Entry #3

341 27 26
                                    

Dear Ruiz Canlas,

Hi! *kilig agad* Hahaha! Aner ber? lol Nagsimula ang lahat nung sumama ako sa gig nyo nung sa Vibers Bar, syempre humanga ako sayo kasi ang galing mo maggitara at talagang nagwawala ka sa stage.

Hindi pa kita kilala nun, hindi ka sakin pinakilala ng tropa pero naririnig ko lang ang pangalan mo nun kaya nag-assume ako na Ruiz talaga ang name mo.

Lumipas ang ilang weeks dumating ang June nakita ko yung facebook account mo syempre in-add kita. *May nabasa kasi ako sa twitter na sa simpleng friend request daw dyan nagsisimula eh HAHAHAHA* chos! Eh inaccept mo ako nun, edi ang saya ng ate mo.

Nagpost ako sa wall ko na "Comment a song and I'll try to sing the chorus" tapos nagcomment ka ata dun tapos nagsend ako ng voice message sayo, ang kinanta ko pa nga sayo nun is Pressure - Paramore tapos sabi mo para akong may kinakain halata sa boses ko pero ang galing kasi kumakain ako ng apple nun hahaha! at dahil dun naging close na tayo kahit sa fb.

Dumating yung araw na nagkatext tayo at tawagan, nalaman ko na may gf ka pala syempre parang nalungkot ako tapos sinabe mo na wala na kayo edi parang sumigla ako nun. (Aner ber!)

One time, nasa mood ka na kumanta, kanta ka ng kanta non' dun talaga ako napa-speechless e kasi ang ganda talaga ng boses mo yung tipong nakaka-inlove talaga pagnaririnig ko.

Nirecord ko pa ung kinanta mo na un "With Ears to See and Eyes to Hear - Sleeping with Sirens" habang kumakanta ka sa kabilang linya. Palihim kong nirecord un kasi na LSS nga ako dun, kaboses mo talaga si Kellin Quiin na super duper crush ko.

One time din, nung sinabe mo sakin na pumunta jan senyo ung ex mo syempre nalungkot ako nun kasi mamaya baka magkabalikan kayo. Ganon lagi ung naiisip ko tuwing she's trying to win you back. Sorry ah, wala e crush talaga kita. Hahaha!

Lagi na kitang namimiss pag di ka nagtetext o tumatawag pero syempre alam ko naman na may work ka as a graphic artist, isa yun sa mga nagustuhan ko sayo.

We both like arts, naalala ko nung isang gabi na sinabe mo na crush mo ako pero syempre di ko naalala lahat ng sinabe mo nun kasi sobrang antok na ako tapos kinabukasan sinabe mo ulit yun at tinanong ko kung bakit mo ko crush sabi mo ite-text mo na lang para di ko makalimutan Hahaha!

From: Ruiz Canlas (July 22)Crush kita kase:
Halos lahat ng bagay na gusto ko magkasundo tayo.

• Online games

• Bands (Sleeping with Sirens, Anberlin, Amber Pacific, Yellowcard etc)

• Foodtrip haha (like Pizza and Lasagna etc)

• Artssss + Music <3

Parehas tayong baliw haha mabaet ka at maalalahanin. Weakness ko rin ung mga chubby girls na petite look tapos rockstar pa haha :3 Di ka maarte tapos ang sweet mo pang kausap at higit sa lahat lahat pinapatawa mo ko at pinapasaya sa kabila ng problema na pinagdadaanan ko nagawa ko na ulit ngumiti ng gaya ng mga dati kong ngiti :') naranasan ko na ulit maging masaya ng dahil sayo :') Salamat!

PS: Baby uwi ka na di na ako galit :DLove,Pusheen <3

Patama Quotes:

Alam mo ba may CRUSH ako?
IKAW ang Clue.

PIZZA ka ba?
CRUST kasi kita eh.

Huwag mo ng itanong kung anong gusto ko.
Baka madulas pa ako at IKAW ang masabi ko.
(Lagi ko sinasabi tuwing kausap kita sa phone ♥ )

QUOTE NI RUIZ (Lagi niyang sinasabe sakin na ginawa kong quote)
- Isang I love you mo lang, busog na ako. busog ang puso ko ♥

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon