Strange
*
MAINE's POV
"WHERE have you been?" halos matalon ako sa gulat nang ang nakasimangot na mukha ni kuya Zeik ang sumambulat sa akin nang buksan ko ang pinto. Daig ko pa ang na-jumpscare dahil mukhang-mukha n'ya talaga ang unang-una kong nakita. "Galing ako sa hospital, hindi ka raw nakita ng mga nurse doon. Inabot na ako ng dilim sa paghihintay sa'yo doon. Did you lie to me?"
Nakasimangot s'ya na para bang nanay na papaluin ng walis ang anak n'ya.
Kasalanan to ni Cassy!
Malapit na sana ako sa Hospital kanina nang makasalubong ko s'ya. Talagang sinadya pa raw n'ya akong hanapin para lang mag-sorry dahil sa nangyari noong nakaraang sagutan namin. Mabuti na rin na nagkita kami because I feel bad about what I said to her. Concern lang naman s'ya sa akin pero ganun ang naging reaksyon ko. Ikinuwento ko na rin sa kan'ya na nakita ko na sila Kuya pero ibinilin kong huwag munang ipagkalat kahit kanino dahil pinaalala rin iyon ni kuya Zeik noon.
Marami pa ring banta at mga puwedeng mangyari.
"Alam mo ba kung ilang beses na kitang tinawagan? Fifteen times," sambit ni kuya Zeik at pinag-cross ang braso n'ya. "Why are you not answering your phone?"
Napa-'ha' nalang ang reaksyon ko. HALA!
Kaagad kong kinapa ang bulsa ko at----anak ng teteng naman!
"Nawawala ang phone ko, kuya," sambit ko habang hinalwat at pinagtatanggal ko pa ang laman ng bag ko. Hanggang sa naalala ko nalang yung nangyari kanina nang muntik na akong sagasaan ng walang-hiyang puno na yun.
Yung green haired guy na ubod ng yabang e mukha namang puno sa kulay ng buhok n'ya. What if nahulog yung phone ko? I need to go back there to see.
"Is that just your excuse? Are you messing with me?"
"Hindi Kuya, I swear!" sabi ko habang itinaas pa ang kanang kamay as a sign of promise.
"Sigurado ka ba? Baka naman naiwan mo lang," sambit ni kuya Zeik at nakitulong na rin sa paghalikwat ng bag ko. "But wait, saan ka ba talaga nagpunta?"
"Sa MonteVilla, Kuya," natigilan naman si kuya nang marinig n'ya iyon. "Nadaanan ko kasi so I decided na bisitahin lang saglit and then nakita ko si Cassy." Ending? Hindi ako natuloy sa Hospital.
Gusto ko pang i-chika kay kuya ang mga pinag-usapan namin ni Cassy at ang muntik na kong masagasaan pero nagsalita na s'ya agad.
"I would appreciate it if you don't go back there anymore, Maine." napahinto ako sa paghahalikwat ko ng gamit sa bag.
"Huh?" Bakit naman?
"Puwedeng bumalik doon ang mga taong nag-sisigurado na patay na kaming lahat. Tho it's been six years and I guess that's enough time for them to be assured, but who knows? There could still be people investigating that place," paliwanag naman ni kuya na agad kong naintindihan. Bakas ang lungkot sa mga mata ni kuya pero parang ipinagsawalang bahala n'ya lang iyon dahil sa ekspresyon n'ya.
Tumango lamang ako at ngumiti kay kuya. "Sige, kuya."
"By the way, Maine--" Akma pa s'yang may sasabihin pero parang hindi n'ya itinuloy kaya napapikit ako ng ilang beses sa pagtataka. "Oh, nothing, sleep well."
Napatulala nalang ako nang naglakad na s'ya paakyat ng kuwarto n'ya. Pinanood ko lang ang likod n'ya habang s'ya naman ay napakamot sa ulo habang naglalakad pataas ng hagdan.
Ano namang gusto n'yang sabihin kanina? Why did he hesitate?
Napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa sofa. Naalala ko na naman yung pamilyar na lalaki sa backseat nung kotse kanina.
I swear I know who those belongs to. But who?
Ack! Ano ba ang brand ng utak ko? Bakit ang bilis kong makalimot?! Ang dami ko ring hindi maalala. Dapat na ba akong magpacheck up sa pinaka magaling na psychiatrist? Baka lumala to kapag pinatagal ko pa.
Napabuntong hininga na naman ako at isinandal ang likod sa sofa.
"Stop sighing, it's annoying," halos mapatalon ako mula sa kinauupuan.
Anak ng pusa. Habang buhay nalang ba s'yang magiging kabute?
"Kanina ka pa d'yan, kuya Lace?" gulat kong tanong. Nakahiga s'ya sa sofa at nakapikit pa rin na para bang sinusubukan n'yang matulog.
Hindi na s'ya tumugon pa sa tanong ko na para bang itinuring na ulit akong hangin na nakaupo sa sofa.
Tinitigan ko lang ang mukha n'ya. Ang aliwalas na ulit n'yang tingnan ngayon simula nung inahit nya ang balbas at ginupitan ang buhok n'ya. He's even more good looking now.
Napaiwas nalang ako ng tingin nang bigla n'yang iminulat ang mata n'ya at deretsong tumingin sa'kin. Nag-init ang pisngi ko at nahihiya. Why am I even feeling flustered in the first place?! Ano bang meron? Nag-iba bigla ang ihip ng hangin sa akin nang makita ko ulit for the first time in six years ang ganoong hitsura n'ya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
Agad naman akong kumalma nang may tanong na biglang dumaan sa isip ko. Bigla nalamang may kahibangan akong naalala. The guy in the backseat..
"Nabanggit ni Kuya Zeik last time," sambit ko. "Hindi n'yo nakita ang bangkay, right?" umangat bigla si kuya para umupo sa sofa. Inabot n'ya ang pitsel na nasa maliit na mesa at nagsalin ng tubig sa baso. Napaka random ng tanong ko na hindi man lang s'ya nag effort na magsalita.
"Explain," sagot lang n'ya na ipinaparating na i-elaborate ko pa ang gusto kong sabihin bago s'ya uminom ng tubig sa baso.
Huminga ako ng malalim at itinanong ang bigla bigla nalang sumagi sa isip ko kani-kanina lang.
Nagulat naman ako nang halos isuka n'ya ang tubig nang masamid ito sa iniinom n'ya. "Kuya, okay ka lang?!" lumapit kaagad ako para tapik-tapikin ang likod n'ya. Makalipas lang ang ilang segundo ay hinawi n'ya ang mga kamay ko palayo.
Ganun n'ya ba talaga ka-hindi inaasahan ang tanong na yun?
"Don't be fucking stupid," nakasimangot n'yang sambit sa'kin.
"What if lang naman, e," sambit ko at hindi mapigilang mapanguso dahil sa naging reaksyon n'ya sa itinanong ko.
"He's not," nakita ko ang galit na mga mata ni kuya Lace na deretsong nakatingin sa akin. He's strangely mad about it.
Ganun ba talaga ka-baliw yung naisip ko? Bakit galit na galit s'ya?
"and he shouldn't be," sambit pa n'ya na ipinagtaka ko. "Stop thinking nonsense and go to sleep," dagdag n'ya at tuluyang nang tumayo para umalis.
***
To be Continued

BINABASA MO ANG
My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On GOING]
RomanceHe came back but to make them pay the price of killing his loved ones. How can I save him from himself?