Chapter 2.2
“Sino ka??” may naririnig akong kumakalabit sa akin.. Ang sarap-sarap ng tulog ko, iniistorbo ako. >///<
Iniangat ko yung ulo ko…
“Ano bang problema? Wag mo akong gisingin. Puyat ako!!!” reklamo ko sabay yuko ulit. Unti-unti kong pinikit ang aking mata…
Huh??
Nandito ba si Xyrene??
E kaaalis lang nya kagabi ah!!!
May kumakalabit na naman sa akin.
ISTORBO!!!
“Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Sino ka??” tanong nya sa kin…
O.o
Boses lalaki.
TOKWA! NAGISING NA SIYA!!!! ^O^
Napabangon ako kaagad at ngumiti. Ibig sabihin, mababawasan na yung singil sa akin kasi gising na siya. Masmapapabilis ang pag-alis namin dito sa ospital. YES! ^O^
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nya sa akin.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong kung bakit ka napadpad sa bakuran ng bahay ko?” >__<
“Ha? Nasaan ba ako? Dyaka bakit ako nandito?” Ang kulit lang ah. Lalagyan ko ng plaster bibig nito eh. Hindi kaya…. Nawalan sya ng ala-ala? Imposible!! Hindi nga kaya?
“Ako muna ang magtatanong pwede?” sabi ko. “Ano pangalan mo?” tanong ko.
“Ahhh……”
TAKTENG TINAPA! HINDI NYA MAALALA KUNG SINO SYA!!!! JUSMIYO NAMAN OH?! PWEDE KO BA TO ITURN OVER SA DSWD AT IPAAMPON NA LANG SA MGA MAYAYAMAN NA GUSTONG MAGKAANAK NG BINATANG KATULAD NITO?? >/////<
“Hindi mo alam?”
At umiling lang sya.
“Sinasabi ko na nga ba eh. May Amnesia ka.” Sa dinami-rami ng pwede nyang bagsakan, bakit naman kasi sa bakuran ko pa? -___________-
“Teka, tatawag lang ako ng doktor.” Tama pa ba ang tumawag ako ng doktor? E maski nga sila hindi sigurado sa mangyayari sa pasyente eh. TT___TT
Blah.. blah blah…….
At inuwi ko na nga sa bahay itong lalaking ito.
Umiikot ang paningin nya sa itsura ng bahay ko.. Tss. -_________-
“Kung napapangitan ka sa bahay ko, umalis ka na. Bukas na bukas ang pintuan at gate ng bahay ko sa pag-alis mo.”
“Ikaw? Ano pangalan mo?” Oo nga noh? Di pa pala ako nagpapakilala sa kanya at isa pa, hindi ko pa din siya napapangalanan.
“Ako si Gia at ikaw naman si Terrence.” Oo. Terrence na lang. Bagay naman sa kanya. Medyo may itsura naman siya eh.
UY! May itsura! E kung ibenta ko kaya to sa bakla?? Sigurado, kikita ako nito! *evil laugh*
“GIAAAAA!! NANDITO NA ANG PINAKAMAGANDA MONG KAIBIGANG SI XYRENE!!!!!! MAY DALA AKONG PASALUBONG!!” may bitbit na donut si Xyrene. Abot langit ang ngiti nya pagpasok pa lang ng pintuan. Alam ko na, trip nya tong si Terrence. -_________-
“Donut para sa akin?” tanong ko.
“Hindi ah! Syempre para sa pasyente natin!” Sinasabi ko na nga ba eh!
“Hoy! Bago mo landiin yan, magsaing ka!” sabi ko.
“WOW AH! AKO INUUTUSAN MO??!!” lumapit si Xy sa akin at bumulong, “Ano pinangalan mo sa kanya?”
BINABASA MO ANG
Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]
HumorBOYS IN SUMMER~~~SHORT STORIES COMPILATION by Me. "Five boys with five different stories to tell." ~enjoy reading ;) Old book Cover by: EmiajNoiramMaj