Sporty ang get-up ko ngayon. Today na tournament game nila ni Jake at syempre being the best girlfriend, dapat manuod ako. Nasa court na siya since kanina for warm up at ako nama’y papunta na rin.
When I arrived sa court within town square, marami ng tao. Mga teenagers mostly from different villages. Defending champion team nila ni Jake kaya pag championship, maraming nanunuod talaga. Plus factor pa na puro mga gwapo ang naglalaro. So heto daming baklitang ang sakit sa tenga! Sabing wag kumain ng megaphone eh!!
Sa usual place pa ‘din ako sa bleachers. Parang reserve na talaga sa akin ‘to na seat. Pinakamalapit sa bench side nila ni Jake kasi at front seat as promised.
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang game. Maya-maya ay may nag text sa akin.
FROM: Poging JakeAss <3
Nasa bleachers ka na boo? ^0^
Pansin ko na kung anu-ano na lang tinatawag niya sa akin.
I texted him back … then tumawag siya.
“Cheer mo ako ha?” sabi n’ya sa kabilang line. Halatang nakangiti siya ngayon.
“Syempre naman. The best girlfriend kaya ako para kay Jake Evans.” nagtawanan lang kami then a few minutes he hunged up.
‘Di din nagtagal ay naglabasan na sila mula sa locker rooms. Nagkawayan lang kaming dalawa. I then noticed someone beside me.
Here we go again ...
“Hello, Rina.” bati ni Ivan sa akin.
“Hey, Ivan.” sagot ko naman with pilit na ngiti. Bakit na naman kaya nandito to. May lahing kabote, kung saan-saan na lang sumusulpot.
Tapos na nyang sirain araw ko nung nasa beach kami ni Jake, heto na naman siya. Naalala ko na naman yung pagseselos ni Jake. Ayeeeh! Kinikilig pa rin ako dahil dun.
“Nakikinig ka ba?” tanong n’ya. Kanina pa pala ako nakatunganga.
“Huh? Well, anong ginagawa mo dito.” sagot ko. Sarap pang tumunganga kaysa makinig sa kanya. Hooo!
“’Di ba halata? Nanunuod ng game … with you.” sabi n’ya with his signature smile. Mambobola.
Nilipat ko sa court ang aking tingin. Nagsisimula na pala ang game. Lamang agad sila ni Jake.
Pansin ko ‘din na laging naka glance si Jake sa side namin. Siguro napansin n’yang nandito si Ivan. Pahamak talaga ‘to. Asungot!
“Threatened yata si loverboy sa akin. Haha” biglang sabi ni Ivan. Paglingon ko nakangiti na naman s’ya. Iba ang vibes ng ngiti n’ya, nakaka bwesit.
“Nakaka bwesit ka lang talaga.” sagot ko na ‘di ko sana meant na marinig n’ya pero tumawa lang siya ng malakas.
“Ang sakit nun ah.” Tumatawa pa din siya. Sira ulo pala ‘to eh.
“So Rina, I was thinking …”
“I don’t care what you are thinking Ivan. So please just shut up.”
“Tulad ka pa rin dati. Fierce Rina! Yan ang nagustuhan ko sa iyo eh.”
Inhale .. Exhale ..
“Forget the past Ivan. Let us just stay strangers.”
“We can’t be strangers anymore … not possible.” bigla sumeryoso ang mukha nya. Ano na naman kaya ang binabalak nito.
“And why can’t it be possible?”
“You’ll see soon Rina. I’ll do everything. Kukunin ko lang kung ano dapat ang matagal ng naging akin. You’ll surely soon be … mine …”
Hindi ko narinig ang huli nyang sinabi. Bigla na lang kasing napatayo at nagsigawan ang mga tao. Ganda game nila ni Jake.
“Ano? Ulitin mo nga!”
Ngumiti lang siya at nanuod lang ng game ulit. Ano daw? Nah. Hell I care. Ivan will always be Ivan. Jerk.
“GO JAKE!!!! ANG GWAPO MO!” ang lakas ng sigaw ng mga girls and feeling girls sa tabi ko. Psh! Gusto pa akong talunin. Hinahamon aketch!
Hayy! Since hilig ko namang ipahiya sarili ko, sasagarin ko na ...
“GALING MO JAKE!!! GO GO JAKE!! GO BOYFRIEND!!” sumigaw din ako ng wagas. Nagtinginan naman ang mga babae sa akin. Ay potek! Sinabi ko bang boyfriend? Hindi. Hindi ko lang sinabi, Sinigaw ko talaga!
(___ ___)
Tiningnan ko na lang si Jake. Nakatingin pala siya sa akin at naka ngisi. Nag heart pa siya gamit ang kanyang kamay. Feel ko nag init bigla mukha ko! Kyaaaahh!~~
“Pfft! May sweetbones pala ang isang Rina Del Vera.” -_____-
>___> ~~~~~ ^.~
Napalingon naman ako sa nagsalita. Tss, sino pa ba kundi si Ivan. Buhay pa pala to. Hindi ko na lang siya pinansin. Quota na nga ako sa mga babae at binabae malapit sa akin who are shooting daggers at me, dadagdag pa siya.
Halos isang oras ko din tiniis ang presence ni Ivan. Natapos na ang game at syempre winner ang Jakey ko. Halos kanya lahat ng points the whole game. Walang binatbat ang sa ibang team. Bigla namang nawala si Ivan right after the game. Wooo! Buti naman. Ivan free na ulit.
Hinintay ko na lang si Jake sa labas. Ilang minuto din akong naghintay, walang Jake na lumabas.
Hinarangan siguro yun ng mga bakla sa lockers area.
I texted him,
Asan kana? Uwi na tayo (:
Ilang minuto din lumipas bago siya nag reply ….
FROM: Poging JakeAss <3
K.’
Anong klaseng reply naman ‘to. Uso ba mga labong g*go ngayon. And to think na it took him few EFFIN MINUTES just to type that!!
Maya-maya ay dumating siya. Hindi halata na kakapanalo lang nila. Naka simangot. Pasan ang mundo. Mukhang na rape ng mga bakla kanina siguro.
‘Di lang din ako nag salita hanggang sa loob ng kotse.
“Congrats pala. Ang galing mo.” sabi ko pang icebreaker lang talaga. Awkward na awkward. SILENCE. Nakakabingi naman. Sabi ko nga, di na ako magsasalita. Panis laway ko nito.
‘Di siya sumagot hanggang bumaba na ako sa tapat ng bahay namin. Pinaharorot din naman niya agad paalis ang kotse niya.
Anong problema ng taong ‘yun. Weird. Nahawa yata kay Ivan.
Nagmamadali kaya siya??
May importanteng lakad ba yon??
Menopausal stage??
Na basted??
Na pipi??
Natamaan ng bola ang ulo kaya tuliro??
EWAN!!
Ako yata ang mababaliw kakaisip!!
Tengene!
USO BA MGA BIPOLAR NGAYON?!!
-___________-
-----------------------------------------
OHAYOO!
SINONG NAKANUOD NA NG COMPLETE EPS NG MISCHIEVOUS KISS: LOVE IN TOKYO??
KILIG ANO?? HAHA!! NAOKI IRIE <3KYAAAH! ANG TAGAL KONG NAKA UPDATE! :D
PASENSYA NA PO SA INYO :)SUPER THANKS PO PALA SA VOTES AND READS! :))
CHAT TAYO ANYTIME! ^.^ I USUALLY READ TOO KAYA SUGGEST KAYO NG STORIES SA WALL KO ANYTIME :) BASTA WAG NYO LANG AKONG LUNURIN SA DAMI HAHA XD

BINABASA MO ANG
Summer Love [ON HOLD]
JugendliteraturNagsimula ang lahat sa isang katuwaan na nauwi sa pagmamahalang hindi nila inakala. Bestfriends turned lovers, real cliché... But can love really blossom just in a short span of time? A lovestory that started during the best season of the year ... S...