Chapter 5.1
Malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin dito sa dinadaanan ko ngayon, at bukod pa don, sobrang dilim. Buti na nga lang at may baon akong flash light. Kasi naman eh, si mama, gusto dito kami lumipat, sinabi ko nang nakakatakot sa lugar na to lalo na kapag gabi, pero mapilit. Crush ata ni mama yung barangay captain , -___-. Palibhasa sumakabilang bahay si papa. At ayon, nag-eenjoy siya kasama yung kanyang mistress na lumolobo na yung tyan.
Tumataas na yung balahibo ko sa sobrang lamig. Feeling ko, maraming mata ang nakatingin sa akin ngayon. Buti na lang at may tindahan akong natatanaw dun sa may kanto, may ilaw at bukas pa.
Tinignan ko yung relo ko kung anong oras na. 9pm pa lang pala pero ubod na ng dilim. Bakit kasi hindi uso ang streetlights sa lugar na to?
*Screeetttchhhh*
Napalingon ako sa likod ko nung may marinig akong gumagalaw dun sa may talahiban. Tinapatan ko ng flash light yung lugar na yon, pero wala akong nakita. Lumakas ang tibok ng puso ko. Lalong nagtaasan ang mga balahibo ko. Nakakakilabot.
Hindi ko maikilos yung mga paa ko. Paglingon ko kaya sa likod e may bigla na lang sasaksak sa akin at dalhin ako sa talahiban para patayin ako’t pagsamantalahan? Wag naman sana…
Sinubukan kong iangat yung kanang paa ko at umurong ako ng kaunti..
*twick!!
“Ay!” tss. Nakatapak lang pala ako ng sanga ng puno. WOW. Horror film ba to? O////O
Dahan dahan akong humarap papunta dun sa may kanto.
“Miss.”
“AY!! KABAYONGPATINGNAMAY BUTASANGPWIT!!” Napakapit ako sa braso ko at sumigaw ng malakas.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!”
“Okay ka lang? Tinatakot mo masyado sarili mo.” Sabi nung lalaking nasa harap ko.
“HA?” medyo naalimpungatan na ako. Hindi naman pala siya harmful. Hehehe. Infairness, gwapo pa. Pero syempre, kelangan ko mag-ingat. Bago pa lang ako sa lugar na to at hindi ko pa gano kakilala ang mga taong nakatira dito.
“Sorry kung nagulat kita. Ngayon lang kita nakita dito ah. Bagong lipat?” tanong nya.
“Ahh. Oo eh. Taga dito ka ba?” tanong ko.
“Oo. Kakalipat ko lang din, dyan lang ako sa may kanto.” ^____^ ang cute ng smile nya.
“Ahh. Sige. Alis na ako.” Naglakad ako paalis.
“Teka!” narinig kong sigaw nya. Lumingon ako at hawak nya yung flash light ko. Oo nga pala! Nabitawan ko ata yon nung nagsisisigaw ako kanina. Hehe.
“Ay! Sorry.” Naglakad ako palapit at kinuha yung flash light.
“Akala ko ibibigay mo na sa akin eh. Nalimutan mong pulutin.” Nagsmile na naman siya. May dimple sya!! WAAAAAHHH!!!!! >///////////////<
Kalma Mayla, Kalma!!! Gabing-gabi na, lumalandi ka pa!!! CHILL. HOHOHOHOHO!
“Ahh. Sige, alis na ako.”
“Wait.” Hinawakan nya yung braso ko. WAAAAAHHHH!! >/////< wag malandi Mayla. HINDI KO NA PO PINAGSISISIHAN ANG PAGLIPAT NAMIN DITO! ^___^ NAKAHANAP NA AKO NG GWAPOOOO!! HAHAHAHA. Ang pungay ng mga mata nya, tas ang kinis kinis. Tas yung buhok nya… parang ang lambot. Alam mo yung lahat ata ng hairstyle e bagay sa kanya. Geez. Nakasuot siya ng longsleeves na shirt na color gray na medyo fit sa kanya. >////
Napakaswerte mo talaga Mayla!!! Ang bait talaga ni mama at dito pa talaga kami sa lugar na to lumipat. I think, nahanap ko na ang Soulmate ko! YES! ^___^
BINABASA MO ANG
Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]
HumorBOYS IN SUMMER~~~SHORT STORIES COMPILATION by Me. "Five boys with five different stories to tell." ~enjoy reading ;) Old book Cover by: EmiajNoiramMaj