CHAPTER 16

26 1 0
                                    

The Man Behind

***

RAN's POV

Nakasimangot akong nakatingin sa kan'ya. Halos mag iisang oras na s'yang nakatingin sa cellphone na pinapulot n'ya sa akin pagkatapos nang nakakainis na encounter namin sa kapatid n'ya---Well, I guess she's not anymore.

Nakakapag-init s'ya ng dugo. ME? A driver? Really? Sa guwapo kong to?

Di hamak naman na ang layo ng hitsura ko sa pagiging Driver.

Napakunot ako lalo nang makita ko ang kaunting ngiti sa mukha nya. Sa pagka-curious ay lumapit ako ng dahan dahan sa likuran n'ya para sumilip sa likod. "I knew it!" sambit ko na kaagad na ikinawala ng ngiti n'ya. "What's the meaning of that?"

"Tch, go away, Ran." sambit n'ya at kaagad n'yang ibinaba ang phone sa lamesa para hindi ko makita.

Nahuli ko s'yang tinitingnan ang gallery nung telepono at mukhang ang isang oras n'yang paghawak sa phone ay yun lang ang ginagawa n'ya.

"I saw you looking at---"

"I was browsing her messages to see if there's any lead." palusot n'ya na kabaligtaran ng nakita ko.

"Messages my face, Boss."

"Shut up," galit pa nitong sambit at nakamamatay na tumitig sakin kaya agad akong nagtaas ng dalawang kamay. "Mind your own thing and fix your stupid men. Majority of them are failures." Nang hindi na ako umimik ay kinuha n'ya na ulit ang phone.

"Tch," napaismid nalang ako.

If working under him weren't so beneficial, I wouldn't even want to make eye contact with him. I'm not as powerful and influential  as him and going against him would mean an instant death. Ang marinig palang ang pangalan n'ya ay kukulo na ang dugo ko to be honest.

I'm starting to hate this attitude of him. Wala s'yang ibang ginawa kundi ang insultuhin at ipaalala ang mga pagkakamali ko. He makes me feel that I am the worst and I could never replace his late assistant to him.

Noon ko pa gusto ang posisyong to but I never thought he'll be treating me like a trash dog. Mas pinili n'ya pa ang assistant n'ya when in fact, ako ang unang nagsilbi at tumulong sa kan'ya. Halos patayin ko pa ang assistant n'ya noon para lang ako na ang maging second to the boss at pinaka pinagkakatiwalaan n'ya.

Tch, ano bang meron? Is trusting me that hard for him?

Napatigil ako sa pagsumpa sa kan'ya sa isipan ko nang may mapansin akong kakaiba. Kumunot ang noo ko.

"Boss," tawag ko sa kan'ya. There's something's fishy about that phone he's holding.

"What?" naiinis n'yang tanong. Napaismid na naman ako dahil sa inugali n'ya.

"Is it just me, or is there really a red light blinking under that phone?" tanong ko. Sobrang liit lang ng kumikislap na iyon at kung sakaling maliwanag ang lugar namin ay hinding-hindi ko iyon mapapansin.

Kaagad namang nagbago ang ekspresyon n'ya nang mapansin n'ya ang ilaw na nagmumula sa charger hole ng telepono.

"Get me a tweezer," utos n'ya. Saan naman kaya ako kukuha ng tsani sa office n'ya? Mukha ba akong gumagamit ng tsani?

Hindi ko alam pero pagbuklat ko ng isa sa mga drawer n'ya ay nakakapagtakang may tweezer nga doon. What the? Bakit may tsani dito?

Hindi nalang ako nag-isip pa masyado at kaagad na iniabot iyon sa kan'ya.

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon