CHAPTER 24

29 3 0
                                    

Fiesta

***

MAINE's POV

Napapanguso nalang ako habang sumusulyap kay kuya Lace na abala sa pagmamaneho ng kotse. Seryoso at hindi s'ya namamansin habang naka-focus sa daan.

Bumuntong hininga ako. Tatlong beses ko na kasi s'yang inaya sa tatlong mag-kakaibang lugar pero hindi s'ya pumapayag at umuwi nalang daw kami. Tsk. Minsan lang kami mag-bonding kasi araw-araw s'yang may dalaw na akala mo buhat-buhat n'ya ang buong solar system sa kasungitan tapos hindi pa s'ya papayag.

Nagtatampo nalang akong dumungaw sa bintana ng kotse---

"Wait, Kuya! Itigil mo muna! Itigil m---ARAY!" napa-hawak ako kaagad sa noo ko nang maramdaman ko ang sakit dahil sa pagkakauntog. Sobrang biglaan ba naman ang preno.

Ang sakit ha.

"What the hell is your problem? Bakit ka ba nanggugulat?" inis na naman ang tono ni kuya Lace. Palagi namang may regla tong si kuya, sanay na ako d'yan.

Hindi ko na pinansin pa ang mga sinabi ni kuya Lace at deretsong bumaba ng kotse. Sabik akong tumakbo sa isang plaza kung saan ko pinatigil sa pagdadrive si Kuya. At tama nga ako ng hinala.

Ngayong araw yung fiesta at ito ulit yung event kung saan nagpapasayaw sila ng mga tao sa gitna ng plaza. Nakapaligid rin sa buong plaza ang iba't ibang pagkain na ipinagbibili sa tabi-tabi. Medyo marami na rin ang tao dahil magsisimula na ata yung zumba.

"Kuya!" kinawayan ko si kuya na ngayon ay nakababa na ang bintana ng kotse. Kahit nasa malayo ay kitang kita ko pa rin ang kunot n'yang noo. "Halika dali!" sabik na sigaw ko.

Minsan lang kami magkasama ng ganito ni kuya Lace, susulitin ko na. Bahala na kung mainis man s'ya ng todo sa'kin.

"Baba ka!" walang tigil kong sigaw sa kan'ya na dahilan para pagtinginan na ako ng tao pero wala akong pakialam. Ang mahalaga, mapag-enjoy ko muna si kuya Lace rito. Ito kasi ang event na pinagkaabalahan ko noong pinagtaguan nila ako ni kuya Zeik. "Dali na!"

Dahil na rin siguro sa hiya ay napilitan nang lumabas si kuya Lace ng kotse at naglakad papunta sa'kin. Aaminin kong medyo natakot ako sa ekspresyon n'ya kasi mukha s'yang manlalamon ng buo. "Stop yelling, Maine. What are we doing here?" inis n'ya agad na tanong.

"Trust me, masaya to!" walang sabing hinawakan ko ang kamay ni kuya at hinila s'ya papunta sa likod ng mga tao na naghahanda na para sa sayaw. Ramdam ko rin ang bahagyang pagtutol n'ya sa ginawa ko pero hinayaan pa rin n'ya akong hilahin s'ya. "Sasayaw tayo. Fiesta ngayon ng bayan, lahat sila sasayaw mamaya," paliwanag ko nang makarating kami sa puwesto sa likod at itinuro pa ang mga tao sa unahan namin.

Bigla nalang hinigit ni kuya ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak ko na ikinagulat ko. Nanlalaki ang mata n'ya sakin. "What?! Aalis na ko," muntik pa s'yang makalakad palayo pero agad ko s'yang hinila pabalik. Napaka kill-joy talaga netong si Kuya Lace.

"Wag! May premyo kapag nanalo tayo sa most outstanding dancer!" pigil ko sa kan'ya habang pinipilit na hilahin s'ya pabalik.

"And what is the prize?"

"Libreng kain sa resto," agad n'yang binawi ulit ang braso n'ya na hawak-hawak ko.

"That's all? I can just treat you and order everything in the menu. Hindi mo na kailang---"

Natigilan kami pareho nang biglang magsimula ang music. Napangiti nalang ako at bigla ulit s'yang hinila papunta sa mga taong busy na sa pagsasayaw. "Mas masarap kumain kapag napanalunan mo!" pasigaw kong sabi dahil malakas ang music at para na rin marinig n'ya. Pakiramdam ko'y para kaming nasa isang party at kan'ya kan'ya sila ng showdown. Pati ang mga MC sa stage ay nakisali na rin habang nagsisisigaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon