JAKE’S POV
May 31st. Sunday.
Urghh!! Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Bakit ba ang dali-dali lang ng oras?! Ang dami pang nagpapa-alala na last day na ng summer ngayon. Kanina pa ako nabubwisit dito!
Nag open ako ng Facebook pero agad naman akong nag log-out. Halos lahat ng status puro ‘excited sa school’. Ako lang yata ang gusto ng summer. Masyadong masaya ang summer nato hindi tulad ng summer two years ago. Siguro nga yun ang reason kaya ayaw ko ng summer noon pa man pero ngayong summer nato lang ako excited.
Pero dahil nga masaya ako kaya siguro ang dali-dali lang lumipas ng oras. Hindi tulad ng nagdaang mga summer na halos isumpa ko na ang oras sa sobrang bagal. Psh!
“Anakng! Bakit kaba nang-gugulat?!”
Parang kabute din tong si Mike. Kahit saan na lang sumusulpot.
“Uy dude. Kumatok ako kaya.”
Pumasok naman siya at naupo sa kama ko. Feel at home masyado.
“Pero parang di mo narinig. Nagmo-moment ka eh!”
“Alam mo naman palang nagmo-moment, ginulo mo pa talaga ako!”
-______- Kahit kailan talaga, istorbo. Ngumisi lang siya sabay bato ng unan sa akin. Nasalo ko naman agad yun.
“Sinong nagmo-moment?”
Lumingon naman ako sa pinto at nakitang kakapasok lang din nila Ken. Syempre andito rin sila. Hindi talaga ako tatantanan ng tatlong to.
“Si Jake. Tulala na naman pagpasok ko.”
“At nagsama ka pa talaga ng backup para lang bwisitin ako ngayon!”
Mukhang triplets tong tatlong to. Laging magkasama. Nakakabakla pa namang kasama sina Ken at Mike. Buti hindi nahawa si Louis.
“Jake naman. *pout* Namiss ka lang namin kaya.” – Ken
“Hey! Hindi ako kasali dyan. Hinatak nyo lang ako dito. Tsk.” – Louis
Tinakpan lang ni Ken ang bibig ni Louis sabay nguso sa kanya. Inirapan lang naman siya ni Louis.
“We know you need someone to talk to Jake. Sabi nga namin diba, nandito kami pag kailangan mo ng crying shoulder *wink*.” – Mike
Sabi na eh, nakakabakla kasama tong dalawa. In the first place, bakit ko nga ba naging kaibigan tong mga to. At ano daw?? Someone to talk to?!
“Hoy! Ano bang pinagsasabi nyo? At bakit ko naman kailangan ng kausap?”
“It’s May 31st.” - Louis
“And then? May kalendaryo kami kaya di nyo kailangang puntahan ako para ipa-alala lang ang petsa ngayon!”
“Sus dude! Basa na namin yang mukha mo.” - Mike
“First step of moving on, Acceptance!” - Ken
“Gusto nyo ibalibag ko kayo palabas?!”
“Chill bro. Seriously, ano ng plano mo? Parang kailan lang natin tong pinag-usapan.”
“So anong napala mo sa whole summer? You can’t just end it like nothing happened.”
“I told you to mind the consequences.”
Maaasahan talaga ang bibig ni Mike. Siya yata spokeperson nilang tatlo ngayon. Take note, sa kanya galing lahat ng yun.
“Dude naman. Uso ding mag react!”
![](https://img.wattpad.com/cover/7312595-288-k756843.jpg)
BINABASA MO ANG
Summer Love [ON HOLD]
Fiksi RemajaNagsimula ang lahat sa isang katuwaan na nauwi sa pagmamahalang hindi nila inakala. Bestfriends turned lovers, real cliché... But can love really blossom just in a short span of time? A lovestory that started during the best season of the year ... S...