Chapter 3 - Newcomer

94 6 0
                                    

A million men can tell a woman she is beautiful, but the only time she’ll listen is when it’s said by the man she loves.

Hayy. Tama nga naman. 'Ang ganda mo anak', yan lagi sabi sa akin ni mama pero tinatawanan ko lang. Syempre nanay ko eh, pupuriin talaga ako nyan. (^_^)v

Pero nung sinabihan ako ni bakulaw na ako daw ang PinakaMAGANDANG TANGA! Ilang araw ko din yong dinibdib. Maganda daw ako! Pinakamaganda pa daw! Tanga nga lang Haha! Pero erase na nating ang tanga. Aminado na ako nyan eh. Dun tayo sa GANDA, as in BEAUTY!

Ilang araw na din simula nung nag start ang summer at ilang araw na din akong kinikilig. Lakas ng impact ng sweetbones ni Jake. Hindi siya nauubusan nako ka sweetan. Mas lalo ding hindi siya nauubusan ng panglalait sa akin. -___-

Masyado akong nadadala sa Summer Love na ito. Masyadong masaya na nakakatakot na ituloy. Sabi kasi nila na pag masyadong masaya, ending nyan ay sobrang sakit. Naman eh!

*toot* *toot*

May text pala. Speaking of gwapong asungot.

From: Poging JakeAss <3

Hello Babe! Anong gawa mo? Saya dito. Sayang wala ka. Miss you :*

Miss ko na rin ang mokong. Biglaan din kasing umuwi papa niya at nag out of town sila agad. Boracay ang peg ng mga Evans. Ako naman nabubulok na dito sa bahay. Hindi uso bakasyon kina mama. 1 week sila Jake dun. Sayang ang isang linggo. Hindi ko nasusulit summer affair namin. Pwee! Affair talaga.

Nag reply naman ako.

To: Poging JakeAss <3

Asus! Miss ka jan. Enjoy ka siguro sa mga naka bikini jan. :* Nabubulok na ako dito sa bahay. L

Inosente pala ako sa name nya sa phone ko. Hindi po ako naglagay nyang POGING. Sadyang kapal lang ang apog nun. Pinalitan nya ang naka phonebook na name niya. Pogi nga naman. Ginawa ko nga lang JakeAss Haha

From: Poging JakeAss <3

Babe naman! Ang behave ko kaya dito. Sila lumalapit eh, wala tayong magagawa jan. Nag boyfriend ka kasi ng gwapo. Haha :*

Ang sarap sapakin nito. Umuwi ka dito, makakatikim ka talaga.

To: Poging JakeAss <3

Tse! Kapal mo talaga. Pasalubong ko wag mong kakalimutan! Damihan mo ha.

From: Poging JakeAss <3

Hindi pa ba enough na ako ang pasalubong? :* Hahaha! Don’t worry babe, only one ka pa rin. Walang wala sila compared sayo. Sige babe! Kakain daw kami sa labas. Miss you:* Call you later.

Kyaaa! (0////0) Inulit ko ulit ang pagbasa.

‘Walang wala sila compared sayo.’

‘Walang wala sila compared sayo.’

Ayan na naman ang puso kong ang lakas ng tibok. Kung alam mo lang Jake kung ano ang ginagawa mo sa sakin. Sana nga alam mo para naman hindi ako nagkakaganito. Unrequited lang ba lagi. Hayy!

Lumabas na lang ako ng bahay. Grabe ang boring sa loob. May disadvantage din kasi ang pagiging close namin ni Jake. Hindi na ako masyadong nakaka socialize sa iba. Wala tuloy akong ibang close na kaibigan. So pag wala siya, ako heto nganga.

Makapag ice cream na nga lang. Sakto namang may dumaan na sorbetero. Yay!

Pagkabili ko ng ice cream, naglakad ako papunta sa may park bench. Loner ko naman nito.

Summer Love  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon