Chapter 4.4 Always Be Mine

212 4 2
                                    

Chapter 4.4

“Ate, anong oras pupunta si kuya Dennis dito?” wow ah. Maka- kuya?

“Hindi ko alam. Bakit ba?” para kasing atat na atat sya eh.

“Sabi kasi nya, bibigyan daw nya ako ng gitara!” oh? Bakit sa kanya galante si Dennis? Sa akin hindi? ANDAYA talaga nung dragon na yon!

“Walang dala yon! Sige na! umakyat ka na dun sa kwarto mo.”

“Ate naman eh! Hihintayin ko pa si kuya.” Sabi nya.

“Anong hintay-hintay? Di uso yong hintay-hintay!”

“Ahh ate.” Tumigil sya sa paglalakad.

“Oh?”

“Ano.. Sorry.”

“Sorry saan?” tanong ko.

“Sorry dun sa mga sinabi ko sayo dati. Yung kisame sya at ikaw yung sahig. Sorry talaga.” Sabi nya.

“Hahaha! Ano ka ba?! Tama ka naman eh. Nagkataon lang na lumindol ng malakas kaya nagmeet ang kisame at ang sahig.” Sabi ko.

Ngumiti lang siya at pumasok ng pinto.

Kung nagtataka kayo kung ano talaga ang nangyari sa amin ni Dennis. Ganto kasi yon, dating na kami for one year. Hehe. Hindi na ko sumasama sa club noh, dahil siguradong sapok ang aabutin ko dun. Pinalayo na din nila ako kay Steph. Harmful daw masyado.

Hehe. At kung pano naging kami??

*flashback starts here*

Pupunta ba ako o hindi? Takte naman oh! Ayaw kumalma ng puso ko. Nagpapanic ako. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang yung dating hinahangaan ko lang, e may gusto na sa akin. Agad-agad? Hahahaha! Hindi ko alam kung bakit, kasi parang Malabo naman sa akin. Una, tinawag nya akong careless. Susunod, hindi nya pinansin nung sinabi ni Mikoy na si Dennis yung nasa baller ko. Tapos isa pa, nung hinatid nya ako, nung sinabi nya sa aking , mukha akong tanga. Ang labo eh. Hindi ko maintindihan.

Sige, para maklaro ang lahat, naglakad ako papunta sa backstage.

Nandun yung mga guards.

“Sino po kailangan nila?” tanong nung guard.

“ako si Abegail.” Sabi ko.

“Sigurado po ba kayo? ID po.” Lintek na guard to! Sino kayang makakaisip na magdala ng ID para lang papasukin sa backstage? Ahh. Oo kilala ko, si Steph yon. Tss.

“Pano yun? Wala kong dalang ID.”

“Sorry po mam, pero hindi po kami nagpapapasok ng hindi kilala.” Letcheng guard to.

“EHEM. Excuse me, papasukin mo ang ating leading lady, hinihintay na siya ng ating prince charming.” Nakatayo sa likod nung guard si James at nakasandal siya sa may ding-ding. Wow, ano to? Photoshoot? HAHAHAHA!

“Ahh. Kayo po pala.” Sabi nung guard.

“tara na!” yaya sa akin ni James.

Naglakad ako ng dirediretso. Yes, pinapasok ako nung guard.

“Ano sabi sayo nung guard?” –James

“nanghihingi ng ID.” Sagot ko.

“HAHAHAHA! Buti na lang pala pinuntahan kita. Kung hindi, nakoww! Mamamatay na yung si Leader. Alam mo bang nangangatog sya kanina sa stage. Hahahaha! At ayun, kinakabahan ata. Hinihintay ka sa may hagdan!” tinulak ako ni James padiretso dun sa way sa may hagdan.

“Adios!” nagwave siya sa akin at umalis.

Ghad… eto na yon..

Nandito ka lang naman para klaruhin ang lahat di ba? Hehe. Kaya mo yan Abby, Hwaiting!

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon