Chapter 4.1 Always Be Mine

323 5 0
                                    

“Mansanas, saging, bayabas, mangga, dalandan, PRUTAS KAYO DYAAAAN!!!” sigaw nung tindera sa bangketa.

“Ale, magkano po yung dalandan?” tanong ko.

“Ahhh. Trenta isang kilo, may kasamang impakta.” Sabay labas ng impakta sa tumpok ng dalandan.

“WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!”

*boogsh.

“Aray.” Napakamot ako sa ulo ko. Lintek na panaginip yan. Bakit may impakta sa panaginip ko? Tsss.

Lumabas ako ng kwarto.

“Oh? Bakit nakakunot yang noo mo? Parang badtrip ang gising natin ah.” Salubong sa akin ni Glen, habang ngumunguya ng bubble gum.

“Ang aga-aga nagba-bubble gum ka!” saway ko sa kanya.

“Ate Abby, kumain na ako ng breakfast kaya wag mo ako pagalitan. Ikaw nga tong late bumangon dyan eh. Ano ba yung napanaginipan mo? Parang badtrip na badtrip ka?” umupo siya sa sofa at binuksan yung tv.

“Ewan ko dun. Nalaglag kasi ako sa kama eh, ang sakit sa ulo.”

Nilipat ni  Glen yung channel, “UY! SPONGEBOB SQUAREPANTS!”

Ayan, yan ang favorite na palabas ni Glen. Kahit third year highschool na siya, yan pa din ang pinapanood nya. Kabisado na nga ata nya lahat ng episodes eh, palagi yang spoiler kapag makikinood ako, kaya naman hindi ako tumatabi sa kanya kapag Spongebob ang palabas.

“Glen, aalis ako, ikaw muna bahala dito sa bahay.” Sabi ko.

“E bakit ate? San ka pupunta?”

“Dyan lang sa tabi-tabi!” kinuha ko na yung towel ko at papasok na ako ng cr nang..

“Sos. Si ate, sa tabi-tabi lang daw. Pero ang totoo nyan pupuntahan mo lang yung favorite band mong Everest.. Hay nako ate, tigilan mo yang kahibangan mo sa bandang yan ah, kasi never ka nilang mapapansin. Ganto yan ate, eto ka… (tinapak-tapakan nya yung sahig) tapos eto naman sila (kumuha sya ng tambo at tinusok tusok yung kisame) Ganyan, never kayong mamimeet kaya wag ka na umasa.”

Nakakabadtrip naman oh. May impakta na nga sa panaginip ko, tapos pambabara ng kapatid ko naman yung maririnig ko.

“Mapapansin din nila ako noh!” sagot ko.

“In what way naman ate? Kita mo nga? Langit sila at lupa ka!” –Glen.

“Yang sahig na yan at yang kisame na yan magmimeet din yan!”

“WOW ah! Para namang mangyayari yon?”

“OO! KAPAG LUMINDOL NG MALAKAS, YANG KISAME MISMO ANG DIDIKIT SA SAHIG. KAYA MAY PAG-ASA PA AKO!! HINDI KATULAD MO, NEVER KAYO MAGMIMEET NYANGSILA SQUIDWARD, SPONGEBOB, MR. KRABS AT KUNG SINO-SINO PA, DEPENDE NA LANG KUNG MAALA-SADAKO SILANG LALABAS DYAN SA TV NGAYON!” agad akong pumasok ng cr at isinara ng malakas ang pinto.

*pagkatapos maligo at kumain.

“Aalis na ako.” Naglakad ako palabas ng pintuan, walang lingon-lingon. Galit pa din ako sa kanya. Tss. E ano naman kung pupunta nga ako dun sa gig ng Everest? May magagawa ba siya? >////< alam naman nyang dito lang ako nakakapag-enjoy eh. Lalu na ngayong bakasyon. Walang aral-aral. Hindi masyadong stressful at makakapagfocus pa ako ng maayos sa Everest kesa kapag may pasok. -_- Dami kasing pinapagawa sa school kapag may pasok eh. Kaya minsan nawawalan ako ng time magspazz. Hehe. Wag nyo akong gayahin. Hindi ako magandang impluwensya sa kabataan. Joke lang.

“Ako ang president ng fans club na to kaya wala kayong pakealam na pagsabihan ako ng mga bagay na alam ko naman ay tama!” eto na naman po si Steph, sya ang president ng fans club ng Everest. Sya ang isa sa pinakamatapang na babaeng nakilala ko. Katulad na lang nung paglapit nya bigla dun sa manager ng Everest at magpapapicture daw siya sa mga members nito. Sa sobrang lakas ng loob nya, sa buong fans club, sya lang ang may picture with them. Kaya nga siya naging president eh. Sya lang talaga ang may lakas ng loob. Sa sobrang sungit nung manager na yon, nanghuhula pa din kami kung pano sya nakalapit sa Everest. Sabi nga nung ibang members, nagbenta daw yung si Steph ng katawan dun sa manager para lang daw sya payagan. Yung iba naman, ang sabi, binayaran daw ni Steph yung manager nang malaking halaga para payagan syang makapagpapicture. At kung alin dun ang pinaniniwalaan ko?? Sa tingin ko… Wala. Lakas lang talaga ng loob yan.

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon