Chapter 2.4 Heaven Sent

251 6 0
                                    

Chapter 2.4

*kumakain kami ng agahan.

“Gia.”

“Oh.”

“Pano kung umalis na ako dito sa bahay?”

Nabilaukan ako dun sa mga sinabi nya. Pinat nya yung likod ko.

“Okay lang ako. Okay lang. Ano ulit yung tanong mo?” baka kasi naalimpungatan lang ako eh.

“Kung aalis na ako, hmm. Ano mararamdaman mo?” tanong nya.

“Kung aalis ka…. Malulungkot ako.” Sagot ko.

“Malulungkot ka?? Di nga?! Yes!!”

“HA? Anong yes-yes ka dyan?” tanong ko.

“E kasi, malulungkot ka.”

“Oo. Malulungkot talaga ako kasi wala na akong mauutusan dito sa bahay. Andami pa namang kailangang ayusin. Tsssk”

“Awwww.” Nalungkot siya bigla.

“Oh? Bakit? Nalungkot ka naman dahil dun?”

“Oo. Utusan mo lang pala talaga ako.”

“Hmm. Kaibigan pwede na?” –ako

“Kaibigan lang?”

“Ahh. Eto, best of friends!!” sagot ko.

“Kaibigan pa din yan eh!”

“Pero iba ka! Best friend kita! Ayaw mo nun? Best ka sa lahat ng mga kaibigan ko!” ilan nga ba mga kaibigan ko? Hahaha.

“K. sabi mo eh.” Ininom nya yung choco drink at pumasok na siya sa kwarto nya.

Ano problema nun?

Kinabukasan.

Dumating na ang araw ng pag-alis nya.

“So, eto, naayos ko na mga gamit mo.” Sabi ko sa kanya.

“Hmm. Gia. Ganun na lang ba ako kadaling pakawalan?” tanong nya.

“Anong pakawalan? Hahaha. Binabalik lang kita sa magulang mo noh? Sila dapat ang kasama mo at hindi ako. Isa pa, mayaman kayo. Hindi katulad ko. Normal lang ang buhay. Okay na siguro na dun ka na tumira, dahil lahat ng hihilingin mo ay maibibigay nila.” Sabi ko.

“E pano kung hilingin ko sa kanilang makasama ka? Ibibigay kaya nila?”

O//////////////O

Anong sinabi nya??

“Ano yun? Pakiulit?!” baka mali ako ng rinig eh.. hehehe.

“Kung hilingin ko sa kanilang makasama ka, ibibigay kaya nila?” HINDI NGA AKO BINGI. PERO YUN TALAGA ANG PAGKAKARINIG KO EH!!! o/////////o

Hindi kaya sinaniban tong si Terrence at kung ano-ano ang pinagsasabi??

“Ahh. Nako, yun ang pinaka-imposibleng kahilingan. Hindi nila yun maibibigay sayo.” Sagot ko. Tama ba tong sinasabi ko? E kasi… nung sinabi nya yon… medyo.. kinilig ako. Hehe.

OO na! Wag na makulit! Nagugustuhan ko na din kasi sya eh. E ang kaso nga, aalis na siya kaya pinipigilan ko. Hahaha! Marami pang babaeng deserve ang pagmamahal nya, pero hindi yung babaeng dahilan ng pagpapatiwakal nya. Hehe!

Dumating na yung van na susundo sa kanya. Lumabas na din si Mrs. Park.

“Gia, Maraming salamat sa pag-alaga sa anak ko ah. Malaki ang utang na loob namin sayo.” –Mrs. Park

“Nako. Wala po yon.”

Sumakay si Mrs. Park sa van at hinintay si Terrence.

“Pero. Gia, promise. Gagawin ko ang lahat. Babalik ako.” Bulong sa akin ni Terrence.

“Hoy! Loko ka ba?! Wag mong gawin yon! Wag kang pasaway ah!!! Wag ka mag-ala Mac Arthur! Hindi ka sundalo or super hero! Sige na pumasok ka na dun!” itinulak ko na siya pasakay dun sa van. Kinuha naman ng mga body guards yung bag nya.

At umalis na yung van.

Haay!! Back to reality na! Ako na lang ulit mag-isa!! Hindi pumunta si Xyrene, namamaga daw mata nya. Hahaha! Hindi na daw nya kasi makikita si Terrence eh! XD

Pumasok na ako sa bahay at nag stretch ng kaunti nung biglang may kumatok sa pinto.

“SANDALI LAAAANG!!! AKALA KO BA HINDI KA NA PUPUNTA DAHIL NAMAMAGA YANG MATA MO? LATE KA NA! WALA NA SI TERRENCE!!”  si Xyrene talaga oh!! Hahaha

Binuksan ko yung pinto….

Terrence?? Anong ginagawa nya dito??

“May naiwan ka ba??” Tanong ko

“Meron.” Sagot nya.

“Oh? Ano? Ang alam ko nilagay ko na lahat nung nasa bag mo.” Sagot ko.

“Ikaw.” Sabi nya.

“Ako?” O_________o

“Ikaw. Nakalimutan kita.” Sabi nya.

>______________________<

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Will you marry me?” tanong nya.

ANO TO?? MADALIANG PROPOSAL?!! MARRY KAGAD? E HINDI PA NAGIGING KAMI EH!!!!

“Ano kasi….” Hindi ako makasagot ng matino. Biglaan eh! “Okay ka lang ba talaga?”

“hehe. Kung alam mo lang kung pano ako nagpaalam kay mommy. Actually, when I asked her kung papayag ba sya kung pwede kitang pakasalan, she said, “Sure son. She’s nice and I think she knows you very well. Pero wag muna marry ah. Hahaha!” .. so wala tayong problema sa kanya. Ano? Are you coming with me or not?” he asked.

Ay grabe! Ganon pala?!?!

Syempre naman!

I said, “Yes!!”

Authors NOTE:

Dedicated to my precious friend Gia!! ^^ Hahaha! Chori kung bitin yung story. Hahaha! Patayin mo na lang ako kapag nagkita tayo ulit ah! Hahahaha! Joke lang. pero sana nagustuhan mo naman kahit papano ang nonsense work ko. XD chuchuhu. alam mo bang hirap na hirap ako mag-isip ng pangalan ni Yoochun?! Hahaha. Ginamit ko yung Terrence, Micky pati yung tunay nyang apelyido na Park. XD hahahaha!! Bahala na si batman! Babush! J

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon