Kabanata 15

231 17 2
                                    

Kabanata 15

Tight


"Huwag ka ng umiyak. Masaya naman dito." sabi ng isang babae sa kulungan.

Pinahid ko ng luha habang tumingin sa kanila pabalik. Hindi ko matanggap na nandito ako pero wala naman akong kasalanan. I'm not part of that syndicate but they arrested me. Ang tanging naging nila na ilagay ako dito ay dahil Ina ko si Amalia na asawa ni Naldo na ngayon ay tinutugis ng mga pulis. Hindi ako kasali sa kanila pero dahil Ina ko, naging parte ako ng kaso.

"Ano bang kaso mo?" tanong niya.

"W-wala akong kasalanan. Wala akong ginawa." mahina kong sagot.

They sigh.

"Alam mo, olats talaga ang bansang ito pagdating sa hustisya." sabi ng isang matanda.

They agree. Tahimik lang ako at nanghihina.

"Narinig ko kanina, Nanay mo yung sangkot sa kaso pero ikaw yung nandito. Akalain mo nga naman, Ina mo pa talaga ang lumaglag sayo papunta dito." sabi nung isang mataba na babae.

"Rago clan ang tinarget nila? Mga siraulo nga talaga. Sa dami ng pwedeng targetin yung pamilya pang 'yan ang pinili nila." aniya nung isa pa.

Patuloy ako sa pananahimik. Nagkuwentuhan pa sila.

"Madugis pa naman ang pamilyang yan pagdating sa hustisya. Hindi sila tumatanggap ng mali nila. Naalala niyo yung si Dondon, inakusahan rin 'yon at napawalang-sala pero nung lumabas dito sa bilibid, pinatay sa labas." kwento nung isa pang babae.

"Ay Oo, nabalita 'yan dati! Yang Merciless at Rago clan, mga baliw 'yan. Mga walang puso yan! Kaya nakakatakot na maging parte ka ng pamilyang iyan."

"Bakit daw ba nasama ka sa kaso nila ngayon? Hindi naman namatay yung asawa at anak ha?" tanong sa akin.

Napatingin ako sa kanila. Medyo umayos na rin ang pakiramdam pero mahina pa rin.

"Boyfriend at ka-live-in partner ko yung anak nila---"

"Gaga, ginamit ka lang yata no'n? Baka ikaw nga talaga ang igigiit nila dito kapag hindi mahuli yung Nanay mo." putol sa akin nung mataba.

Sunod-sunod na mga senyales ang pumasok sa isipan ko bago mangyari ang lahat ng ito. Before the incident, tumawag sa akin si Areson at nagkaroon kami ng pag-uusap. After the incident, tumawag ulit siya at pinagbawalan akong lumabas ng penthouse niya. Naniwala ako sa kanya kasi buo ang tiwala ko. Ramdam kong tapat at totoo siya sa akin. Naniwala ako at nanatili sa penthouse niya.

Sumapit ang umaga, dumating si River Rago sa penthouse dala-dala ang mga bodyguard. Iyon ang bodyguard na hinabilinan ni Areson na bantayan ang penthouse niya. Ibig sabihin, kinulong niya ako doon para hindi umalis. Iniisip niyang baka tumakas ako at tumakbo kasi alam niyang Mama ko ang sangkot sa incident na ito.

Hindi ko inugaling tumakas kasi alam kong inosente ako at walang kasalanan sa kanila. Ang mali ko lang ay pumayag akong gamitin niya ako. Kahit pa noon sa bar, ganito na kaya ang iniisip niya sa akin?

Is it the reason why until now, still vivid in my eyes and mind his love for me? Kaya ba hirap akong maniwala sa pagmamahal niya pero buo ang tiwala ko sa kanya?

He used me.

Iyon ang totoo ngayon.

When I called him earlier, Celeste was in his pub, are they sharing one unit for five days? And he didn't mention Celeste is with him during his business trip. For what? For publicity? That he is with a woman with standard and not on a trash one?

"Kawawa ka naman. Baka magaya ka lang kay Dondon." sabi pa nung isang babae.

Ngumiti ako ng malungkot. Hindi ko na alam ang dapat isipin. Naguguluhan na ako at pagod na rin.

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon