito? Umupo  ako sa pinakamalapit na swing. Umupo din naman sya sa katabing swing na inupuan ko.

Dito muna tayo. Ayaw ko kasing ihatid ka sa inyo na ganyan itchura mo. Imbis kasi na mapasaya kita parang nasira ko pa ata araw mo. Tiningnan ko lang siya at napangiti siya sa sinabi ko.

EAST ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon