CHAPTER 22

30 2 2
                                    

Untold Point of View

***

DWANE's POV

6 years ago

Yacht Party (Season 1 Chapter 31: Set Up)

It's been four years. Yeah, four years.

Seryoso akong nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Makalipas ang ilang segundong pagtitig ay inayos ko na ang basa kong buhok at nagsuot ng relo.

Narinig ko ang pag-beep ng phone ko at sunod kong nakita sa screen ang text message galing sa isang unknown number. 

'We're ready.'

Kaagad akong napangiti sa nakita ko. It's time.

I feel the excitement inside me. Every emotion flows through my veins and I don't know what I should be feeling first.

Dad is one of the most influential syndicates here in the Philippines. He is also one of the wealthiest and has the largest territory. I'm very much aware that I can never match that power, which is why I agreed to form an alliance with Carlos Forteza, along with the Hudsons, Derrick Kim and others. I've spent four years preparing, looking for people to conspire with, just for this day. 

With Dad's power and intelligence, not to mention his organizational skills, we could never bring him down in a direct confrontation. The most effective plan is to attack him from behind, which is why I still worked with him for four years.

He would never guess that I'm the snake in his mansion. No one will ever find out.

I only gathered the Kims and Hudsons here because I know they are enough. Nagsama na rin ako ng ilang maaasahang tao mula kay Carlos Forteza. Sinadya kong ganapin sa gitna ng dagat ganapin ang party na ito para wala nang takas si Dad. Sinadya ko rin na hindi magsama ng napaka raming tauhan sa MonteCorp para siguradong ako ang mananalo. This is supposed to be labeled as a 'Welcoming Party' for Hudsons, but little did he know, this would be the last party Dad would ever attend.

Napatawa nalang akong parang baliw habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. It was so well-organized that Dad will never expect it. "Goodbye, Dad." sambit ko bago na umalis ng banyo.

Pagkalabas ko ay nakisalamuha na ako sa mga guest. May mga sari-sarili silang pinag-uusapan habang pinapanood ko silang lahat hanggang sa nakita ko si Dad sa kalayuan. He's talking with Mr. Hudson. Seryoso lang akong nakatitig sa kan'ya habang iniisip na ito na ang huling araw na makakasama ko pa s'ya.

I will ensure that tomorrow never comes for you, Dad.

Nang biglang tumingin sa'kin si Dad ay pinilit kong maging normal ang tingin ko kahit na hinding-hindi n'ya naman maiisip na ako ang magiging dahilan ng pagbagsak n'ya ngayong gabi.

"This is Dwane, Mr. Hudson. He's my second son and my heir as well. Napaka maaasahan nitong anak kong to even though I'm not his biological father," nagagalak ang boses nito habang ipinapakilala ako kay Hudson. Halos masuka ako.

'Really? Am I not your biological son?' naiinis ako habang iniisip ko ang mga katagang na iyon dahil alam ko na ang buong katotohanan.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Derrick Kim at sumenyas ako sa kan'ya para humanda na sa gagawing plano.

Maya-maya pa ay biglang nag-vibrate ang telepono ko na nagpakunot sa akin. [Gerome is calling...]

Napataas ang kilay ko. Gerome would never call if he's aware we're busy unless it's something important. Sinagot ko kaagad iyon pagkarating ko sa balcony ng yacht. Walang ibang tao dito kundi mga guards ng Hudsons. "What do you want?" tanong ko kay Gerome na nasa kabilang linya.

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon