UHS Chapter 17

416 11 0
                                    


Avhieana POV

Isang linggo narin ang lumipas sumula ng araw na yun.


Bihira lang kaming nag kakausap kapag nanghingi lang ako ng pera. Binibigyan niya ako pang shopping ko daw pero tinanggihan ko. Ayaw kung humaba pa ang pag uusap namin. Masama parin ang loob ko sa kanya.


May sasabihin lang siya pag nag uutos pero pag wala na, aalis rin.


Nasa school ako ngayon kasama ang sina Eunice, gumagawa kami ng project namin this sem. Malapit na ang graduation. Kailangang pag igihan. Para mapatunayan ko kay daddy na nalampasan ko ang hamon niya at para rin di ko na makita ang hudas na supladong yun.


"Damie, di ka pa ba uuwi?" .tanong ko


"Hindi pa, mamaya na akels gogora . dihins naman mag ala monsterific si mudra eh"


"Ikaw ,Nica?"


"Uuwi narin kami ni Eunice at Hera pag katapos nito. Alam niyo naman ang mga parents namin, napaka strict"

"Oo nga teh! Parang WiFi mga nanay niyo kung bibira ang bunganga eh!"-Damie


"Huh? Panong WiFi?"- hera



"Abot hanggang kapitbahay eh!"



Lahat naman kami nag tawanan. Mag aalas syete na ng gabi at gumagawa parin kami ng project.


****

Alas otso narin ng matapos kami ni Damie, kaninang 7:30 pa umalis sina Eunice,Nica at Hera.



Malakas ang ulan sa labas.


Tiningnan ko yung cellphone ko at









OoO ?




10 missed calls and 5 messages from Supladong Aexzender.

~~~
From: Supladong Aexzender

'Where are you?'

7:15 pm

'Are you at home?'

7:20pm

'Why aren't you replying?'

7:45pm

'Where are you Avhieana Aphrodite?'

7:55pm

'I swear ill deduct 200 pesos of your salary and 50 pesos in your allowance if you wouldn't reply!"

8:00pm

Nawindang naman ako sa text niya kaya agad ko siyang nireplyan.



To: Supladong Aexzender

'Im at school, we're doing our project'

8:08 pm.



Binulsa ko na ang cp ko at naki sukob sa payong ni Damie. Hinawakan niya ang payong sa kaliwang kamay at naka akbay siya sakin ngayon ako naman naka akap sa bewang niya. Parang mag shota lang.hahaha. pero as if naman mag jejelly de belen ang baklang yan.


Under His Supervision [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon