Chapter 7 - A Day With You

88 4 2
                                        

Nasa bahay na ako ngayon, pagod pa din sa byahe. Nakahiga lang at ready ng umidlip ng biglang may yumakap sa akin.

O.O

“Uy Kabayo! Ginulat mo ako. Wala ka bang bahay?!” >.<

“Gwapo kong kabayo ha. Makikitulog lang.” sagot n’ya sabay kiss sa cheek ko. Nasasanay na sa pagnanakaw ng halik ‘tong taong ‘to ha. >0<

We stayed like that for an hour. HOUR TALAGA! Mga tamad nagsama.

“Rin?”

“Yupp?” Bigla yatang sumeryoso ang hangin.

“Ba’t ang PANGET MO?” -_______-

BINABAWI KO NA! WALANG SERYOSO SA HANGIN!

“ANONG SABI MO?!” Kung makalait naman. Ikaw na ang GWAPO!

“HAHA. Joke lang. Ganda mo kaya … pag wala kang katabi! WAHAHAHA”

FISHTEE! Sarap manakal ng gwapo ngayon ah.

Tumahimik na lang ako. Psh!

>______>

“Thank you.” sabi n’ya. O.o

“For what?”

“For being …. the best girl.” (0/////0)

“Tae! Ang drama mo. May pa best best ka pang nalalaman dyan. Psh!” Denial pa ako nyan. Kinilig din pala ang lola nyo.HAHA.

Haba ng hair, nag rejoice ka ba girl!

“No joke. Kung alam mo lang. I think, spending the whole summer with you is not enough… Will you …”

WILL YOU BE MY GIRL KAYA YAN OR DIBA WILL YOU MARRY ME?

“Will you promise me you’ll stay beyond that?” sabi n’ya sabay titig sa akin.

Sabi ko nga bawal assumera! Pahiya! Ampupu~~

Pero ano daw?? Beyond what??

Natulala lang ako. Ano ba yan. Bilis ng tibok ng puso ko.

“Pro-promise … I will. Kaw din ha?”

Ngumiti naman siya pagkasabi ko nun.

“Swear. Kahit ipagtulakan mo pa ako, ‘di ako lalayo.” sagot n’ya then he hugged me tight. As if naman ipagtutulakan kita.

Nakatulog s’ya after a few minutes. Ako naman ay sobrang saya. I secretly kissed his cheek too. Hindi lang siya ang marunong magnakaw ng kiss kaya. (^0^)v

Sana lagi na lang tayong ganito Jake …

I won’t let you go. Even if fate will say so.

Sobrang kinikilig pa rin naman ako kung maaalala ang nangyari sa resort last time. Ang sarap sa pakiramdam na nagseselos siya. Feel ko nung time na yon, mahalaga din ako sa kanya. Ramdam ko kahit sandali lang na… mahal din nya ako.

Tinititigan ko lang ang mukha ni Jake habang tulog. Pagod din to sa byahe. Kung sabagay pagod din naman ako pero parang nawawala pagod ko habang pinagmamasdan ang mukha nya. >.<

Ang gwapo talaga ng Jake ko. Matangos ang ilong, manipis at mapula na labi, makinis ang mukha, nahiya pa nga ata mga pimples ko. Pang model talaga ang lalaki na’to. Bakit nga kaya ‘di siya nag model? HAHA! Buti nga hindi baka mas lalo pang dumami fans nito. Mas mahihirapan pa ang beauty ko nyan.

“Take a picture. It’ll last longer …”

Ay potek! Gising pala to. Bigla na lang akong napaatras.

“Gi-gising ka pala?”

“Ay hindi, hindi Rin. Tulog ako nito.” Namilosopo pa talaga. “Psh! Para kasing may nakatitig sa akin kanina pa. Kaw lang pala. Gwapo no?”

“Anong nakatitig? Masyado kang feeling.” sige Rina. Mag deny ka. Kakahiya naman talaga. “Nakakadiri ka lang tingnan .. tuloy laway.”

“Ang sweet talaga ng girlfriend ko. Paakap nga.” hindi pa lang ako nakaka react, bigla na nya akong hinila at inakap ng mahigpit.

“By the way babe, may game pala kami the next day sa town square. Nood ka ha?”

“Para ba yun sa summer tournament?” lapit na pala nun. Every summer ang tournament nila ni Jake. Mapapasubo na naman cheering skills ko nito.

“Oo. Alam mo namang defending champ kami so kailangan ng moral support. Gaganahan ako pag andun girlfriend ko.” sabi nya sabay kindat sa akin.

>/////<

“Na-naman. S-syempre number one fan mo ako. Front seat ako sa bleachers, don’t worry.”

“Sabi ng the best ka eh. Pakiss naman.” kanina akap ngayon naman halik. Yung totoo?? Matutunaw na ako nito. Bigla naman nyang akong hinalikan sa pisngi. Psh! Pisngi lang pala.

“Umuwi ka na nga! Bigyan mo naman ng purpose ang bahay nyo. Kulang na lang lumipat kana dito eh.” halos araw-araw na lang siya dito.

Hindi ba siya nag sasawa na makita ako. Kasi ako sawang sawa na sa mukha nya. Sa sobrang sawa baka hindi na siya makauwi. Ikulong ko na kaya tu dito.

“Grabe ka naman. Na miss ka lang eh. Wala ka talagang sweetbones Babe.”

Tumayo na siya at naglakad sa pinto. Naupo lang ako sa kama at pinapanuod siya. Bigla naman siyang lumingon, ang seryoso ng mukha.

“And you know … I can’t last a day not seeing you.”

>//////////////<

Nakasara na ang pinto pero heto pa rin ako ngayon, lutang. Lutang na lutang. JAKEEEE!

Mga banat mo, PAMATAY!!

Ang puso ko, kamusta naman??

Summer Love  [ON HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon