Chapter 1.1 - Bubble Gum Prince

737 13 0
                                    

Chapter 1.1

“Pass your papers, pass your papers.. quiet please. Quiet please” kanta ng klase habang pinapasa yung mga papel ng mga kaklase kong naglalaman ng mga bagsak na scores sa quiz… -____-

“Ang corny talaga nung kanta.” Sabi ko.

“Hayaan mo na, ipasa mo na lang kasi…” sabi nung katabi ko.

“Okay fine.” At pinasa ko  yung papel ko. Summer class ko ngayon. Hindi ako bumagsak at lalong hindi ako repeater. E trip ko lang pumasok kasi wala naman akong ginagawa pag summer. Kasama ko yung kaibigan kong si Jess. Siya yung kelangaang magsummer class. Napakasipag nya kasing mag-aral. At ako?? Bakit ako pinayagang mag-enrol?? Syempre! Ako pa!! Nagmakaawa ako na papasukin nila ako.. ang sinabi ko pa…

“Para po madagdagan ang aking kaalaman at hindi mawala ang mga pinag-aralan ko sa loob ng isang taon.. Sana po payagan nyo ako na mag-enrol ngayon sa summer class nyo. Promise po! Hindi po ako magiging pasaway!” shemayy. Nakakahiya ako. With matching pacute eyes pa yan ah! >.<

Ang panget ko talaga nyan…

“Ah oo nga pala class.” Biglang salita nung prof namin habang inaayos yung mga papel na hawak nya.

“Ano po yon sir?” sabay-sabay na tugon ng mga kaklase ko.

“May bago kayong classmate. Medyo nahuli siya ng pag-enroll.” Sabi ni Sir. “Hindi nyo pa siya nakikita ditto sa campus dahil kadarating lang nya from Australia.

May biglang nagbukas ng pinto….

Hindi nya binuksan gamit ang kamay…

Halata naman eh..

Ginamit nya yung paa. Kasi nakataas pa yung paa nya nung saktong pagbukas nung pinto.

“Matagal ka pa ba dyang magsasalitang matanda ka??” bulyaw nya dun sa professor.

“Ahh. Mr. Faustino, narito ka na pala.” Gulat na sabi nung prof naming nanginginig na sa takot. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa lalaking to. E mukhang napakalakas nya??

“Tssk. Hindi mo ba alam? Kanina pa ako pasilip-silip ditto sa room na to pero hindi mo man lang ako pinapapasok??” reklamo nung bagong estudyante.

Hindi ko maaninag masyado yung mukha nya kasi malayo ako sa pintuan… nasa dulo kasi ako eh.. -_- pero ang lalim nung boses nya.. Nakakatakot..

“Sorry po mr. Faustino..” bakit parang sobra na naman ata yung takot nitong prof sa kanya?? O.o

“San ako uupo?” biglang naglakad papasok ng classroom yung Mr. Faustino…

“Shet! Ang gwapo!!”

“Oo nga! Ang cool pa!”

“Mukhang mayaman! Tignan mo Luis Vitton ang bag!”

“Shet. Tas yung hair nya… Color BLUE!!’’

What?? Color blue nga yung hair nya!! Ano yan Bubble gum??? And speaking of bubble gum…. Kumakain siya ngayon ng bubble gum.. TToTT

Mukha siyang gangster. Ayoko ng ganyang kaklase…

“Miss Erika!!”

“Ay Mukhang kabayo!!” nagulat ako dun sa tawag nung prof ko sa pangalan ko.

“Bakit po sir??” tanong ko sa kanya.

“Bakante ba yang upuan mo sa likod??” tanong nya sa akin..

Ano to?? Bakit nya tinatanong??

“Ahh. Opo sir.  Wala pong nakaupo ditto sa likuran ko.” Sambit ko.

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon