Chapter 14 - Captivated

66 2 0
                                    

TRISHA’S POV

“Tara na besh! Ang kupad mo!”

Aish! Kung makasigaw naman to si Rina parang ang layo-layo ko. Hello, kaharap ko lang po siya. Kanina pato atat na umalis. Napaka-excited. Psh! Sayang beauty ko, stress na agad umaga pa lang.

“Heto na po. Sandali lang naman.”

Natataranta tuloy ako dito. Kanina pa ako nalilito sa mga papers na dala-dala ko para sa mga requirements. Ewan ko ba, ayos na to kagabi pero ngayon ang kalat-kalat na naman. Hassle!

“Bakit mo kasi hindi inayos yan kagabi?”

“Huhu. Hindi ko alam. May monster siguro na gumulo nito.” -3-

“Nek-nek mo! Text ka kasi ng text kagabi. Tayo na dali!”

Yung totoo?? Anong pinaglalaban ng babaeng to? Kanina pa siya atat. Akala ko ba ayaw nyang matapos ang summer. Kaloka!

“Hihi. Besh, ba’t parang excited ka naman yata masyado?” ^_^

Lumingon lang siya at biglang namula. Alam na. Psh!

Umiwas lang siya ng tingin at nagsimula ng maglakad. Ma asar nga to. ^=^

“Ayee. Jake na naman yan no?”

Deadma. Sinundot-sundot ko naman.

“Sinundan ka nya gabie sa room mo. Siguro may nangyaring kababalaghan insan noh?”

Deadma pa rin. Lakad lang siya ng lakad.

“Hoy Miss Rina Dela Vera!! Uso ding sumagot minsan!!” Imbyerna.

“Tsk! Wala naman kasi.” sumagot din.

“Anong wala, eh mukha ka na kayang kamatis!”

Haha! Mas namula pa siya lalo at naglakad na ulit ng mabilis. Ang sarap talagang kulitin ang bestfriend ko pag inlove.

Obvious din naman na may special fishy something between Rina and Jake. Noon ko pa yun napansin. Kahit hindi sila magsalita, the people around them see the chemistry. Masyado lang talagang complicated pag mag bestfriend chuchu. Psh! Hindi naman siguro magiging complicated kung pareho silang aamin. ^_^

Sinundan ko lang si Rina hanggang school. Nauna pa rin siyang maglakad. Hayaan na natin ang excited masyado. Ako dito chill lang. Walang lovelife eh. -___- Hindi ako makarelate!

Kailan ko kaya mararanasan ang feeling na may pinaglalaban ang heart ko. Yung tipong bibilis ang tibok pag dumaan siya. Choss! Seriously, wala pa talagang lumilingon sa akin na worth it. Yung mga tambay lang sa amin na lakas mangtrip ang nakakapansin. Tsk!

Maganda naman ako. Mabait. Matalino medyo. Matangkad ng kaunti. Medyo makinis ang kutis. Kissable lips. Masayahin. Tahimik. ^_^v. Ay sorry, mali, madaldal pala ng medyo. Hyper ako eh.

“Anak ng!”

Bigla na lang akong napaatras ng may mabunggo ako. Aish! Sigawan ba naman ako! Sinong di magugulat.

“Tsk. Tingnan mo ngang dinadaanan mo!”

Asar! Suplado nito!

Sorry po...” sabi ko sabay gaya ng pose ni Chichay. Hihi. Idol ko yun eh!

Tiningnan lang nya ako ng masama sabay cross ng braso nya sa kanyang dibdib. Sabi ko nga suplado!

“Trish! Anong nangyari sayo?” buti na lang dumating si Rina.

“May nabangga akong masungit.”

“ANO?!” – sungit

“Wala. Sabi ko po soorryy ulit.” ses, sungit nga. -.-

Summer Love  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon