Chapter 1.2 Bubble Gum Prince

439 8 0
                                    

Chapter 1.2

“Pare!!” may tumabi bigla kay blue headed bastard. Feeling close si kuya, baka masapak yan pagkatapos. Tsk.

“Sino ka?” tanong sa kanya ni blueheaded bastard..

“Ah. I’m Mike.” Sabi nya.

“Mike?? Do I know you?” tanong ni bastard.

“Ahh. Di mo pa pala ako kilala. Tsk. Kulang ka talaga sa info about our school. Hahaha. I’m the president of the Student council.” Pakilala nya.

Tss. Hindi naman siya president ng student council eh! Feelingero! Ang totoo, siya ang may pinakamababang ranking sa buong 2nd year college dito sa school. Bale kung may 500 students sa course naming, siya ang pang-500. Tsss. Ang yabang. Akala mo kung sino.

“Ohh. President ka pala?? Haha. Bakit ka nagsa-summer class?? Kawawa ka naman pala. President of student council, taking his summer class?? Anong subject ba binagsak mo?? Hmmm. Alam ko na. Algebra!! Hahahaha! Tapos…. Ahh. I know. Dahil siguro sa sobrang pagkabusy mo sa student council, lahat ng subjects mo binagsak mo?? Hindi kaya ganon yun??” medyo nang-aasar yung tono ni BHB (blue headed bastard) sa kanya. Hahaha! Nako. Kung alam nyo lang itsura ni kuyang feeler, namumula na siya. Pinapat pa siya sa balikat ni BHB, Hahaha! Parang asar na asar na si kuya. At hindi na siya nakapagsalita. Lumabas siya sa classroom.. At feeling ko nag ngangangawa na sa labas yon. HAHAHAHA!!! Matalino din pala tong si BHB. Or he can read minds?? Psycho kaya siya?? O itinuro sa kanya yon nung mga Yakuza na kakilala nya.

“Hahahaha!!!” di ko napigilang matawa.

“Bakit ka tumatawa?” tanong sa akin ni BHB.

“Wala.” Sinagot ko siya ng hindi lumilingon sa kanya. Ayoko na ng away. Pero kung gusto nya, why not?? Para matikman na nya yung kick na dapat noon ko pa pinatikim sa kanya.

“Bakit ayaw mong lumingon? Kinakausap ka naman ng maayos eh.”

“Wala. Ayoko lang ng gulo.”

“Ahh.” May naramdamdaman akong gumalaw sa upuan ko.. parang may something sa upuan ko.

Hindi ko alam kung ano yung ginawa nya pero… lilingon lang naman ako eh..

Lilingon ka lang naman talaga Erika..

Hindi ka naman makikipag-away sa kanya.

Hindi naman talaga.

Titignan mo lang kung ano ginawa nya sa upuan mo..

Hindi naman nya siguro tinanggal yung turnilyo ng upuan ko.

“May problema?” napapansin ata nya akong hindi mapakali.

“Wala. Wala.” Sagot ko.

“Hahahaha!” tumawa na lang siya.

Ano ba kasi yung ginawa nya sa  upuan ko? Tss. Nakakatakot tuloy gumalaw.

“Huy.” Tawag ko kay BHB. Pero hindi pa din ako lumilingon sa kanya.

“Ako ba kausap mo?” tanong nya sa akin.

“Oo.”

“I don’t want senseless talks.” Ano?? Senseless?? Takte.

“Hindi naman to senseless.” Sabi ko.

“Okay, fine, what’s it?” tanong nya sa akin.

“Yung ginawa mo kanina sa upuan ko. Ano yon?” tanong ko.

“Ahh. It’s just a bubble gum.” Tas tumawa siya ng mahina.

ANOO??? BUBBLE GUM??? DINIKITAN NYA NG BUBBLE GUM YUNG UPUAN KO??? YUCCKKK!! KADIRI!! GANYAN BA NATUTUTUNAN NYA SA AUSTRALIA?? GANYAN BA ANG MGA KAIBIGAN NYA??? EWWW!! GANYAN BA SILA MAMBULLY???!!! Ang babastos!!!

Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon