[Rina’s POV]
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Muntik ko na mabato ng di oras. Masyadong epal. May magandang natutulog eh!
Excited di naman akong pumasok dahil huling araw na ng klase at sa wakas bakasyon na. Favorite ko ata ang summer. Ohlala! Imagine the sun and the beach. Epic! Kyaaa~! \\(^0^)//
Nerd ako. Walang ka arte arte sa balat. Eh wala din naman akong pang gastos sa kaartehan eh. Tsk! Kuripot nga naman. Pero kahit favorite ko ang school, may times din naman na nagkakasawa din ang pag mumukha na mga tao dun. Haha!
“Anak, dalian mo. Mahuhuli kana.” sigaw ni mommy. Lakas ding maka echo ng boses ni mama. Sa bagay di naman masyadong malaki bahay namin kaya walang iwas sa bonganga ni inang.
“Opo ma. Malapit na po.” sagot ko sabay suklay ng buhok. Ganda ko talaga kahit papano may nasalo akong beauty nung nagpaulan si God. Di masyado pero enough nato. Be contended!
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina. Nasa mesa na si Mama. Kami lang namang dalawa dito sa bahay. Nasa Korea kasi si Daddy nagtatrabaho at ang ate ko naman ay may asawa na’t nasa ibang bansa din nakatira. ‘Di nila alam na “it’s more fun in the Philippines” eh. Haha! Lakas maka slogan.
Medyo kulang ang life pero okay lang dahil lagi ko namang kasama ang best friend ko. Magkababata kami at magkasama sa Korea ang mga Daddy namin. Mas mayaman nga lang sila kasi mas malaki company nila dun at dito sa Pinas while kami nagsisimula pa lang lumago ang businesses.
“Good Morning my little Rina.” sigaw ni Jake habang papasok sa kusina namin. Speaking of the devil! Here he comes, my extraordinary best friend, Jake. Little talaga ha? Nangliit naman ako nun.
“Kain ka muna Jake.” anyaya ni Mommy.
“Wag mo ng pakainin yan ma. Takaw nyan eh. Maubos pa tong ulam natin.” Kontra ko. Haha! May pagka madamot din ako basta pagkain eh.
“Anak naman. Ang gwapo kaya ni Jake para maging matakaw.” Bolero din tong si mama eh. Kaya napapalakas masyado confidence ng isa dyan.
“Hahaha! Salamat po tita. Idol po talaga kita. Tapos narin po akong kumain.” sagot nya. “Dalian mo Rina baka ma late tayo sa last day of school.” anyaya nya din na mukhang mas excited pa talaga sa akin.
“Malapit na. Wag excited.” Malapit na kong mabilaukan sa pagmamadali. Masyadong atat to. Excited makita mga chicks nya siguro.
Maya-maya ay umalis na kami ng bahay. May kotse si Jake kaya libre sakay ako. Ayaw akong bilhan eh baka ibangga ko lang daw. Sus! Mga walang tiwala.
Papasok pa lang kami ng campus ay marami ng mga babaeng nagtitilian. Ang ingay! Kulang na lang mag megaphone eh.
Sino ba namang hindi titili. Si Jake ang MVP ng varsity basketball team namin. Isa siya sa popular guys sa campus. Siya lang naman ang pinakagwapo at pinakamayaman. Matalino din yan. Mas matalino nga lang ako, nerd eh. San kapa? Full package na kung tawagin. Kaya nga kahit sino nagkakandarapa sa kanya. Ako nga na bestfriend, araw-araw nadadapa ang beauty. Haha! Di pa rin napapansin ng mokong.
Well, sikat din naman ako. In my own way. Magka bestfriend ka ba naman ng tulad nya. Sisikat ka talaga sa lait mula sa mga fangirls. Kesyo dumadaMoves daw ako para maging close kay Jake. Dikit daw ako ng dikit. Shete! Sa inyo na, saksak nyo san ngala.ngala! Ay mali! Akin pala to. AKIN LANG! Haha!
Medyo may talent at talino din naman ako eh. Member ako ng Student Council at Assistant Editor din ng school paper. Nerd nga eh, paninindigan ko na lang. Hindi naman ako yung typical na nerd with Betty La Fea look. May sense of fashion din naman kahit papano. Nahawa ako kay Jake eh, ayaw ko rin namang magmukhang yaya pag magkasama kami. Baka itakwil ako nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/7312595-288-k756843.jpg)
BINABASA MO ANG
Summer Love [ON HOLD]
Ficção AdolescenteNagsimula ang lahat sa isang katuwaan na nauwi sa pagmamahalang hindi nila inakala. Bestfriends turned lovers, real cliché... But can love really blossom just in a short span of time? A lovestory that started during the best season of the year ... S...