Chapter 5 - Hugs and Kisses

85 5 0
                                    

Since I said na I love the sun and the beach, kinareer talaga namin ang beach getaway namin. We went to Sunnyville’s resort, a private resort owned by Jake’s tito. Mayaman clan nila kaya medyo marami-rami ang properties. Free ang accommodations namin kaya dagdag saya. Libre na naman! Magdiwang!

“Good morning sir and maam.” bati nag receptionist. Nagpa cute pa s’ya kay Jake. Psh! -____-

“Hello, good morning. Reservations for Mr. Evans, two rooms.” sabi ni Jake sa babae. Agad-agad namang tiningnan ng girl sa computer.

“I’m sorry sir, may reservations dito under your name pero only one room.” sabi ng babae na medyo nagulat. Well, mas gulat naman kami te. Anong one room?

“What? Pero I told my tito na two rooms. I’m with Rina.” sagot ni Jake na twice ang gulat.

“I’ll double check sir.” bumalik siya sa computer. After a few minutes, “I’m sorry sir, only one room lang talaga.”

Agad namang kinuha ni Jake ang kanyang phone at may tinawagan. I’m sure tito n’ya yun. Medyo malayo siya pero halata naman na inis s’ya sa kausap n’ya.

Then after talking over the phone, bumalik siya sa receptionist.

“We’ll get it.” sabi n’ya sabay kuha sa room key. Lost ako sa mga nangyayari. We’ll share one room? AS IN?!

“One room lang? Bakit?” tanong ko habang papasok sa hotel. Klaruhin natin. Mamaya na ako magdidiwang. Kailangan muna ma confirm.

“Nangtitrip na naman yata tito ko. Tinawanan lang ako ng gago kanina sa phone.” Napamura pa talaga siya. Haha! Pikon kaya to. Ayaw n’yang pinagkakaisahan, “Nananadya talaga, alam nya kasing kaw kasama ko.”

“Ibang klase tito mo.” napangiti lang ako. Medyo agree ako sa tito nya ha. Mapasalamatan nga yun pag nagkita kami. Magkakasundo kami nun siguro. Hihi.

“Hayaan mo na. Sanay ka namang kasama ako diba?” ngumiti din si Jake sabay kindat.

'Yan na naman po siya. Hindi ba siya napapagod kumindat?

Finally, pumasok na kami sa room namin.

NGANGA. Literal talaga akong naka nganga. Ang ganda dito. Sobra. Isang king-size bed nga lang talaga ang meron sa gitna. Ang lambot! May malaking flat screen TV din sa mini sala. May veranda na overlooking sa beach. Pati banyo may malaking Jacuzzi tub, sosyal na shower room. Meron pang mga imported na bath scrubs and lotions. May walk-in closet din. Galing naman! Wala ng uwian to!

Walang sinabi kwarto ko dito. Ang gulo dun eh! Eh sa tamad ang nakatira kaya wala tayong magagawa dyan.

“’Di naman masyadong obvious na tuwang-tuwa ka dyan.” sabi ni Jake sabay tawa. Humiga siya sa kama at nakatingin lang sa kisame. Epal talaga kahit kailan.

Hindi ko na lang siya pinansin. Lumapit lang ako sa veranda at sumandal sa railings. Ang fresh ng hangin. Ang lamig lamig! Bigla naman akong napaakap sa sarili ko.

Nagulat na lang din ako ng may matitikas na braso ang umakap sa akin.

“Nilalamig ba ang baby ko?” ang husky ng boses nya habang binubulong nya yun sa tenga ko. Ang sexy! Nanghihina yata mga tuhod ko. Hindi ako makasagot.

Hinarap naman nya ako sa kanya. Ngumita siya at niyakap naman ako ng mahigpit. Araw ba ng yakap ngayon? ‘Di ako na inform. Sana man lang nakapaghanda ako. Huhu! >.<

“Pasok na tayo.” bumitaw naman si Jake at dumeretso na sa loob.

Ako? Heto nabato na yata. Ayaw humakbang ng mga paa ko. Stuck like a statue ang peg.

After 48 years, nakapag decide din ang mga paa ko na mag function kaya pumasok na rin ako. Nanginginig na ako sa lamig eh.

Naabutan ko naman si Jake sa loob, nanunuod lang ng TV. Nahiya naman ako sa size ng TV dito. Nangliit yung amin sa bahay.

“Since isa lang ang bed, sa sahig ka Rin.” sabi ni Jake sabay ngiti.

“ANO?! Ako pa talaga ang sa sahig! Di ka naman masyadong gentle noh? ” Sobra ‘to ha. Di nya ako madadaanan sa ngiti-ngiti.

“Kung ayaw mo, tabi nalang tayo dito. ‘Di ako makakatulog sa sahig or couch eh.” palusot ng gwapo. Humiga naman siya agad sa kama. Feeling eh!

“Prinsepe lang ang peg. TSE!” wala akong choice. ‘Di ko feel ang sahig din naman. Ang lamig dito.

“Take it or leave it. Don’t worry I’m harmless.” sabi nya sabay kindat. Heto na naman po tayo.

“No choice.”

Magkatabi talaga kaming matutulog. Pero nilagyan ko naman ng malaking unan sa gitna.

“Yah! Ang sikip na kaya!” ay potek! ang lapit lang namin, sumigaw pa talaga.

“Hoy! Bawal kang magreklamo. Dun ka sa sahig. Solo mo ang lapad dyan.” ang arte ng lalaki nato.

“Ayaw.” nag pout naman siya. Pfft! Parang bata lang. Sarap pisilin ng pisngi nito. Mapisil nga, “Areyy! Mashakettt!”

“Ang cute mo eh. Haha!” ‘Di ko pa rin tinatanggal kamay ko sa pisngi nya. Namumula na.

“Ah! Ganun.” nakangisi lang siya at bigla akong kiniliti.

“WAAAHHHH! TAMA NA! MAIIHI NA AKOOO! HAHAHA”  di ko napigilang sumigaw. Langya to, plano talaga akong paihiin ng di oras. Sakit ng t’yan ko kakatawa.

Tumatawa din naman siya eh. Enjoy talaga mang bully. Hinampas ko lang ang unan sa kanya. ‘Di naman nagpatalo ang gwapo. Para lang kaming bata dito. Hanggang sa mapagod at nahiga na lang ulit.

Wala na yung mga unan sa gitna namin. Unti-unti naman akong napapapikit. Nakakaantok na talaga. Naramdaman ko naman na nilalapit ako ni Jake sa kanya at pagkatapos ay niyakap. Hindi na lang ako pumalag. Napayakap na rin ako sa kanya.

“Good night Jake …” nakapikit na ako nun. Hindi ko na mabuka mata ko sa antok.

Sweetdreams mine …” sagot naman n’ya sabay higpit ng yakap sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na akap-akap ka ng taong gusto mo. Para akong nasa Cloud9, lalo pa no’ng …

He suddenly kissed me on my forehead.

--------------------------------------------

A/N:

SALAMAT PO! :) Pasensya na sa short update hehe ^^ Kinakapos ang utak eh. Natuwa ako nong mapanuod ko sa TV na Summer Love ang title ng MMK Episode this saturday. Haha!

Wag po kayong magsawa magbasa!

Sa may twitter, please follow me : @imyourjenz    *I'll follow back ^^,
FB naman: www.facebook.com/imyourjenz

Summer Love  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon