Chapter 1.3
Hindi ako makagetover dun sa bubble gum na nilagay ni TOP.. Peste siya…… Inaabangan ko siya ngayon sa classroom.
“Mamatay ka nang lalaki ka!!!!” binabantaan ko siya na wag na siyang makapasok-pasok sa classroom kung hindi matitikman na nya ang matagal ko nang gustong ipatikim sa kanya!!!!
May nagbukas ng pintuan.
Si TOP…. Naglalakad na siya papunta dun sa kanyang upuan. Tumayo na ako para abangan siya. Wala akong pakealam kung sobrang tangkad ba nya o hindi! Basta… kaya ko siya!! Pagkatapos ng mga ginawa nya…. TSSSS……. Sirang sira talaga araw ko. Hindi ko nga alam gagawin ko nun eh. Kung paano ako sasakay sa jeep.. kung paano ako uupo sa tricycle at kung paano ako maglalakad! Takteng bubble gum yan!!!
“What?” At siya pa tong nagtatanong sa akin ngayon??? GAG* DIN PALA TO EH!!! BASTARD TALAGA!! AISSSHHH!!!
“Anong What what ka dyan???!!! Sapak gusto mo??” Buwisit talaga!!!!!
“Sapak for what??”
“Tinatanong pa ba yon??” itinaas ko yung kanang kamao ko at sumuntok. Pero nailagan nya kaagad yun.
“Bakit ba?” sumuntok naman ako sa kaliwa at nakaiwas pa din siya. Tsk. Mabilis din pala tong lalaking to.
“Hindi mo pa ba alam??” tanong ko sa kanya sabay suntok sa kanan pero nailagan pa rin nya. Sumuntok ako sa kaliwa pero nakaiwas siya.. Sumuntok ulit ako sa kaliwa… pero.. Nahawakan nya yung kamay ko…
“What’s wrong???!!” nakakunot yung noo nya habang hawak hawak yung kamao ko.
“What’s wrong??!! ETO!!!!”medyo bumwelo ako ng kaunti at sinipa siya sa kanyang mahiwagang “crotch” Saktong sakto.. Tinodo ko talaga yon..
Nabitawan nya yung kamao ko at napaluhod siya.
“Buti nga sayo!! Matagal ko na dapat ginawa yan, at ngayon ko lang natuloy.” Sabi ko sa kanya.
“Sh*T!!!! OUCH!!!” sigaw nya.
“Dapat lang sayo yan!!! Para magtino ka na!!! Nakakainis ka na! Akala mo ba hirap na hirap ako nung araw na yon. Favorite pants ko pa yung dinumihan mo. Hindi ko na matanggal yung bubble gum kaya tinapon ko!! Tapos nung papauwi ako alam mo bang hirap na hirap akong umupo sa jeep at tricycle!!! Nakakainis ka!!!!” sinabi ko na sa kanya ang lahat ng dahilan kung bakit ko ginawa sa kanya yon! Sana naman magtino na siya!!!
“Ohh. I didn’t mean to… Hindi ko sinasadya yon.. Ouch!!! Sh*T!!” dahan-dahan siyang tumayo, Nakakapit siya sa upuan, mukhang matindi talaga yung sipa kong yun.
“Anong hindi mo sinasadya!! E upakan pa kita dyan??? Gusto mo!!!!??”
“Chill. Yun nga dapat kasi ang sasabihin ko sayo kahapon eh. Kaso natakot ako.”
Siya?? Matatakot?? Sa akin?? Bakit?? Para saan??
“Takot for what??” tanong ko.
“Baka kasi magalit ka sa akin.” Sabi nya.
Huh?? Ayaw nyang magagalit ako sa kanya?? Bakit kaya? O.o
“Hahahahahaha!! Takot ka sa akin??” tanong ko.
“Hindi sa ganon!!!” dahan dahan siyang pumunta sa pwesto nya at umupo.
“ E ano ba??”
“Just leave me alone.” Parang matindi talaga yung pagkasipa ko… Namimilipit siya sa sakit at nakayuko na sa desk nya.. Namumula yung mukha nya…
Holoooo!!! Masama ata to!!!
Nasobrahan ba yung pagkakasipa ko sa kanya???
“Okay ka lang?” kinalabit ko siya sa balikat… hindi siya kumikibo..

BINABASA MO ANG
Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]
HumorBOYS IN SUMMER~~~SHORT STORIES COMPILATION by Me. "Five boys with five different stories to tell." ~enjoy reading ;) Old book Cover by: EmiajNoiramMaj