CHAPTER 20

34 1 0
                                    

Revelations 3.0

***

10 YEARS AGO (20 years old)

DWANE's POV

"What? Hindi mo na naaalala?" narinig kong tanong ni Gerome na ngayon ay nakakunot nang nakatingin sa akin. I don't even know why he's so curious about it. I don't even care so why is he?

"Oo nga, so stop asking and don't fucking talk to me. I'm busy." masungit kong sagot sa kan'ya. Nag-aaral kasi ako ay istorbo s'ya, tanong nang tanong, tsk.

Naiinis s'yang umismid at bigla nalang n'yang ginulo ang kamay ko kaya napasulat ako ng hindi dapat sa notebook na sinusulatan ko. Anak ng. "What the---HOY!" pinagbabato ko s'ya ng ballpen habang tumatakbo s'ya palabas ng kuwarto. Hobby na talaga ng taong yun ang inisin at guluhin ako. It's fucking annoying. 

Wala na akong nagawa kundi ang pulutin ang mga nagkalat na ballpen at papel sa sahig dahil wala naman nang ibang gagawa nun. Tinakasan na ako nung gunggong.

Nang maupo ulit ako sa upuan ay napatitig nalang ako doon ng matagal.

Sa tuwing naririnig kong tinatanong ni Gerome ang tungkol sa nangyari noong bata ako, I can't help but feel somewhat strange. I don't remember everything but I felt sadness and fear at the same time. Is my past so traumatic that I forgot about it?

Hindi ko alam ang iisipin ko. All I can remember is I have a mom who keeps on teaching me words I can't even pronounce. She doesn't give up, even though it's almost impossible for an eight-year-old child who still doesn't speak. Pero nagbunga iyon, natuto akong magsalita kahit na paunti-unti at utal-utal.

I can still remember how much I loved her and how much she loved me pero after nun, hindi ko na maalala ang lahat. I just know someone brutally killed her and that's all.

MAKALIPAS ang ilang linggo ay nagawa kong gawing busy muna ang sarili ko at ipagsawalang bahala ang nakaraan ko. I'm here in the present and should focus on the present. There's nothing more I can do about what has happened, and if I really can't remember it, I'm sure the reason is that I shouldn't know. May dahilan kung bakit ko nakalimutan ang nangyari at hindi ko na dapat alamin iyon para sa ikapapayapa ng isip ko.

"May nagpadala," nagulat nalang ako nang may biglang lumipad na box sa akin. Buti nalang ay nasalo ko iyon, kung hindi ay malamang na tatama iyon sa mukha ko. Napaka tarantado talaga ng mga tao dito sa bahay. Konti nalang ay bubugbugin ko na tong mga to isa-isa.

"What the fuck is your problem?" naiinis kong sambit kay Marvin na nakakaasar na nakangiti.

"Kanina ka pa kasing tulala, broken ka ba?" nang-aasar pa nitong tanong na parang gago. Broken? I'd rather study than waste time dating. Aksaya lang yan sa bawat segundo ng oras ko.

"Tch, shut up," inis kong sambit at akma nang aakyat sa hagdan para sa kuwarto ko nalang bubuksan yung box.

"Uy, dadalhin sa kuwarto. Galing yan sa girlfriend mo no?" talagang ayaw pang tumigil ng tarantadong to.

Hindi ko na s'ya pinansin pa at kapag pinansin ko pa s'ya ay tiyak na hanggang alas tres kaming magtatalakan, pagtatadyakan ko pa s'ya.

"Guys, may girlfriend na si Dwane!" nanlaki naman ang mata ko nang biglang sumigaw si Marvin. Tangina n'ya talaga.

Dahil sa sigaw ay nakuha n'ya pa ang atensyon ng iba pang unggoy na nakatira sa bahay. Nagsimula silang maghiyawan ng nakaka-asar.

"Si Dwane? May girlfriend?" boses iyon ni Zeik kaya nanlaki ang mata ko at tumingin ng masama sa kanila mula sa taas. Parang gusto n'ya pang sabihing hindi ko kayang magkagirlfriend ah! Gago.

"Pakilala mo naman! Daya mo!" it's Zane this time. Lalo pa akong nainis dahil parang gusto n'yang makilala para agawin. That's who he is. Yuck, tumitira ng tira-tira.

"Yiee, sino yon, Dwane?" dumagdag pa si Dk.

Kaya ayoko ng ganito e! Dapat pala ako nalang ang nagcheck ng mail box imbes na ang putanginang Marvin to.

"Shut up guys, let Dwane say a word. Paano s'ya makakapagsalita kung pinapangunahan n'yo?" singit naman ni Gerome na isa pang tarantado. May pagtaas taas pa s'ya ng kamay para awatin yung ibang maiingay.

I really can't handle these guys. Pagtatadyakan ko kaya sila?

"Mga baliw!" sigaw ko at tuluyan nang pumasok sa kuwarto. Pabagsak ko pang isinara ang pinto sa galit. Those assholes. Kapag nagka-girlfriend talaga ako, hinding hindi nila makikita kahit hibla ng buhok n'ya.

Nagtataka nalang akong tumingin sa box na iniabot ni Marvin. Naka sealed pa ito kaya sigurado akong hindi iyon binuksan ni gago. Kahit na tarantado ang ugali non, he still knows what privacy is.

Tinanggal ko ang pagkakaribbon dito at baka nga may love letter---Fuck. I mean importanteng laman.

I'm not expecting anything other than that!

Pagkabukas ko ay nanlaki ang mata ko nang makakita nga ako ng letter at may kasama iyong litrato ng isang maganda pero simpleng babae. Nakasuot ito ng light yellow na dress at mukhang stolen shot pa.

I find it strange that I stared at the photo for a long time. The strange feeling I got when I saw the sweet and pure smile of the woman in the photo was different. As I looked at the woman more closely, it felt like memories were slowly coming into my mind, but it's like a puzzle I can't put together.

"She looks familiar," Sabi ko sa sarili na kakaibang nagagalak.

Natigilan ako nang bigla akong makaramdam ng mainit na likidong tumutulo sa pisngi ko.

What the fuck? Am I crying?

Napakunot ako. I must be nuts for crying just because of a photo of a woman I don't even know. Sigurado ay isa lamang ang babaeng ito sa mga nagkakagusto sa akin sa university. I may not a very friendly person, I still had the look. Marami na akong naencounter na babaeng may gusto sa akin. Masyado lang akong busy dahil gusto kong maging proud sakin si Dad. Well, I mean, all he sees is Gerome who doesn't even take studying law seriously. I'm much better than him.

Pinahid ko ang luha ko at kinuha nalang ang letter na kasama nung litrato.

'I know you want the truth. Meet me at this address tomorrow, 3pm.'

It was short than expected.

Hindi ba dapat mahaba ang letter if you want to confess to someone you like--I mean, No. I think she'll confess everything in person.

Ibinalik ko nalang ang litrato at sulat sa box dahil masasayang lang ang oras ko na dapat ay sa pag-aaral ko nalang iginugol imbes na pumunta doon sa address.

That's just a waste of time.

****

To be Continued..

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon