Chapter 13 - Fallin'

64 3 2
                                    

“Doon tayo Besh!”

Sigh. -___-  Ilang buntong-hininga ko na ba to simula kanina. Tsk. Kung kayo ba naman ang isama ni Trisha sa mall, abay maloloka kayo. Kanina pa kami paikot-ikot dito. Halos pasukan namin lahat ng stores. Kung anu-ano pa ang mga binibili. TAKE NOTE: Tagadala ako.

“Trish! Awat muna besh. Maawa ka.” -.-

“Hihi. Sorry naman. Na-excite lang insan eh.”

“May mall naman doon sa inyo ba’t parang ngayon ka lang nakapasok sa isang shopping centre.”

“Naman. Mas malaki kayo dito. Daming pag-pipilian. Imported pa halos lahat. Galing UK lang naman mostly mga gamit ko.”

“Galing UK? May relatives ba tayo dun?”

“Ay tanga ka din insan. UK, meaning Ukay-Ukay.”

Kung maka tanga naman tong babae na’to. Tsk.

 “Haha! May pa UK-UK ka pa kasi. Hoy imported din kaya yan. Wag mong is-smallin.”

“Oo na po. Ay Besh! Salon tayo tara. Magpa new look ka naman.”

“Huh? Para saan pa?”

“Give Jake some reasons not to let you go.”

Eh? Nagpahila na lang ako sa kanya palayo sa bench at papunta sa isang salon. Kung anu-ano talaga naiisip ng babaeng to. Pero well, a new look won’t hurt. I guess.

Nagpa spa kami muna tapos nagpa facial at pumasok sa isang hair studio.

Pinaupo agad ako ng isang bakla habang si besh ay daldal lang ng daldal sa kanya kung ano ang gagawin sa akin. Based sa narinig ko wala siyang plano na gawing simple ang buhok ko. Ilang oras na naman ako dito uupo. Kabagot!

Suklay-suklay dito. Buhos ng kung anu-ano sa buhok ko. Blower. Hila dito, hila doon. Para yatang matatanggal na sa anit ko ang aking mga buhok. Sumasakit na rin ang ulo ko. ‘Won’t hurt’ my ass. Ang sakit kaya nito.

Three hours. Ghad! Hindi pa tapos??

Si besh naman ay naka-upo lang sa tabi at nagbabasa ng magazine while nagpapa pedicure. Para namang sasali kami sa kung anong pageant nito. Hello? Mag-eenroll lang po kami bukas!! For pete’s sake.

Two days ko na ring kasama si Trisha sa bahay at well hindi ko ipagkakaila na naging maganda ang mga araw na yun. Hindi ko man lang naisip na wala pala si Jake for four days now. Musta na kaya yun …

“Tapos na po!”

Nagulat na lang ako ng biglang nag salita ang baklang nag-aayos sa akin. Sa wakas tapos na raw. Tumayo ako at pinagpag ang sarili. Dahan-dahan din akong humarap sa salamin.

WOW. Ako ba’to?

“Besh! Ang ganda mo lalo!” nakita ko si Besh na nakangising nakaharap din sa salamin.

Ghad! Hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko pero pwera biro, ang ganda ko nga. Ngayon ko lang to napansin, may igaganda pa pala ako. Haha!

Biglang nagkabuhay ang buhok kong buhaghag. Light brown na ang hair color at mas lighter ang sa highlights. May konting waves din sa dulo. Nagmukha na akong tao. Nag transform talaga!

Ilang sandali ko ring pinanuod ang ayos ko sa harap ng mirror.

“Besh! Uwi na tayo. May salamin din naman sa inyo. Haha.”

Hinila na lang ako ni Trisha palabas ng salon pagkatapos naming magbayad at magpasalamat sa kanila doon.

“I’m excited to see Jake’s reaction.” – Trisha

Summer Love  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon