Chapter 5.2
Eto na naman ako sa madilim na parte ng lugar na to. -_______- kinakabog na naman ang dibdib ko. Nakadagdag pa yung kwento ni mama dun sa psycho-killer na gumagala dito sa lugar namin. Kainis naman oh.
“Hoy!” may biglang lumabas mula sa kung saan. At wala akong nagawa kundi ang tumili ng malakas.
“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!” tinakpan nya ang bibig ko at sinabing,
“Kalma! Hahahaha! Ayan ka na naman eh! Nagulat ka na naman!” tss. Si Harvey pala. -_____-
Tinanggal nya yung kamy nya sa bibig ko.
“Ano? Okay ka na?” tanong nya.
“Oo. Hehe. Sorry. Ang dilim naman kasi dito eh! Bakit dito ka naman kasi nagpakita?!” tanong ko sa kanya.
“Haha! E dito kasi ako binababa nung tricycle na sinasakyan ko pauwi.” Sabi nya.
“ahhh.. So galing ka sa work mo?” tanong ko.
“Hmmm.” Tumango lang siya.
Kinikilig ako!! Ano ba naman to?!
“Hatid na kita sa inyo.” Sabi nya.
“ah. Oo sige. Natatakot na din kasi ako eh. Sobrang dilim.” Sabi ko.
“Haha. Ako na magdadala nyan.” Kinuha nya sa akin yung file case ko. Ang gentleman ah!
“So, kamusta naman ang bagong lipat?” tanong nya.
“Kami? Eto, medyo nag-aadjust pa, pero okay na. hindi na katulad ng dati na para kaming stranger sa lahat ng taong nakatira dito.” Sabi ko.
“Good. At least hindi na kayo awkward sa kanila.” Sabi nya.
“Ahh oo.”
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
“Harvey, dito na lang ako.” Kinuha ko na sa kanya yung file case.
“O sige. Alis na ako.” Sabi nya.
“Sige.” Pumasok na ako ng bahay. OMG! KINIKILIG NA NAMAN AKO!!!
“ATE!”
“Ay impakto!”
“Ay grabe ate! Mukha ba akong impakto?!” pupu, si Dion lang pala.
“Sorry.” Sagot ko.
“Nako, napakasaya mo ata ah! Nakita kong hinatid na nung lalaki. Siya ba yung sinasabi mo?” tanong nya.
BINABASA MO ANG
Boys in Summer (Short Stories Compilation) [Completed]
HumorBOYS IN SUMMER~~~SHORT STORIES COMPILATION by Me. "Five boys with five different stories to tell." ~enjoy reading ;) Old book Cover by: EmiajNoiramMaj