UHS Chapter 12

435 10 0
                                    


Avhieana POV

*toktokaok**toktokaok*

Yan si Cocko, tandang ni mang pedring! Ang manok na laging gumigising sa magandang tulog ko. Nasanay narin nga ako eh.

Kung noon,okay lang malate sa school ngayon ay hindi na dahil diretso sa apat na mata kong dean.

Babawasan ulit ng letse ang allowance ko. Ano nalang kayang mangyayari sakin pag nabawasan ulit? Magiging 70-80 pesos nalang ang baon ko.. Panigurado kakabit na talaga ako sa jeep nito pagnagkataon.

Nagbihis na ako tsaka pumunta sa school nasa harapan na ako ng school gate..

Pumasok na ako at dumiretso sa classroom. Well ganun parin classroom parin tingnan.

Umupo na ako at nag headset.. FM radio lang ang nasa cellphone na toh walang mp4 player..

Nang dumating na ang teacher tinanggal ko na ito at nakinig nah.

"Get a bond paper and write down your name then pass it to me" Prof.

Kung sa tingin nyo tahimik silang kumuha ng papel ..well nag kakamali kayo dahil ganito kaingay ang room.

'Nica! Pahingi!'

'Nica! Friends tayo mamigay ka naman!'

'Jared penge!"

"Jared isa lang'

Mga classmate kong gra-graduate na't lahat wala paring sariling papel. Tsk..

Iba na talaga pag marami kang papel, nagiging sikat ka na. Tsk. Makabili nga ng isang box ng bondpaper magiging superstar kaya ako nyan? Tss. Sikat na ako noon pa,bakit ko pa kailngan nyan tsaka hindi na kakasya sa allowance ko hehehe..

Pumasok na yung adviser namin.. Iba na talaga pag public college pati college may adviser parin..

Tiningnan niya kami at sinabing.

"Go back to your proper seats!"

At ang tumayo lahat ng letse kong kaklase at nagsibalik sa upuan. Tsk..buhay nga naman.

"Get your ruler and make a table of contents!" Sabi ng prof namin

Sikat ulit ang mga classmate kung may ruler at hindi lang yun nagiging sikat rin ang I.D. ng mga hinayupak kong classmate.. Di nga pinatawad walis tingting ng classroom..

Paraparaan nga nman.

Ang ingay ng classroom isali mo pa ang mga O.A mong classmate, sarap isabit sa flagpole eh..
Pero ganyan ba talaga ako ka O.A noon? Ayy.. Ang pangit pala tingnan , babawasan ko nalang pagka O.A ko.. Mahirap na baka iingay na naman ang mga latang walang laman.

Nung mag uwian na , kanya kanyang linis na ang ginawa..

Ako? Syempre nag erase lang ng black board.

Hindi ako masyadong nag papapansin sa mga classmate ko.. Ayoko masyado pang maaga para makipag plastikan sila sakin..

_________________________


Under His Supervision [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon