Chapter 2 - Babe

99 6 0
                                        

“Hello Babe!”

Ayiiee! Haha! Kinilig naman ako sa endearment namin. Hindi ako sanay! Common nga lang. Tamad din mag isip tong lalaki nato. Pero kasi kinikilig pa rin ako. Haha! P’deng tumili once lang?

(0/////0)

“HAHAHA! Nakakatawa mukha mo Rina. Para kang tanga.”

Okey na eh, natawag pa akong tanga. Bwisit tong lalaki nato. Maypa babe babe pa siyang nalalaman. Sanay na sanay siya sa mga naging girlfriends. Eh ako nganga! NBSB kaya ang tao. Huhu! Kakahintay kay Jake ko, wala tuloy akong napala sa lovelife. Worth it naman eh! Haha!

“Sinong TANGA?!” nakakainis talaga. Panira moment.

“HAHA! Sensya naman. Ang pula mo kaya. Parang tinawag ka lang babe eh.” biro nya. Ikaw na Jake! Oo ikaw na ang gwapo pag tumatawa. Ano  ba yan, napansin pala nya na nagblush ako. Kakahiya!

“TSE!” wala akong maisip isagot. Nakakaboba talaga siya kausap.

“Sorry na Baby ko.”nag pout pa ang gwapo, “Tara Babe, kain tayo.” sabay hila sakin papasok sa isang food chain.

Andito nga pala kami ngayon sa mall. Nagyaya siyang gumala eh. Para tuloy kaming nag dedate nito. Oh well, boyfriend ko nga pala siya whole summer. Lubusin na natin. Haha!

“Anong gusto mong kainin Babe? Treat ko.” nakatingin lang siya sa mga pdeng pagpilian. Ayan libre na naman. Ayee! Nakatipid ang kuripot.

“Happy meal na lang.” pasensya, isip bata ako eh.

“Para ka talagang bata. Haha! Sige ayun na lang din ang akin.” nanglait pa, gagaya din naman pala.

“Ako na magdadala Babe. Una kana sa table natin.”

“Gentleman ka rin pala. Bago yun ah.”

“Syempre ayaw kong mabigatan ang Rina ko.” sabay kindat sa akin with matching lapad na ngiti.

Ako naman well kunting kunti na lang, matutunaw na. Matutunaw na ang ice cream ko. Haha! Ang hot kasi ng kasama ko. Kyaa!

Tawa lang kami ng tawa habang kumakain. Wala namang nagbago sa trato namin sa isa’t isa aside sa kanina pa siya Babe ng babe, may pa baby baby pa. Sus! Ako naman itong kilig na kilig!

“Ang dungis mo kumain kahit kailan. Haha! Kina career mo talaga pagiging tanga eh noh.” tawa pa rin siya ng tawa.

“Yah! Namumuro ka na sa kakatawag ng tanga sa akin ha!” nakakainis to. Wala ba siyang alam na ibang adjective. Tanga talaga. Pde namang ganda eh.

“Haha! Punasan mo kasi yang bibig mo.” nagpunas naman ako pero di ko kita kung asan ang dumi eh. Anebeyen!

“Ako na nga ..” hindi na ko naka react. Siopao! Medyo lumapit siya at pinunasan ang pisngi ko. Medyo na tulala naman ako nun. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Sasabog na to eh!

Ngumiti lang siya at umayos ng upo.

“S-salamat ..” ano ba, nauutal na ako. Kasi naman eh! To the bones ang kilig. Kaya pala lakas makakapit mga naging girlfriends n’ya, ang sweet pala n’yang maging boyfriend eh. Hayy!

“Wag kang mag-alala … Para sakin, ikaw naman ang pinaka magandang tanga …” sabi nya sabay ngiti ng malapad. Labas dimples na naman eh.

Ano daw?! Pinaka magandang tanga? Alam ko may word na tanga pa rin eh, pero pinaka MAGANDA daw?! Bingi na din siguro ako. Haha!

“ANO ulit yun?” ulitin nya dapat. Mahirap na baka mali na naman nasagap ng eardrum ko.

“Bingi ka din eh. Ano ba yan, tanga na nga bingi pa. Hahaha!”

Bwisit! Nadagdagan pa ang panglalait. Tinanong ko pa eh. Wala naman akong napala.

“Bwisit! Tara na nga.” sabi ko sabay tayo. Nakakainis din sweetbones nya, paminsan-minsan lang kung ako ang kasama. Tsk!

Hinabol naman nya ako. Arte ko eh, nauna akong lumabas. Haha! Pag nerd ala na bang right umarte? Nagdadabog pa akong naglakad.

“Hey! Rina ko. Hintay naman.”

Manigas ka jan. MANIGAS ka!

“Uy Babe naman. Wag arte. Di bagay! Ang panget mo.”

Nilingon ko naman siya nun. Quota na siya sa panglalait ha.

“HOY MR. JAKE EVANS! SUMUSOBRA KA NA HA! KAPAL NG NAPAKA POGING MUKHA MO PARA LAITIN AKO!” sinigawan ko siya. Nakakainis na eh. Ay teka lang! Parang may nasabi akong mali, naka ngiti kasi ang mokong.

“HAHAHAHA!” tumawa lang siya sabay hawak sa kanyang t’yan. Umupo siya sa malapit na bench sabay tawa pa rin.

“Saya natin ah. Share naman, di ako maka relate. Paalala ko lang ha, inis ako sayo! Mali ata reaction mo dun!” umuusok na ata ilong ko sa inis.

Umayos lang siya ng upo at nagpunas ng mata. Naluha pa ang gago sa kakatawa.

“Obvious naman sa mukha mo Babe eh. Pero kahit pala galit ka na gwagwapohan ka parin sa akin?”

ANO DAW?! (0___0)

“Paalala ko rin ang sabi mo Babe ha … Sabi mo lang naman na MAKAPAL ANG NAPAKA POGI KO MUKHA! HAHAHA”

“Ang babaw mo. Natuwa ka na nun. Parang araw-araw ka kaya nasasabihan ng ganun.” Sus! Ang tanga ko rin naman palang mag speech. Nasali pa ang gwapo. -___-

“Syempre, iba pa rin kung ikaw na ang nagsabi. Sobrang importante ka kayayour opinion matters most.” Tumayo lang siya at umakbay sa akin.

“Halika na nga Babe.” ninginitaan lang niya ako sabay lakad naka akbay parin naman siya. Parang sinasakal na ako eh.

Nahiya naman ako nun. Sobrang importante daw ako? Ayyee! Patay na naman sa kakiligan nito.

Kung alam mo lang, sobrang importante ka rin Jake! Sobrang sobra na hindi ko na alam ang gagawin sa feelings ko.

Hanggang bestfrinds lang ba talaga ako … until summer ends lang din ba tayong ganito. Kakayanin ko pa bang bumitaw pagkatapos nito. Masayang magmahal ng tulad mo pero kung sakaling bumitaw kana dito sa trip mo …

Handa na ba akong masaktan?

Summer Love  [ON HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon