A/N This chapter is dedicated to my biggest fan and gwapo na friend. Hi adjame. Haha Heto na po, thank you so honest critic at sa motivation.
Yehett!~~
-----------------------------------------------------------
FROM: Jake <3
hi baby ko <3 sabay tayo lunch ha. miss na kita agad eh. (╯3╰)
nakangiti lang ako habang paulit-ulit na binabasa text nya. Kahit ano namang ginagawa nya eh napapangiti nalang ako. At wala akong pangreply din pala. Naubusan na ako ng load. Kainis.
"Pwe. ang baduy magtext ni Jake!" - Trisha
"Ay ang epal mo ha. Hanap ka katxt mo rin kaya."
"Nagsasayang lang ako ng oras sa mga ganyan." - Trisha
"Hello? Kailan pa naging sayang sa oras ang pagkakaroon ng inspiration? #BITTER ka besh. Siguro may crush kana pero di ka pinapansin"
"Che!"
Sabay namang nag bell for lunch. Mabilis na naglakad si Trisha palabas ng room namin then sabay na kaming naglakad patungo sa pantry.
Agad naman naming nakita sina Jake sa usual lunch spot namin. Kasama niya sina Ken, ang fluffy nyang kaibigan at si Mike.
"HI BABY KO!"
Syempre hindi po yan ako. Meron po akong tinatawag na hiya. Nakita ko na papalapit si Jake sabay akap ng mahigpit.
"Jake.... Can't .... breathe..."
"I love you too baby." - Jake
"Pwede sigurong kumain na tayo. Tsaka na ang nakakaumay na harutan nyo." - Trisha
Agad naman pumunta si Trish sa may counter para bumili. Nakatingin naman ang mga boys sakin parang tinatanong kung bakit may topak yong kaibigan ko.
"Yaan nyo na. May namimiss lang siguro." i just shrugged, talagang kailangan kong kausapin ang babaeng yon pag may time.
"Dito ka lang babe. Bili kita ng food." - Jake
Tumango na lang ako. Maya-maya naman ay dumating na si Trisha with a tray na puno ng pagkain. Ang daming nyang binili. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya.
"Bakit?" - Trisha
"Hindi ka namang masyadong gutom nyan." - Mike
Dumating na din si Jake na marami ding dala. Hindi din ata magpapatalo to.
"May contest ba sa pagkain ngayon na hindi ako na inform."
"Syempre dapat parang fiesta bawat pagkain na kasama kita. Kahit, tingin mo pa lang.... busog na'ko." - Jake
"AWOOOOO! AYAN TAYO EH!" - Mike
Nag iwas na lang ako ng tingin kasi alam ko pulang-pula na ako. Nag uumapaw talaga ang mga pick up lines ng lalakeng to. Magbabaon din ako next time ng mga ganyan para di lang ako nganga ng nganga. Makapag google nga minsan.
Kumain nalang kami at patuloy na nagkwentuhan.
"Para yatang kulang kayo. Asan si Louis?"
Napansin ko na napahinto sa pagkain si Trisha. I smell something fishy here.
"Hindi daw muna sya papasok. May lagnat yun last time, siguro di pa magaling." - Jake
Magtatanong pa sana ako ng biglang sumabat si Trisha. Nagka interest ang teta.
"Bakit naman siya nilagnat?"
"Ewan namin dun. Ayaw namang magpa dalaw kasi nga okay lang daw sya. Wala pa naman yung kasama sa condo nya ngayon." - Mike
BINABASA MO ANG
Summer Love [ON HOLD]
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang katuwaan na nauwi sa pagmamahalang hindi nila inakala. Bestfriends turned lovers, real cliché... But can love really blossom just in a short span of time? A lovestory that started during the best season of the year ... S...
![Summer Love [ON HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/7312595-64-k756843.jpg)