Chapter 1.4
Bastos na TOP yan. Hindi na siya pumasok recently.. Andami na nyang absent!! Ay nako!! Mamamatay na talaga yan kapag nakita ko pa siya!!! Sobra sobra na!!!!
“Guys!! Nasa tv si Blue hair!!” sigaw nung isa naming kaklase.
Nagtakbuhan ang mga kaklase ko para mapanood kung ano yung mga nangyayari… At ako, hindi naman ako tumakbo, naglakad lang para Makita kung ano yung meron… yung meron dun sa pervert Egg na yon.
“Sinasabing ikaw na daw ang magmamana ng company nyo sa Australia tama ba?” tanong nung news reporter
“Yeah. Mga 2 years from now. I’ll be the CEO of the company. Mula nung mawala si dad, si Mommy na yung humawak ng company. And she told me that ako na nga daw yung mag-take over sa position nya as a CEO dahil ako lang din naman ang one and only son nila. Si mommy pa din naman ang president, ayaw na nyang humawak ng CEO position kasi doble-doble na kapag ganun.” Sagot ni Top. And so, mayaman nga siya…
Mayamang pervert!! Tsk.
Tumalikod ako at maglalakad na sana pabalik ng classroom. Ayokong maging walang kwenta ang araw ko dahil sa kakakinig dyan sa walang kwentang interview ni TOP.
“About your engagement?? How was it??” Biglang sumikip yung dibdib ko nung narinig ko yon. Hindi ko alam kung bakit…. Hindi ko naman siya gusto!!! >.< Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko tinitignan yung screen. Nakatalikod lang ako.. Eto na naman ako. Ang reyna ng Sexy Back! Asar.
“Engagement? Hahaha. Hindi pa nya alam eh. Sasabihin ko pa lang sa kanya. Hahaha!” Tss. Baliw talaga tong lalaking to. Hindi nya alam yung mga salitang ganon kasi hindi siya handang maging committed. Tsk.
“So who’s the lucky girl? Pahingi naman ng clue? Kasi alam kong maraming nagkakandarapang kababaihan say o.” Malanding reporter! Sarap upakan!!!
“Ako kaya yon?”
“Wag kang mangarap! Sa akin yon!”
“Mga baliw. Mangarap na lang kayo forever!”
“Oo nga. Parang nakausap kayo nyang si Top ah!”
“Tss. Hindi naman kasi namamansin yang lalaking yan eh. Tas may pa engage-engage pa siyang nalalaman!” reklamo nung babae. Totoo naman eh! Walang alam yang Top na yan. Puro landi!! Tsk.
Makalayas na nga!! Takte..
“Ang totoo nyan. Ayaw nya sa akin. Inis na inis siya. Lagi nga nya akong sinisigawan eh. Haha. Lagi ko siyang inaasar. Gamit yung bubble gum. Mabait siya, kaso parang high blood lagi. Pero wala yon sa akin. Nagalit siya sa akin nitong huli, dahil akala nya sinadya kong maglagay ng bubble gum sa upuan nya, pero hindi ko talaga sinasadya yon., nang dahil sa akin, natapon nya yung pinakapaborito nyang pantalon. Kung nakikinig ka, siguro alam mo na ngayon….”
“Ahahaha. Andami nyong naikwento sir. Ang sabi ko clue lang. pero talagang sinabi nyo na ah. Hahaha! Napakaswerte naman po ng mapapangasawa nyo….”
Anong sinabi nya??
Bubble gum??
Pantalon???
Ako ba yon???
Away???
Parang……
Ano ba to??? Kinikilig ba ako?? Bakit parang kinikilabutan ako sa mga sinasabi nya.. Hindi yung kilabot na nandidiri ako.. yung Kilig?? Alam mo yung?? Parang sinabihan ka ng lalaking mahal mo na mahal ka nya for 100000000 times?? Ganon yung feeling eh… Yung parang nasa langit ka… Pero siya?? Magugustuhan ko??? O.o Ang labo kaya!!!
BINABASA MO ANG
Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]
HumorBOYS IN SUMMER~~~SHORT STORIES COMPILATION by Me. "Five boys with five different stories to tell." ~enjoy reading ;) Old book Cover by: EmiajNoiramMaj