Chapter 4.3 Always Be Mine

231 4 0
                                    

Chapter 4.3

3 days after

“ATE! Si Dennis Greiv ba talaga yon???!!” bungad sa akin ni Glen.

“WOW! 3 days after, saka mo lang naitanong yan! Ang galing mo talaga!” bati ko sa kanya.

“AWW. Grabe! Ngayon ko lang kasi naalala eh! Nung pagpasok kasi natin nun sa bahay, nakatulog na ako.”

“Oo. Tapos napanaginipan mo si Mr. Krabs at Sandy na kinasal? Ganon? Tss. Si Dennis yon! At sila mismo ang naghatid sa ate mo pauwi ng bahay! WIEEEE!!!” oo, three days na nga, pero hindi pa din ako makaget-over sa mga nangyari. Si Dennis? Hinatid ako sa bahay? WIEEE!!! ^////^ syempre, kineep ko na yung promise na hindi ako magkukwento sa fans club. After nung naikwento sa akin nila Lemuel na kissing monster pala tong si Steph. Tsssk. -________-

At ang pinaka-hindi ko malilimutan, e yung tinawag ako ni Dennis na careless, at tanga! Hehe. Puro negative man, pero ang saya-saya ko! Pero. Nakakahiya talaga. -_-

“Hayy. Kinikilig ka na naman ate.” Umupo na naman siya sa sofa at nanuod ng Spongebob.

“Ako na! ako na talaga!!!!” haay. Parang panaginip na natupad. Ang sarap balik-balikan!!! ^O^

[James POV]

Baka nagtataka kayo, kung bakit ako lagi ang may POV. Hehe. Wag kayo mag-alala, si Dennis pa din ang bida. Sadya lang masmaganda akong magkwento kaysa sa kanya. ^^

Napansin ko nitong mga nakaraang araw, si leader, hindi masyadong lumalabas ng kwarto nya. Tinanong ko sila Henry kung bakit. Ang sagot nila, “In a state of guns and roses ang leader natin.” Tapos nun, tatawa lang sila.

Takte. Hindi ko sila maintindihan. Ano naman yung guns and roses na yon? E ang alam ko, banda yun eh.

Pwes, aalamin ko ng ako lang mag-isa. Magiging detective conan muna ako. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto nya. Una ,hindi muna ko sumilip. Mahahalata eh. Papakinggan ko muna.

“lalalala” oy. Kumakanta si leader.

“tss. Mali!” narinig kong nagcrumple sya ng papel at. “Aw!” napahawak ako sa ulo ko. Sa akin nya nabato yung papel.

“Sino yan?” tanong nya. LAGOT! Wag ka magpapahuli Conan!

Tumahimik lang ako at nagtago. Patuloy akong nakinig sa ginagawa nya.

Ayon naman pala, nagkocompose sya ng kanta. Tss. Un lang pala yung sinasabi nilang “guns and roses” tss. Andami nilang alam ah!

“Huy. Ano ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Mikoy.

“shh. Nakikinig ako.”- ako.

“Ahh. Inlove yang si leader. Nung isang araw pa hindi mapakali yan eh!” bulong sa akin ni Mikoy. Nakiupo din sya at nakikinig.

“Oh? Panong inlove?” tanong ko.

“E. base sa mga nakikita namin na kinikilos nya, inlove yan!”

“Kanino? Dun bas a Nicole?”

“Shongak! Hindi nya papatulan yung Nicole noh! May suspect na kami eh.”  Napahawak sya sa baba nya.

“Oh. E sino?” nako, naunahan na pala ako nitong mga mokong nato.

“Hinuhulaan pa namin. Hehe. No clue pa din eh. Kasi si Nicole lang ang nalilink sa kanya eh.e alam naman nating diring-diri sya dun sa babaeng yon. Alangan namang yung fan na nakisakay sa sasakyan natin yung…wait.??!! (Nagbago yung  aura ni Mikoy at parang may naiisip na siya na kung ano) Hindi kaya?? Dun sa babaeng…kay Abby?”

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon