Chapter 6 - Jealousy

93 5 2
                                        

Almost 1 week din kami sa resort. Sabi ko nga diba kinareer talaga namin ang bakasyon. Nag swimming kami ng bonggang bonga. Nangingitim na nga ako eh. Negra talaga ang labas, hindi na normal na tan lang ‘to.

Hanggang sa beach ay maraming girls ang nagpapansin kay Jake pero since I’m her so called GF, ‘di sila naka points.

“Babe, dito ka muna ha. Rest room lang ako.”

“Sige dalian mo.” Umalis din naman siya agad. Andito ako ngayon sa may isang mini café near the beach.

Ang sarap ng hangin habang naka upo ako sa isang table kaharap ang dagat. Maya maya naman ay may lumapit na lalaki. Kilala ko to eh!

“Hi, Rina. Musta? Mag-isa ka lang ba?”

‘Di ba obvious na ako lang nakaupo dito. Magtatanong pa.

“Anong ginagawa mo dito … Ivan?”

Nakakainis talaga tong lalaki nato. Sa lahat ba naman na pde kong makita. Siya pa talaga. Pag minamalas ka nga naman.

“Haha! Namiss mo ba ako Rina?” Kapal! Bakit ko naman mami miss ang lalaking nangloko sa akin.

Oo! Tama ang basa nyo. Niloko ako ng unggoy nato. Last year, niligawan nya ako. Inuto lang pala ng sobra. Pinagpustahan ng mga gago nyang kaibigan. Buti nalaman ko ng maaga bago pa ako mahulog sa kanya. Binasted ko sya nun. Known siya as player kaya sa pagka basted ko, nasira ang image nya kaya yun pinagkalat pa n’ya na kesyo tomboy daw ako, bad kisser at kung anu ano pa. Bakla!

Mukha nya! Naiinis pa rin ko pag naiisip ko yun. Nasuntok siya ni Jake din nun. Buti buhay pa to ngayon.

“Kapal mo pa rin no? Masyado ka bang bitter sa nangyari?” ngumiti lang ako ng pilit. Sarap sakalin!

“Alam mo namang laro lang yun eh! Tsaka nagbago na ako. Forget the past Rin. Haha! Hindi ka pa rin naka move on?” Pff! Nagbago daw. Nagpapatawa ba to.

“Hindi naman ako interesado sa’yo. Umalis ka na nga. Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo.”

“Ano ka ba! La ka namang kasama eh. Halika ka, samahan mo akong mag enjoy.” kumindat naman siya nun. Pag siya ang kumindat, nakaka bwisit.

Ang kulit. Hindi pa ba obvious na hindi ako interesado. Sasagot na sana ako ng …

“EHEM!”

Pag lingon ko si Jake na pala ang nasa likod. Ang sama ng tingin n’ya kay Ivan.. Uh-uh.

“Bakit ka nandito?” tanong naman n’ya.

“Ah .. eh. Hayaan mo na yan Jake.” nakakatakot naman tumingin to si Jake. Tumayo na lang ako para lumapit sa kanya. Baka mag away pa to.

“Sorry pare. Akala ko mag isa lang si Rina dito eh. Sinamahan ko lang.” nakangisi lang na tumayo si Ivan.

She’s mine.” bigla naman akong inakbayan ni Jake. Ang higpit ha.

“So naging kayo din pala. Hmm?” chismoso din tong unggoy na ito eh. “Well, gonna go. Next time kasi wag mong iwanan Jake. Baka makuha ulit ng iba. Sige ka.” kumindat lang siya at naglakad palayo. Nang aasar ba yun!

“Ah Jake? Masakit na …” para yatang magkaka pasa na ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nya.

“Sorry …” bumitaw naman siya. Nagpipigil talaga siya ng galit kanina pa. Sino ba naman ang hindi ma bubwisit sa mukha ni Ivan.

“Halika kain na tayo.”

Natuwa naman ako dun sa “She’s mine” na sinabi nya. Ayee! Kinilig ako bigla. Pahamak lang talaga yung Ivan na yun. Sana di ko na yun makita pa.

“Okey ka lang?” kanina pa tahimik si Jake eh.

“Ah .. Oo. Wag mo kong pansinin.” ngumiti lang si Jake ng pilit.

“Dahil ba to kay Ivan?”

Hindi siya sumagot. Silence means Yes nga naman.

“Hayaan mo na yun. Panira lang talaga ng araw ang taong yun.” sabi ko para mapagaan ang sitwasyon. Mukhang apektado talaga siya sa presence ng taong yun.

“Bakit mo ba yun kausap kanina?” hala ka. Ayan na namang yang mga mata nya. Kakatakot!

“Eh? Hi-hindi ko na-naman yun kinausap eh.” nauutal tuloy ako. Yumuko na lang ako. Anebeyen!

“Parang natutuwa ka pa ngang kausap siya eh.”

“Ano? Anong nakakatuwa sa mukhang yun?” nasisiraan na ba siya. Ako matutuwa dun. Never!

“Eh bakit naka ngisi yun kanina. Lakas ng loob na balaan ako?”

“Ewan ko. Alam mo namang lakas ng topak nun. Baliw yun eh.” sagot ko naman. Ano bang problema nito ni Jake.

“May gusto kaya yun sayo. Obvious naman na may gusto pa rin sya sayo hanggang ngayon!” medyo napapalakas na boses nya.

“Walang gusto yun sa akin. Alam mo namang pinagpustahan lang nya ako noon.” gusto pa talaga nyang ipa alaala ko sa kanya. Hayy!

“Tsk! Wala talaga akong tiwala sa gagong yun.” ayan nagmumura na sya. Galit nato. Sasakalin ko talaga yung Ivan na yun. Masyadong pang gulo.

“Wala rin naman akong tiwala dun eh.”

Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang tumayo at binagsak ang kamay nya sa mesa.

“Rina! Wag na wag mo na ulit kausapin yung lalaki na yun. Naiintindihan mo?!”

“O-oo. Eh. Kalma lang Jake. Ano bang problema mo?”

“Wala …” kumalma naman na siya ng konti.

“Okey ka lang ba talaga? Bakit affected ka dun sa unggoy na yun. Hayaan mo na kasi.” ang OA na kaya ng reaction nya. Tsk!

Nagseselosako…” ANO daw? Ang bilis naman nyang magsalita.

“Eh? Ano yun?”

SILENCE.

“NAG SESELOS AKO!”

Huwaaat?!

Naka NGANGA lang ako habang minamasdan ang likod ni Jake na papalayo sa akin. Bigla na lang siyang tumakbo after nyang sabihin yun. Ang tagal ko rin naka recover sa gulat.

Totoo ba talaga yun. Nag seselos si Jake kay Ivan? Panaginip lang ba to. Mapisil nga ang sarili ko.

OUCH! Totoo nga! WAAHHH! Pwede na ako mahimatay dito. Ang saya naman. Haha! May napala naman pala ako sa pag sulpot ni Ivan kanina.

Naman eh! …

‘Nag seselos ako…’

‘Nag seselos ako…’

‘Nag seselos ako…’

Unli yata utak ko ngayon. Paulit ulit. Oo na Jake, kaw na ang seloso. :) KYAAA! \\(*0*)//

----------------------------------------------------

A/N:

Pasensya kung a corny Haha! Salamat na din ulit :* I love you ^_^

CHECK OUT IVAN CRUZ AT THE SIDE ~~! :D ANG ANGAS AT GWAPO! 0(^O^)0 -------->>

Dedication nga pala kay @elocinwatty02 for adding my story on her reading list :)

Check out her stories too ^^

Summer Love  [ON HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon