Chapter 5.4
“Sandali lang!!!” pilit kong sigaw. Nanghihina na ang mga tuhod ko. Nandun si Mayla sa sulok, umiiyak… Ayokong nakikita siyang umiiyak…
“SANDALI LANG SABI! KAILANGAN KONG KAUSAPIN SI MAYLA!!!” sigaw ko.
“Teka. May sasabihin daw siya.” Pinigilan nung kapitan yung mga tanod.
“Mayla…”
Napatayo siya.. hindi siya lumalapit.. alam ko, galit siya sakin. Kinamumuhian nya ako. Namamaga yung mga mata nya. Gusto kong punasan yon pero hindi ko magawa.
“Mayla, nung nagkita tayo.. *coughs* sa may talahiban nun, binalak din kitang patayin. Pero hindi ko nagawa… hindi ko alam kung himala ba yon o kung ano…. Kaya nung pangalawa din nating pagkikita.. sinubukan kitang patayin nun, pero hindi ko ulit nagawa. Parang may pumipigil sa akin.. hindi ko alam… pero gusto ko lang sabihin na MAHAL KITA.”
Umagos ulit ang luha nya, “Pero kung mahal mo ako? Bakit mo kailangan patayin ang kapatid ko?” tanong nya sa akin..
Yumuko na lang ako…
Patawad. Hindi ko kaagad inamin sayo…..
“Patawarin mo ako…..” yan lang ang huling lumabas sa bibig ko.. tumulo ang luha ko, sana ay mapatawad nya ako.
*Coughs*
Lumabas ang maraming dugo mula sa bibig ko.
Nakita ko siyang tumakbo papalapit sa akin.
“Wag.. wag kang mawawala…” sabi nya. Niyakap nya ako ng mahigpit..
Tinignan ko lang siya….
Hinawakan ko yung mukha nya.. at hinawakan naman nya yung kamay ko.
Hinalikan nya ako sa noo, “Wag kang mawawala ah…bakit?? Bakit ,mo ba kasi to nagawa??!!!”
Nagsimulang manlabo ang paningin ko… eto na
.. eto na siguro ang katapusan ko.
.. ang paghihirap ko, matatapos na din
… maraming salamat sayo Mayla.
[Mayla’s POV]
Five years ago, may nakilala akong lalaki, feeling ko siya na yung lalaking mamahalin ko panghabang buhay… pero… hindi pala. Sya din ang papatay sa kapatid ko… pero alam nyo, matagal ko na siyang napatawad. Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kaya?
Nilagay ko yung bulaklak sa tapat ng puntod ng kapatid ko. Pati na rin sa kanya. Magkatabi lang sila ng libingan. Dahil walang magpapalibing kay Harvey, ako na lang mismo ang nagvolunteer na sa tabi na lang siya ng kapatid ko ihimlay.
Maaaring napakalungkot ng mga pangyayari, pero yun na eh. Wala na akong magagawa.
Nagulat ako nung may lalaking naglagay ng bulaklak sa puntod ni Harvey.
“Si—si—sino ka?” tanong ko dun sa lalaki. Kamukhang kamukha nya si Harvey. para silang pinagbiyak na buko.
“E ikaw sino ka?” tanong nya.
“Ako si Mayla, nagpalibing sa kanya.” Sagot ko.
“Ahh. Ikaw pala yung nagustuhan ni kuya! *tinignan nya ako mula ulo hanggang paa* Salamat nga pala, salamat sa pagpapalibing mo sa kuya ko.”
Grabe ah! -__________- di naman ako panget ah! Maayos naman damit ko. -______-
"Wala yon." nakakainis bakit ganun siya makatingin?? Kinikilig ako! Ano ba yan??!! Magkamukhang magkamukha kasi talaga sila eh! Masbata lang to ng onti tignan. >///////<
"Type ka ni kuya? HAHAHAHAHA! Si kuya talaga oh!" tumingin siya dun sa puntod ng kuya nya, "Ano ba yan kuya, parang parehas tayo ng type ah! Magkapatid nga tayo! HAHAHAHAHA!"
>/////////////////////////< -ako
Teka... Kuya??
“Kuya?”
“Oo. Kapatid nya ako. Matagal ko na siyang hinahanap, kung saan saang lugar na ako napunta at nabalitaan ko ang nangyari sa inyo. Pinatay din nya si mama noon. May sakit kasi si kuya eh… dati lagi siyang sinasaktan ni mama, pero wala akong magawa dahil nga ang bata ko pa. Pinagsabihan din ako ni mama na wag lalapit kay kuya kasi baka daw bigla na lang akong patayin ni kuya. Nung una, hindi ko naiintindihan kung ano ba yung sinasabi ni mama. Pero mula nung umalis siya sa amin, nag-aral akong mabuti, at eto, nag-aaral ako ng medisina, lubusan ko nang naintindihan yung sakit ni kuya.”
“May sakit siya?” laking gulat ko.
“Oo. Hehe. Masyadong teknikal kung ipapaliwanag ko pa sayo.” Ngumiti lang siya sa akin.
Sumagi bigla sa isip ko yung itsura ng kuya nya nung una kaming magkita, yung ngiting yon, yun yung nakapagpakalma sa akin.
Tumalikod na siya at papasok na sana ng sasakyan.
“Sandali!” tawag ko. Tumigil siya ng paglalakad at lumingon.
“Pareho kayo ng ngiti ng kuya mo.” At ngumiti ako sa kanya.
Tumaas yung kilay nya at ngumiti din sa akin… sabay sabing,
"Wag ka mag-alala, ako papalit kay kuya! Aalagaan kita para sa kanya." Medyo umangat yung balahibo ko dun sa mga sinabi nya na may halong kilig.. Nakikita ko kasi sa kanya yung kuya nya eh.. HAHAHAHA! Hibang ka na talaga Mayla!
^O^
End.
Author’s note:
EHEHEHE! MAYLA! SORRY HINDI MASYADONG HAPPY ENDING TO! PERO SANA NAMAN DI BA? NAFEEL MO YUNG KILIG? HAHAHAHA! JOKE LANG! ^^ okay lang yan Mayla. Kinareer ko eh! Dyaka para kakaiba diba? Di bale, at least kayo ni JOONG KI ang pinartner ko noh! DYAKA MAY SASALO PA SAYO, ISA PANG SONG JOONG KI! HAHAHAHAHA! Pag nagkita tayo, saka nyo na ako patayin ah! HAHAHAHA! Joke. Ayun lang! ^^
BINABASA MO ANG
Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]
HumorBOYS IN SUMMER~~~SHORT STORIES COMPILATION by Me. "Five boys with five different stories to tell." ~enjoy reading ;) Old book Cover by: EmiajNoiramMaj