Chapter 10 - Boys Talk

95 4 0
                                        

Jake’s POV

First time akong na threatened ng araw na yun. Ang saya ng start ng laro namin but when I saw Rina with Ivan, parang nagdilim paningin ko. Buti na lang nanalo pa din kami. Galing ko kaya!! ^0^

‘Di ko pa rin nakakalimutan ang ginawang pagpapahiya ng g*gong yun kay Rina noon. Ako lang may karapatang mang trip sa iyakin na yun. Hinding hindi ko hahayaan na may ibang magpaiyak sa kanya.

-____- ang gay ng sinabi ko!!

Mas lalo pa akong nainis ng lumapit siya sa akin after the game. Bulabog lang talaga. Kapal ng mukha nyang sumbatan ako tungkol sa feelings nya kay Rina. Sa katangahan ko naman ay naniwala din ako sa kwento nya.

Champion nga kami mukha naman akong nalugi. Di tuloy kami nakapagcelebrate nina Rina. Panira talaga kahit kailan.

Tiniis ko pa tuloy na ‘di pansinin siya for three straight days. Akalain mo yun, buhay pa ako! Para akong mamamatay sa lungkot. Pinagod ko nga lang sarili ko sa kaka basketball. Pati nga mga ka teammates ko halos maglupasay na sa pagod. Mga weak! ^__^

Kaya dapat bumawi ako kay Rina!! Matawagan nga yung tatlong itlog na yun.

Dialling … dialling.. dialling … *toot* *toot*

Anak ng tupa!! Ano na naman kayang ginagawa ng mga yun! Hindi ba nila alam na bawal dini-deadma ang mga gwapo na tulad ko!! -_____- Nemen!

Ititext ko na lang.. wala akong mapapawala kakatawag sa mga yun. Pachix masyado di naman mga gwapo.

SOS. Tambayan 1pm.

Sent.

Tipid ko mag type. Yaan nyo na. Pogi naman. ^O^v Kay Rina lang naman ako nag-aabala na mag type ng mahaba. Slow yun kaya detailed dapat pag sya. Psh!

Nag ready na ako para makapunta sa tambayan namin. Bugbugin ko talaga mga yun pag wala sila maya.

***

Dala ko kotse ko kaya mabilis lang ako nakadating. Napangiti naman ako ng may tatlong kotse akong naabutan sa labas. Good!!

Pagpasok ko palang binati na ako ng tatlo.

“Boss! Gwapo natin ah!”

“Anong NATIN?? AKO lang kamo!!” sasali pa talaga sila sa kagwapuhan ko.

“Boss naman, wag madamot!*pout*” Pwe! nag pout pa talaga tong si Ken.

“So anong SOS na naman to?”

“Sungit natin Louis ha? Menopause kana tol?” Haha! Kakatawa mukha nya. Inirapan lang ako. Mga bakla ba tong mga kaibigan ko. Yung isa lakas maka pout, heto naman expert sa irap.

“Serious talk boys. Kailangan ko tulong nyo.”

Ikinwento ko naman sa kanila ang tungkol kay Ivan at sa pagbawi ko kay Rina.

“Kaya pala nagpunta sa court si Rina last time. Pakipot ka masyado Jake.” - Louis

“Oo nga. Ang ganda kaya ni Rina, kaw pa tong pahabol. Nahiya nga ako nun. Hot look ako dahil sa pawis.” – Ken

“Wag na wag kayong pupu-porma sa Rina ko! At hindi ka HOT Ken.” >.<

“Psh! Kung maka angkin naman tol. Kaya pala threatened kay Ivan.” - Ken

“Naks! Threatened ka sa unggoy na yun Jake?” kung maka unggoy naman tung si Mike. Mukhang gwapo!

“Kaya nga babawi ako diba?! Wag ka ngang paulit-ulit sa threatened na yan!” -____-

Summer Love  [ON HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon