Chapter 3.2 My Boyfriend is a Turtle Lover

234 4 0
                                    

Chapter 3.2

Habang kumakain kami sa restaurant

“Naalala ko yung PE teacher natin nun, nakakatawa nung ginagaya nya si many pacquiao, kulang na lang e magkabigote siya. HAHAHAHAHA!” –Mark

“Oo nga eh! Tas yung kaklase natin nun tumayo pa at nag-ala Marquez!”

“Nagsparring sila dun sa flatform!!”

“At take note!! Napagalitan tayo nun nung professor sa kabilang klase kasi sobrang ingay daw natin.” Dagdag ko.

“HAHAHAHA! Oo nga. Nasuspend pa ata si sir nun eh.”

“Nasuspend ba?”

“Oo. Kaya nga nawalan tayo ng klase nun eh.” –Mark.

“Hahaha. Haay. Nakakatuwang balikan yung mga nangyari dati. Andaming kalokohan eh!”

“kamusta na kaya si Ddangkoma? Pati sila Tony, Zho at Riez? Napakain na kaya sila?” eto na naman, siningit na naman nya yung mga alaga nya.

“Okay lang yon. Baka nakakain na yon. Wag ka mag-alala masyado.”

“E kasi, matamlay si Zho ngayon eh. Tapos yung si Ry at Camz naman eh parehong hindi pa lumalabas dun sa bahay nila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.”

“Okay lang yan. Kaya ng mga alaga mo yan.” Hindi ko alam ang isasagot ko. Di ba dapat, usapan naming dalawa to? Bakit kailangang isingit lagi yung mga alaga nya? Hindi ba pwedeng hindi nya banggitin yung mga alaga nya?? Nakakainis na ah! Totoo nga ata yung sinasabi ni Jamille, yung weird nga tong boyfriend ko. For 2 years, hindi ko man lang napansin na puro kahayupan na lang ang mga pinag-uusapan namin. Geez.

“Nako, hindi ko pa pala napapaliguan si Vivz.” Dagdag nya.

“SHUT UP!! PWEDE BA?! KAHIT MINSAN NAMAN, WAG MONG ISIPIN YANG MGA ALAGA MO?! WALANG ARAW NA HINDI MO SILA NABANGGIT SA AKIN EH. MAS HALATA PANG NAG-AALALA KA SA KANILA KAYSA SA AKIN?!! YUNG BUONG ATENSYON MO AY NASA KANILA AT NI KATITING ATA EH WALA MAN LANG NATIRA PARA SA AKIN. SIGE. MAGSAMA-SAMA KAYO NG MGA ALAGA MO! YANG PAGONG MO! PAKAININ MO NA. DAHIL MULA NGAYON, BREAK NA TAYO! GIRLFRIENIN MO YANG MGA ALAGA MO AT MAGPARAMI KAYO!!” and that’s how it ends.

Yung 2 years na relationship with him…. Ended.

Ng dahil sa mga alagang yon.

Hindi ko na matiis eh.

Lahat na ata ginawa ko, pero hindi ko talaga magets kung bakit puro hayop na lang ang pinag-uusapan namin. Nakakasawa din noh??!!

Pero yung  2 years na yon, napasaya nya ako. Ni minsan hindi nya ako pinaiyak. Well, except lang siguro nung pikon na pikon ako nung nakipag-break ako sa kanya. -__________-

“ANO? BREAK NA KAYO??” gulat na tanong ni Jamille.

“yah. Di ba ito naman ang gusto mo? Nakipagbreak na ako dun sa weirdong animal lover na yon.” Sagot ko habang nakatulala sa lecture namin.

“Hindi naman sa ganon, pero friend, sayang yung 2 years. Pero okay lang yan! At least di ba, natauhan ka na din sa wakas!”

“Jam, hindi ko alam kung dapat bang magdiwang o hindi eh.” Yumuko na lang ako sa mesa ko.

“Haay… Sabagay… Mukha naman kasing mahal na mahal nyo ang isa’t-isa kahit ganun…”  hinihimas-himas nya yung likod ko.

After 4 years…

“Let’s end this up.” Sabi ko.

“K fine. Kung gusto mo eh.” Tumayo siya sa harapan ko at umalis.

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon