Chapter 4 - He's Back

87 5 0
                                    

Ang aga kong nagising, himala nga naman. Pababa na ako sa kusina, natulala naman si Mama. Talaga bang nakakagulat na maaga akong nagising.

“Ang aga mo ata anak?” sabi ko na eh, di kapani-paniwala.

“May himala din pa minsan-minsan ma.”

“Haha! Ikaw talaga. Dahil ba ngayon ang uwi ni Jake? Na miss mo nuh?”

Ay tama nga, ngayon nga naman ang uwi nun. Ayaw ko ngang aminin kay mama na yun ang rason baka asarin pa ako nito. Feeling teenager din si mama eh.

“Hindi ma noh! Excited lang ako sa pasalubong nya.” sige Rina, mag deny ka pa. Galingan mo!

“Ayiee! Dalaga na ang anak ko.”  sabi na eh, aasarin pa din ako nito.

“Ma naman!”

“Haha! Namumula ka. Sige na kain ka na dyan. Sa garden lang muna ako.”

Tiningnan ko naman ang mukha ko sa salamin. Ang pula nga. Kakahiya! Ang obvious ko! Bakit ba kasi pag si Jake ang topic, nag tratransform ako bilang kamatis.

*toot* *toot*

Nag vibrate naman ang phone ko.

From: Poging JakeAss <3

Kitakits later Princess! Namiss kita :*

Anebeyen! Speaking of the gorgeous boyfie.

To: Poging JakeAss <3

Pasalubong ko! Kitakits din. :)

Nagmumukha akong pasalubong nito eh. Namiss ko rin naman yun. Sobra sobra. Kaya nga ang aga ko ngayon. ‘Di kaya ako morning person.

-------------------------

Lapit na mag lunch, nakapag decide na lang akong mag lakad-lakad muna. Hindi naman nag text si Jake kung nakauwi naba sila. Akala ko ba maaga silang uuwi. Nasayang tuloy effort kong gumising at maligo ng maaga. Nagsuklay pa ako, paminsan-minsan lang yun basta weekend eh. Haha!

“RIIIINNAA!”

“Ay palaka!” sino ba naman ang di magugulat. May ponchio pilatong ang lakas ng loob na isigaw ang pangalan ko. Ang tahimik ng village eh. Bulabog!

“Haha! Nakakatawa ang mukha mo!”

Pagkalingon ko, ang nakangisi agad na mukha ni Jake ang bumungad sa akin. Palaka nga naman.

“Bakit ka ba nang gugulat?!”

“Miss mo ba ako?” tanong nya na nakangisi pa rin. Ang layo naman ng sagot nya sa tanong ko.

“Pasalubong ko?” mas malayo din naman ang sagot ko. Haha!

“Haha! Uso talaga sa atin ang tanong sinasagot ng tanong nuh?” buti naman at napansin n’ya.

Ngumiti lang ako at bigla naman n’ya akong niyakap.

“Na miss kita Babe. Kung alam mo lang … sobra sobra …” napaka seryoso ng boses n’ya. Niyakap ko na lang din siya. Na miss ko din naman ang kumag nato.

“Hehe. Namiss din kita … ba-babe.” ako pa ba ang aarte. Pero di ko talaga masabi ang babe ng deretso. Hirap!

“Haha! Buti naman tinawag mo na rin ako n’yan.” bumitaw naman siya sa yakap at tiningnan ako, “Dahil dyan sisimulan na natin ang ating movie marathon mamaya. Dala ako DVDs sa  inyo.”

“Nice. Pero teka pasalubong ko?” ako na talaga. ako na ang mukhang pasalubong nito.

“Di mo talaga ako tatantanan nyan ha. ‘Lika ka na nga, punta tayo sa bahay nyo. Namiss ko si Tita din eh. Nandun pasalubong mo. Ala ka kanina eh, hinanap na lang kita. Gala ka kasi ng gala.” inakbayan naman nya ako tapos sabay kami naglakad pauwi. Feel na feel ko ang pagiging girlfriend din eh. Nakakapit din ako sa braso nya. Hihi. Pagbigyan. Summer lang to.

--------------------------------

Around 7pm, nagpunta nga si Jake ulit sa bahay, dala-dala ang isang sakong DVDs. Sa dami ay parang sasabog na yata ang TV namin sa gulat. Nasa sala lang kami nakalapag at hawak-hawak ang bowl ng popcorn. Sinimulan namin ang movie marathon sa Comedy. Halos 5 movies per genre. Tawa lang kami ng tawa. Comedy nga naman kasi.

Nung Romantic movies na, habang ako’y humahagulgol sa mga tragic at romantic scenes, si Jake nama’y tuwang tuwa. Ang corny daw eh. Boys will always be boys nga naman.

Mga 10 pm ay nanunuod pa din kami. This time horror flicks naman. Sa talino ba naman ng taong to ay talagang gabi pa naisipan mag horror. Good luck sa pagtulog.

“Waaahhhh! Ayoko ko na!”

“WAHAHAHAHA”

“Bwisit!! Tumatawa ka pa!” binato ko na siya ng sandamakmak na unan. Biglang dumami yata unan namin dito sa sala. Ay basta! Takot ako ngayon! Naliligo na ako ng sariling pawis. Nagtatakip lang ako ng unan.

Pawis din naman si Jake. Pinawisan sa kakatawa. Bwiset talaga!

Natapos kami ng mga 12 midnight. ‘Di na carry ng TV kaya nagligpit na kami. Umuwi na si Jake at ako naman ay nilalabanan ang kaba. Sabing wag manood ng horror pag gabi eh.

Biglang tumunog phone ko, may text.

FROM: Poging JakeASS <3

Let me guess… di ka makatulog noh? haha XD

Nag reply naman ako. Na obvious tuloy na ‘di pa ako tulog. Sino ba naman ang makakatulog nito. Hassle.

To: Poging JakeAss <3

Ikaw din naman eh … sinong iniisip? ^0^

Umaasa na naman ako.

FROM: Poging JAKEASS <3

Iniisip ko lang kung saan lalabas ‘yong ghost jan sa kwarto mo. Siguro sa malaking salamin. xD

Ay potek! Sana hindi na ako nagtanong. Waaahh!

Lumingon naman ako sa malaking salamin sa room ko. Bigla akong nagtago sa ilalim ng kumot. Gago ‘tong lalaking to. Papatayin yata ako sa nerbyos.

Hindi na ako nag reply. Busy ako sa pagtatago mula sa multo kuno. Anebeyen! Ang duwag ko.

FROM: Poging JAKEASS <3

Joke lang … Good night my princess. <3

Isa pang malaking Waahhh!

Mag re react sana ako pero nagulat ako sa heart sa dulo. “My” pa talaga. Ilang ulit kong binasa. Kung anu-anong naiisip na conclusion hanggang nakatulog na lang ako. ‘Di rin ako naka reply. Wala din naman yata akong ma sagot ‘dun.

Jake naman. Wag kang ganyan.

Nakaka inlove ka lalo eh …

Summer Love  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon